Chapter 33: Capernoited

2.2K 96 10
                                    

Chapter 33: Capernoited

---

Distance let's you know who's worth keeping and who's worth letting go.

---

Tao's Point of View

Nakita ko si Kris hyung na nakatulala. Nilapitan ko naman siya ay nakita ko na tinitingnan niya si Jessica noona na nakikipaglaro sa ibang SNSD. Malala na ang isang to.

"Hyung!" sinigawan ko siya sa  tenga. Muntik naman siyang mahulog sa upuan kaya binatukan niya ako. "Bakit ba kasi tinitingnan mo si Jessica noona? May HD ka siguro." biro ko naman.

"Tsk. What are you doing here?" irita niyang tanong sabay pangalumbaba at pinagmasdan ulit si Jessica noona.

"Inlove yan." Halos matumba naman ako sa gulat ng may sumulpot si Chen hyung at Chanyeol hyung sa tabi ko.

"Gago. Nagulat ako." sabi ko naman. Umupo silang dalawa sa tabi namin.

"Gusto niyo ba ng tips para sa mga gusto niyong babae?" Chen hyung asked. "Mag-enroll na kayo sa akin."

Hinampas naman siya ni Chanyeol hyung. "Sira. Pero bibigyan namin kayo ng tips para sa mga gusto niyong babae."

"Okay." Kris hyung said. Ngumisi naman kami at confirm na may tama nga siya.

"Favorite ni Jessica yung cucumber." nakangising sabi ni Chen hyung. Mukhang delikado magtiwala sa mukhang yan.

"Ikaw Tao? Sino ba ang gusto mo?" tanong ni Chanyeol hyung.

"Secret." sabi ko nalang. Baka mamaya sabihin pa nila sa kanya. Edi naloko na.

"Naku baka maunahan ka pa ng iba. Maganda pa naman si Sooyoung." natatawang biro ni Chen hyung kaya napasimangot naman ako. Wala naman akong sinabing pangalan ah.

"Si Sooyoung? Bagay kayo. Parehas matakaw." Chanyeol hyung said while looking at her. Nainis naman ako sa kanya.

"Hindi matakaw si Sooyoung. Sadyang mahina lang kayong kumain." I answered. Nagtawanan naman yung dalawang ugok. Tsk.

Pinanood nalang namin yung SNSD na maglaro nang sumigaw si Jessica noona. "EXO! SALI KAYO SA AMIN." Mabilis pa sa flash ay nawala si Kris hyung at pumunta kay Jessica noona.

Napatawa naman kami. "Halatang halata yang si Kris hyung." iling na sabi ni Chanyeol hyung.

Lumapit naman kami sa kanila. "Okay, eto ang rules. We will be divided into two groups. Ipapasan ng lalaki yung babae sa may shoulders niya tapos kailangan makuha naman ng mga girls ang bandana sa ulo ng kalaban niya. This is only a friendly game. Kung sino ang group na matatalo ay magkakaroon ng mga consequences." mahabang paliwanag ni Tiffany noona.

Nagtaas naman ng kamay si Lay. "Sino ba ang magkakapartner at magkakagroup?" tanong naman niya.

"Diba divided kayo into two groups? Exo-K and Exo-M right? Drawlots nalang para fair then kuha pa kami ng 3 girls na willing makipaglaro para all of us will participate!" Hyoyeon noona said. At for the first time.. Di siya galit. Nakakapanibago.

Dali daling kumuha ng papel si Kai. "Nakasulat na dyan yung pangalan natin."

"Hanap lang kami ng iba pang sasali." Yuri noona said sabay hatak kay Yoona noona na parang walang pakeilam.

After makakuha ng bandana ng mga babae ay saktong dumating yung dalawa. "This is Luna, Suzy and CL." pakilala ni Yuri noona.

"Hello!" bati namin sa kanila. Isinulat naman ni Baekhyun hyung yung pangalan nung tatlo.

ReaLIES || ExoShidaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon