Chapter 26

38 0 0
                                    

"Sky PoV,

Nah! Di ko namalayan na nakatulog pala ako, at pagising ko nakita ko ang mukha ni Chanler naka kunot naman ang noo..

Ng mapansin ko na nakasandal ako sakanya, agad agad akong umiwas, grabe ang awkward, juice ko!!

"S-sorry" mahina kung tugon

Naghihintay ako ng response pero wala ni isa.

"Gising kana pala" sabi ni Areo

"Oo eh, nakatulog ako" wika ko naman.

Tinignan ko ang paligid hinahanap si Beblona, pero wala pati yun ibang kasamahan ko.

At napansin ko ang pagtayo ni Chanler, patungo sa labas.

"Tara na, nandito na tayo" sabi ni Areo

Huh? Talaga ang tagal ko palang nakatulog?

Ayun tumayo ako, at sumunod kay Areo, at talagang inalalayan pa akong bumaba sa train, how gentleman he is.

At tyka kung nagtataka kayo kung nasan ang mga guardian namin, haha pinabalik namin sila bilang spirit, at isa-summon nalang namin kung kinakailangan, at yan yun isa sa napagtrainingan namin.

Pagkalabas ko nilibot ko agad ang aking paningin sa paligid, at nakita ko ang napakamaraming tao, may namimili, may nagdedate, may kumakain rin, at higit sa lahat ang raming tindahan, para siyang market na nasa sidewalk lang.

Nagsimula na kaming maglakad at si Areo yun umuna, katabi ko naman si Beblona at Merma na walang sawang kakachismis, haay nako! Buti pa yun sina Chrishel at Helia stay calm lang, si Steve, Topher at si Mark nagtatawanan lang.

Bumuntong hininga nalang ako, at naglakad lakad nalang.

"You know Beb, here marami kang makikitang kakaibang mga bagay bagay, kasi noon I went here twice with my causins, and its pretty enjoying" wika ni Merma.

"Really?" Sabi ni Beblona.

Aba english si ate! Kaloka ha.

Binaling ko nalang ang paningin ko, at nakakita ako ng mga bentahan ng keychain I want suviener!!, agad agad akong lumapit at namili.

Grabe ang weird ng mga keychain na ito gumagalaw , kaya pumili pa ako.

"Ahh ayun!" Wika ko.

I saw kasi a gold keychain, ng malapitan ko ito at hinawakan, bigla nalang nag ilaw sa mga kamay ko, at nagchange siya ng figure, kanina isang circle lang siya namay maliliit na gem nakapalibot, pero ngayon umiikot yun mga maliliit na gem, na parang may binubuo na something.

"Iha! Anong ginawa mo!!" Sabi ng isang boses sa likod ko, kaya agad ko naman nilingon ito.

"Po?" Tanong ko.

Nabigla ito sa hawak, at agad agad inagaw yun keychain, pero parang napasu siya at nabitawan yun keychain.

Pinulut ko naman agad.

"Iha, paano mo nagawa yan?" Pag usisa ni Manong yeah manong po siya, and I think siya yata ang may-ari ng shop na ito.

"Po? Hinawakan ko lang siya at umilaw, then naging ganito na siya" pagpapaliwanag ko sakanya.

"Iha, yan hawak mo isang acient magic ruins, yan ayy isang makapangyarihan na bagay, na di mo dapat itanggi, at minsan lang namimili ang acient ruins, na magiging tagapagmay-ari sa kanya" mahabang sabi ni Manong?

I cant? Believe this? Nakakuha ako ng isang Magic ruins yehaay ang saya ko, pero wait? Ano naman kaya ang magagawa nito?

"Manong? A-ano po bang magagawa nito? Tanong ko.

Frontier Magic AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon