"Wait! Wait! Pakilinaw lang ng mabuti at paki confirm. Baka nagkaringgan lang tayo. You mean, Jeli, mag-on na kayo ni Greg?" Hindi kumukurap na tanong ni Zia
Tumango si Jeli. Bakas sa mukha nito ang katuwaan.
"Hindi naman kayo magnobyo, hindi ba. I mean, hindi naman talaga, hindi ba Jeli?" Si Elaine
"Kanina...hindi pa," amin ni Jeli.
"Tapos ngayon, sinasbi ninyo na on na kayo. You mean, magnobyo na kayo?" Siya naman ang nagtanong at pinadikit pa niya ang dalawang hintuturo para imuwestra ang ibig niyang sabihin.
"Exactly, Sis!" confirm ni Greg
"Paanong nangyari yon?!" sabay sabay na react nila.
"Ikaw na kaya ang magpaliwanag Greg," masuyong wika ni Jeli
"Ang hira i-explain, guys. Pero nandito kasi. Dito nagsimula ang lahat," turo nito sa sariling dibdib.
"I just wake up one morning and realized, inlove ako kay Jeli. I hate to admit, pero mahirap palang kalabanin ang puso. Nawawalan ng kapangyarihan ang anumang standard na sinusunod mo sa buhay mo."
"At ikaw, Jeli? Sa pagkakaalam naming ay inis ka kay Kuya. How come?"
"Naglihim ako sainyo. Kung alam lang ninyo na habang nihe-hate ko siya, lalo naman siyang napapamahal sa akin. And the rest is magic. A magic between me and him na hindi naming magawang ipaliwanag. Basta. We love each other. Yun na"
"Nakakaloka! Hindi ko to kinaya!" si Zia
"Kayanin mo na. Wala na tayong magagawa. On na sila."
"And be ready dahil plano na naming magpakasal. Soon."
"Well, well. Good news yan para samin, Greg. You mean, pwede na rin kaming manligaw?" si Bryant
Malakas na napatawa si Greg
"I think, wala akong karapatang pigilan pa kayo kung gusto na ninyong ma-inlove. Magiging unfair naman ako nyan."
"Narinig ninyo yon mga tol?" sabi ni Bryant kina Gab at Dale.
"Yes, yes, yow! Sa wakas, makakapambabae na tayo!" high pitch na react ni Dale.
It seems, lahat sila ay tunay na nabigla sa bilis ng pangyayari. Kagulat-gulat naman talaga ito.
Sa pagkakaalam niya, matigas ang Kuya niy pagdating sa prinsipyo sa buhay. Kaya nga nito naabot ang kinalalagyan nito ngayon.
Dahil sa pagiging committed nito sa mga pangarap nito sa buhay.
Hindi talaga ito nanligaw kahit ni minsan.
Hindi nagka girlfriend dahil sa pangarap nito na gustong matupad.
Kaya nga ang bilin nito sa kanya, wag magdadala ng mga kaibigan sa condo unit nila. Ayaw nitong makitang babae dahil sa tukso lang raw ito.
At sa pagkakaalam niya negative ang dating ni Jeli sa kuya niya. How come sila na ngayon?
Talaga bang ganito ka powerful ang love? Ang mga imposibleng bagay ay nagiging posible? Tanong niya sa sarili niya.
"Hoy, Paula. Kumibo ka naman. Ano ang masasabi mo? Magiging hipag mo na si Jeli."
Sapo ang noon a napadilat siya.
"Wala akong masabi. I'm still in a state ofshock!"