"Ang tagal naman ng dalawang 'yon. Kanina pa tayo dito ah" reklamo ni Zia.
Wala pa kasi sina Jeli at ang kanyang Kuya Greg. Mag-iisang oras na silang naghihintay.
"Nakakahiya naman kina Bryant," sabi ni Paula
"Kanina ka pa Bryant ng Bryant dyan ah. Hayaan mo silang maghintay."
Nasa living room sina Bryant, Gab and Dale, ang tanging mga bisitang imbitado ng kanyang Kuya Greg sa thanksgiving party na 'yon.
Sila naman tatlo ay kasalakuyang naghahanda ng pagkain sa mesa. Walang gustong maiwan sa tatlong gwapo na nakaupo sa sofa kung kaya sama-sama together sila sa kitchen at nakigulo sa maid na naghahanda ng pagkain.
"Dapat ay may isa sa inyong pupunta sa mga bisita. Nandito tayo lahat sa kusina. Nakakahiya naman sakanila," wika ni Zia
"Ikaw nalang kaya ang humarap sa kanila, Zia. Tutal ikaw ang nagsabing dapat na may haharap sa kanila."
"Ayaw. Kayo nalang."
"Ayaw ko rin. Hindi ko naman mg aka-vibes yang mga yan eh. Ikaw kaya Paula. Tutal, friends naman yan ng brother mo."
"Ayoko rin."
"Anong ayaw mo? Bisita ng kapatid mo yan ah."
"Kahita na. Hindi ko naman sila ka-close. Bawal akong lumapit sa mga yan. Magagalit si Kuya Greg."
"Bakit naman?"
"Ayaw niya akong makipag close sa kanila, baka raw maligawan ako."
"Pero he changed na, hindi ba? Baka payagan ka na niyang maligawan."
"Ewan ko. Itanong mo nalang sa pagong."
Pero hindi yun ang tunay na dahilan kung bakit ayaw niyang humarap sa mga bisita ng kuya niya. Kasi, ayaw niyang makita ng harapan si Bryant. Baka mapatanga siya rito at mabuko pa siya na crush niya ito.
Mahirap na.. lalo pa nga at kaibigan ito ng kuya niya. Narinig niya noon na pinagbawalan nito ang mga kaibigan na makipag close sa kanya. Lalo nang hindi raw siya pwedeng ligawan ng mga ito.
Hindi niya makuha ang logic ng Kuya Greg niya. Paano kung may isang magka gusto sa kanya sa mga ito at magustuhan rin niya?
Hindi pwede dahil ayaw ng Kuya niya. It's unfair naman yata. Kaya lang, pwede ba niyang suwayin ang kagustuhan ng kanyang Kuya when it's come to love matters?
Ewan lang niya. Hindi pa naman kasi nangyari na magkaproblema siya sa love dahil hindi pa siya nai-inlove.
Although, parang gusto niyang ma-inlove kay Bryant, pinipigil niya yon.
"Zia, ikaw na talaga ang dapat na pumunta sakanila," tawag pansin naman ni Elaine
Hindi ito mapakali
"Hay nako! I don't talk to strangers. Sorry."
"Kahit na gwapong strangers?"
"Kahit pa. At saka mabuti na yung wag natin silang pansinin. Baka isipin pa ng mga yan type natin sila."
"Kung sabagay. Oo nga. Sa totoo lang, gwapo silang tatlo. Pero kahit ba sila gwapo, hindi naman natin sila friends."
"Oo nga. Isnabin na lang natin," ayon ni Paula para di siya mabuking na kinokontrol lang niya ang sarili na lapitan si Bryant.
"Tama, kunwari di sila existing."
"Saan ba naman kasi nagpunta ang dalawang yon?" Inip na inip na akong matikman itong crispy pata."
"Baka naman nasiraan," react ni Elaine
"Imposibleng mangyari yon, mga tukmol. Bago kaya kotse ni Kuya."
"Baka naman itinanan na ni Greg si Jeli?"
"Lalong imposible yang sinasabi mo, Elaine. Sabi ni Paula, naka ban ang puso ng Kuya niya. Walang karapatang magkagusto not until five years later."
"Hindi kaya si Jeli ang nagtanan kay Greg?"
"Mga abnormal kayo. What do you thin naman of Jeli? Mauubusan ng lalake?" Napatawang wika niya
"Kung hindi sila nagtanan? Baka nakidnap na sila at ipapa-ransom sa atin!" nandidilat ang matang wika ni Elaine
"Hay nako! Maghanap ka ng kausap mo!" si Zia
"Mabuti pa ay tawagan na natin sila kesa naman nag-iisip tayo ng kung anu-anong dahilan."
"Mabuti pa nga. Masakit na ang tuhod ko sa kakatayo rito just to pretend na busy tayo para may excuse tayo kung bakit hindi natin hinaharap ang tatlong itlog sa sala."
Si Paula na ang tumawag sa Kuya Greg niya at nakakagulat na sobrang saya ng kuya niya nang sumagot.
"Kuya? Nasaan kayo? Naiinip na kami ditto. Nandito na sina Bryant."
"On the way na kami, sis. In ten minutes darating na kame."
"Bakit ang tagal niyo?"
"May mahalagang nangyari. We'll just tell you about the good news pagdating naming diyan."
"Okay. Wait nalang kame sainyo."
"May good news daw sila satin," pagbabalita niya sa mga kaibigan niya.
"Ano kayang good news yon?"
"Baka may uwi silang ice cream. Type!"
"Hindi. Baka binayaran na ni Jeli ang binasag niyang vase. Aba, kailangan talaga mabalik ang 25,000 ng kuya mo."
"Or, baka pinatawad nan i Greg si Jeli sa pagkakabasag niya sa vase."
Si Paula ay tahimik lang. Wala siyang maisip na dahilan para magkaroon ng good news ang kanayang kapatid.
Good news? Ulit niya sa sarili niya.
Parang nakakapagtaka na ang Kuya niya ay mag-uwi ng good news.
Anong klaseng good news? Hindi naman nito naging ugali na magsabi ng magandang balita tungkol sa sarili in the past.
At ang nakakapagtaka pa ay kasama nito si Jeli.
What good news is he talking about?
Sinarilina lamang niya ang mga tanong na pumapasok sa kanyang isipan.