Chapter 23: Girl (Space) Friend.

2.1K 97 3
                                    

Chapter 23: Girl (Space) Friend.

---

The people who know you well are the people who know your vulnerabilities.

- Danny Wallace (Yes Man)

---

Hyoyeon's Point of View

Habang pauwi kami ay sobrang ingay ng mga kasama ko. To the point na sasabog na yung tenga ko sa kaingayan nila.

"Gosh. Ang saya ng araw na to." Sooyoung said at nagsasayaw pa.

Take note, nasa van kaming lahat. Imagine that >_<

Sumali na sa kaguluhan si Yuri. "Oo nga, ang saya saya!"

Idagdag mo pa si Jessica na may matinis na boses. "Yeah. Sobrang saya!"

Di ko na kaya kaya naman sumigaw na ako. "SHEMAY. MASAYA NA DIBA? PAULIT-ULIT?? NARIRINIG NIYO BA AKO?"

With that ay parang magic natahimik lahat. Yohoo. Finally, world peace.

"KJ mo naman Hyo." biro ni Sunny pero sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Pwede naman kasi kayong mag-usap ng di sumisigaw." sabi ko naman sa kanila. Sinasayang nila ang boses nila.

Pumalakpak naman si Tiffany na kanina ay lang ay nasa cloud nine. =___= Push nilang lahat yan.

"Hyo babes." I give Sunny a glare. "Chill lang. Baka mamaya di ka na magustuhan n----"

Tinakpan ko yung madaldal niyang bibig. Gagawa na naman ng issue. Tumingin naman sa rearview mirror si Taeng habang nadadrive. "Eyes on the road." sabi ko kaya naman tumango siya.

Nakikichismis pa eh. >_<

"Type ka ni Chen unnie." comment ni BabySeo habang nakatingin sa may bintana. Ang dami ata nitong alam pagdating sa love?

"Paano mo naman nasabi yan?" curious kong tanong sa kanya. She crossed her arms then smiled.

"The way he looks at you? Feeling ko lang naman unnie." pageexplain niya sa conclusion niya.

I folded my arms across my chest. "Yep. You're not feeling well BabySeo."

Binatukan naman ako ni Yoona dahil ata sa sinabi ko? "Tss. Give her a break." pagbawal niya sa akin.

Nang makarating kami sa bahay ay kanya kanya na agad. Napagod kaming kumain at magmovie marathon.

Matapos kong magpalit ng damit ay nahiga na ako sa kama ko. Tomorrow will be a normal day and back to normal na.

[The Next Day]

Naramdaman ko na may tumatapik sa balikat ko pero di ko iyon pinansin. Inaantok pa ako at kay agang istorbo naman nito.

"Hyo naman! Parang awa mo na. Tulungan mo akong magluto." I heard Taeyeon pleaded. Ahhhh! Kainis.

"No." maikling sagot ko. Pero nagbuntong hininga siya kaya tumayo na ako. Mukha ba kaming slave?

Pasalamat sila dahil mahal namin sila. =_____=

"Yes!" masayang sabi niya at umalis na sa kwarto ko. Sa susunod iluluto ko na ang SNSD para masaya.

Nagluto kami ng pancakes, hotdogs at maraming iba pa. Sa takaw ba naman ng 2 shikshin namin ay kulang pa yan. Kaya kawawa mga magiging boyfriend niyan.

Magiging under. Under de Saya.

"Wow. May ano?" nagsparkle pa ang mata ni Sooyoung habang nakatingin sa hinanda namin.

ReaLIES || ExoShidaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon