I set the box aside, kailangan ko pa kasing tapusin ang pagsasaayos ng bahay.
Saktong bubuksan ko ang pinto ng may humintong isang Van sa labas ng bahay ko.
"Kylla!" Sigaw ni Rose mula sa loob ng Van.
Natawa na lang ako ng umakto si Micah na itutulak palabas ng Van si Rose. Tumigil ang Van sa harap ko at nakita ko si Christian na nagmamaneho, Boyfriend ni Micah , si Christian din ang pinakamatagal ko ng friend. Nakilala ko siya before pa man naging sila ni Micah.
Humahangos na bumaba si Rhyme mula sa Van, siya naman ang pinaka close ko.
"Maldita ka! Di ka man lang nagpasabi in advance sana man lang nakapaghakot ako ng ibang gamit mo pauwi." Sabi nito saka ako binatukan.
"Kaya nga di ko sinabi, alam kong hahakutin mo ang mga gamit ko eh." Natatawa kong sagot.
Si Rhyme ang pinakabata sa amin. Advance kasi siya. Isa siyang CPA, si Micah naman nag mamanage ng negosyong pinagsosyohan namin. Business Management siya. si Rose naman Chef. IT specialist naman si Christian. And me?? Writer ako.
"We've got pizza" anunsiyo ni Christian nang makalapit, pagkatapos niyang ipark ng maayos ang Van.
"And Ice cream" ani Rose saka itinaas ang hawak na plastik, naaninag ko dun ang gallon ng Ice cream.
"Gutom na ako!" Ani ko .
Tumawa silang lahat at sumunod sa akin papasok ng bahay. Natawa ako ng malingunan ko silang pilit na iniiwasan ang mga box ng gamit ko.
"Grabe hinakot mo yata ang buong apartment,Kyle" komento ni Rhyme.
"Sira,"
Dumiretso kami ng Kusina, malapit ko nang matapos ayusin ang kusina dahil inunti-unti ko rin naman to nung nasa apartment pa lamang ako .
"Just like the old days" sabi ni Micah saka binigyan kami ng tig-iisang tablespoon.
Binuksan ni Rose ang Ice Cream at sabay sabay kaming sumandok gamit ang kanya kanyang kutsara. Nagusap kami at nagtawanan. Inubos namin yung Gallon ng Ice Cream at ang box ng pizza.
Nagpahinga kami ng kaunti saka nila ako tinulungan mag linis ng bahay. Good thing at maaga pa kaya ng hapon ay halos matapos namin lahat ng gawain.
"Mag pa house blessing ka,Kyle" suhestyon ni Rhyme. Habang kumakain kami ng hapunan. Hindi ko sila pinauwi ng hindi kumakain para makabawi man lang ako sa tulong nila .
"Napagisipan ko na din yan," ako.
"Wah, Exited na ako," ani Rose.
"Hahaha, kakawawain ka na naman, dahil ikaw ang magluluto. " si Micah.
"Syempre i propromote ko ang Memoirs. . " proud na sabi ni Rose.
Inirapan lang ito ni Micah.
"Anyways, Kayong dalawa. What's the plan? Kailan ang kasal?" Nakangiti kong tanong kay Micah at Christian.
" Kapag nakagawa ka na nang love story na may happy ending," hirit ni Micah.
"Oo nga! Naiinis na ko sa kaka basa ng kwento mong puro action, mystery, at horror. Kung may romance naman, panget yung ending." Si Rhyme.
"Ui, best seller kaya ang mga libro ko. "
BINABASA MO ANG
Umaasa Parin Ako
RomanceBakit pag nagmahal kailangan masaktan? Bakit pag pinahalagahan mo nawawala? Bakit pag nagsasakripisyo naisasawalang bahala? bakit ganoon? lahat ba dapat may kabayaran?? hindi ba talaga pwedeng positive na lng lahat?? oh, well kung walang negat...