"So lucky naman the bruha no. Ang saya-saya. Nakabasag na nga ng vase worth 25,000, pinakasalan pa ng may ari!" bulong ni Zia sa kanila habang sinisimulan na ang seremonyas ng kasal nina Greg at Jeli."
"Swerte talaga ang bruha" sabi naman ni Elaine
"Naiinggit nga ako sakanya" saad ni Zia
"Ako rin. Naiisip ko na ring mag-asawa. So fast the happening, ha. Imagine, sinundo lang si Jeli dahil nag-iinarte, tapos bigla na lang silang maging on. Ganoong ka fast!" sabi ni Elaine
Siya ay hindi rin makapaniwala na ikinasal na ang kanyang kuya sa kaibigan niyang si Jeli.
Sobrang saya ang nararamdaman niya ng mga oras na yon and at the same time, sobrang pagtataka.
Ilang ulit nag make a vow ang kanyang kuya na hindi ito mag aasawa, not until natupad na ang lahat ng mga pangarap nito para sakanilang dalawa. But now, here he is. Sumisira sa pangako nito for the sake of love.
Ang nararamdaman ng kanyang kuya at ni Jeli ay katulad rin ng nararamdaman niya ngayon?" Ang hirap i-explain ng feelings niya.
Bakit ba sobra yata siyang na excite kanina nang nagma-march sila ni Bryant sa aisle patungong altar at binabalik-balikan niya yon sa kanyang isip.
Si Bryant ang tumayong bestman at siya naman ang maid of honor kung kaya't tuwang-tuwa siya. Nobody knows na sobrang tuwa niya na magkapartner sila ni Bryant.
At hindi mabibili ng pera ang tuwang nararamdaman niya niya sa aisle.
Feeling niya, ikinakasal rin sila ng mga oras na yon.
Kung pwede nga lang manghila na lang ng groom at kung may dala lang siyang shotgun, baka nagkaroon ng shotgun wedding pagkatapos ng kasal ng kuya niya at ni Jeli.
Napangiti siya sa mga naiisip na kabaliwan. Ganito ba talaga ang mainlove? Maraming kalokohang iniisip? Bumubuo ng mga imposibleng bagay na imahinasyon at lumilikha ng sariling mundo kahit na ilusyon lang?
Maybe. Dahil ito ngayon ang nararamdaman niya,
Habangtahimik lang siyang nakatingin sa mga ikinakasal ay iniimagine niya na sila niBryant ang ikinakasal sa mga oras na yon.