Umagang umaga pa lang bad mood na si Kylla kaya pinangingilagan siya ng mga kaibigan pati narin ng mga crew sa Memoirs.
Hindi pa kasi mawala-wala sa isip niya ang ginawa ni Reiji kahapon..
"Boysit siya" galit niyang bulong sa sarili hababang tumitipa sa laptop niya.
"Ankapal naman ng mukha niyang gawin sa akin yun!" Pagalit niyang bulong sa sarili.
Masama ang tinging tinitigan niya ang Emailed Invitation mula kay Pearl. Alam niyang meron din nito sina Micah. Kaya kahit alam niyang ayaw niya wala siyang magagawa dahil paniguradong sisirain ng mga ito ang bagong bahay niya.
"Jeez," Pabagsak niyang ibinunggo ang ulo sa lamesa. Mannerism niya iyon kapag frustrated siya.
"Ba't ngayon ko lang to natanggap? Eh sa susunod na linggo na to ah!"
Duh?? Nagtanong ka pa?? Eh, ikaw din naman ang may gustong hindi mag maroon ng kahit na anong konekyson sa Highschool life mo noon??
Muli niyang ibinagsak ang ulo sa lamesa. Napangiwi dahil napasobrahan yata niya.
"Ansakit aa"
"Yan kasi. Kunwari pang di siya kinilig kahapon" napaangat ang kilay ni Kylla nang marinig ang tinig ng kaibigang si Rhyme.
"Micah, pakisabi nga jan sa katabi mo, kung di siya tatahimik sasabunutan ko siya" pagtataray niya.
Tumawa lang ito at di pinansin ang sinabi niya.
Inismiran na lang niya ang dalawa.
Napatingin siya sa pinto ng Memoirs ng bumakas iyon at sunod sunod na pumasok ang mga estudyante.
"Ui, May hinahanap" unti-unting kumunot ang noo niya at binalingan si Rhyme.
Nakatingin ito sa grupo ng estudyante , habang may mapaglarong ngiti sa labi.
"muling ibalik ang tamis ng pagibig" pakanta kanta pa ito. Di alintana ang tingin ng mga costumer.
Biglang naginit ang ulo niya kaya binato niya ng tissue holder si Rhyme.
"Aray! Hoy Kylla, Child Abuse yun ha? Isusumbong kita sa Bantay Bata" sigaw nito. Nagsimulang magsitawa ang mga costumer.
" che," inirapan niya ito. At tumuloy siya sa Cashier.
"Ako na jan" pabiro niyang inirapan ang crew doon. Close nila lahat ng crew nila kaya sanay na ang mga ito sa ugali niya or rather nila.
Nakangiting lumapit ang Mga estudyante sakanya.
"Good morning, what's your order?"
"Hi, po. Limang order nga po ng Frappé then lima din pong Blue berry cakes. "
Tinaype niya ang order nito saka nagreciept.
"Ahm, Miss Kylla. Pwede po bang mag pa autograph?" Mayamaya ay tanong ng isa sa limang estudyante.
"Ha? Di naman ako, artista ah." Tatawa tawa niyang iling. Saka niya tinuro si Rhyme. "Ayun, yung babaeng yun Artista wanna be"
"Fan po kase kami ng mga kaibigan ko ng mga libro ninyo. Lalo na po yung Last Rose at Undefined feelings po na sinulat niyo:) "
"Wow? Talaga?? O sige. Ba!! " humakbang siya palabas ng Counter at nilapitan ang mga kabataan.
" san ako pipirma?? " pabiro niyang sabe.
Agad agad na naglabas ang mga ito ng libro niya. Na palagi daw dala ng mga ito.
"Dream come true po ito para amin,Miss Kylla"
Natawa naman siya sa tinuran ng bata.
"Sus, parang sa eto lang. "
"Nga po pala, Miss Kylla, Ako po si Kesha, pinakamaganda sa amin. That's Ayeth, The artist, yun naman po Khara , the Nerd. Si Akira po, the boyish. Then si Angelique po:) Kapangalan niya po yung Author"
"Psh" narinig niyang hirit nung Fall daw. Ancute nang pangalan niya:)
"Thanks po, Miss Kylla. At sana po, magkaroon na kayo ng happy ending para naman po maging happy ending din ang story niyo. Lalo na po yung last rose. Naiyak po kasi talaga ako eh " hirit nung Ayeth.
Napaismid naman agad sya.
"O siya , siya. Humayo na kayo at magsikain. " pabiro niyang tinaboy ang mga ito. .
++++++++++++++++++
L A M E:(
BINABASA MO ANG
Umaasa Parin Ako
RomanceBakit pag nagmahal kailangan masaktan? Bakit pag pinahalagahan mo nawawala? Bakit pag nagsasakripisyo naisasawalang bahala? bakit ganoon? lahat ba dapat may kabayaran?? hindi ba talaga pwedeng positive na lng lahat?? oh, well kung walang negat...