Track #13 The Last Time

252 10 1
                                    

I find myself at your door
just like those old times before
I'm not sure, how I got there
all roads--- they lead me here

I imagine you are home
in your room, all alone
and you open your eyes
into mine
everything feels better

And right before your eyes
I'm breaking
no past, no reasons why
just you and me

This is the last time
I'm asking you this
put my name at the top of your list
This is the last time
I'm asking you why
you break my heart
in the blink of an eye.

***

Isang taon na ang lumipas.

Ang bilis ng panahon no? Akalain mo yun, isang taon na pala ang lumipas mula nang magkahiwalay tayo.

Marami na ang nangyari sa lumipas na taon. Third year na ako ngayon, at maayos naman ang pag-aaral ko. Mas pinagbutihan ko pa nga eh, kasi simula nang umalis ka mas lalo ko pang ginustong magpursige sa pag-aaral ko. Siguro para na rin patunayan sa sarili ko na kahit wala ka na, kaya kong magpatuloy. At darating ang panahon na tatawanan ko na lang lahat nang dinulot mong sakit sa'kin.

Hindi pa man yun ngayon yung panahon na yun, alam kong papunta na ako doon. Nararamdaman ko na malapit na yun.

With the help of my friends and my loved ones, I know I was close. Very close.

Nakakatawa na nga ako nang malakas ngayon eh. Dati-rati, hindi ko magawa yun. Kapag natatawa kasi ako pakiramdam ko parang ang unfair lang, na parang may kung anong pwersang pumipigil pa rin sa'kin na sumaya. Parang nakaka-guilty sumaya. Pero ngayon, kaya ko na.

Unti-unti at matagal na proseso pero kakayanin. Sabi nga nila di ba, time heals everything.

"Na-upload ko na yung pics sa Facebook," anunsiyo ni Paul samin at natawa ako dun. "Grabe si Jake walang kamalay-malay."

Lalo akong natawa. "Makapag-comment nga mamaya. It's pay back time," nakangising sagot ko.

"Tapos gawin nating profile picture lahat yung picture na yun," suggestion naman ni Luigi.

"Grabe kayo ang sasama niyo," kontra naman ni Eunice pero tumatawa din siya.

"Impostor ka Eunice, ni-like mo nga yung pic eh," sagot ko sa kanya at nagtawanan kami ulit.

"Eh nakakatawa naman kasi talaga," sabi ni Eunice na pinipigilang matawa pero obvious namang aliw na aliw siya dun sa picture ni Jake. Sino ba namang hindi?

Yung tinutukoy kasi naming picture, picture naming magkakasama kagabi sa huling gabi ng School Fair. Special guest kasi ang Rex Capricorn, ang banda kung saan kasali si Luigi kaya nandun kami para sumuporta. Nitong nakaraang taon kasi ay napasali ang banda nila sa isang band competition sa tv kaya sikat na sikat na talaga sila ngayon. Kaya hindi na rin nakakapagtaka na dinumog ang performance nila Luigi kagabi. Sa sobra ngang dami ng tao, aakalainin mong may nag-concert na sikat na singer. At ang best part doon, nasa harapan kami mismo ng stage dahil naging parang VIP ang treatment samin dahil na rin sa mga classmates kami ni Luigi.

At ang tinatawanan naming picture--- ay yung group picture namin kasama ng buong Rex Capricorn at sa di maipaliwanag na dahilan ay naging blurred at black and white ang buong katawan ni Jake sa picture. Bukod-tangi siyang ganun dun sa picture na akala mo ay edited siya at pinagtripan.

Kaya ganun na lang yung tawa naming lahat nang makita namin yung picture. Inulit-ulit pa nga naming tingnan yung picture dahil hindi rin kami makapaniwala. Parang sinadya talaga. Kaya puro tukso talaga ang inabot samin ni Jake. At baka yun din ang dahilan kung bakit hindi namin siya ngayon kasama, dahil alam niyang tutuksuhin namin siya.

Loving You Was RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon