CHAPTER 1

235 9 1
                                    

Tiffany's Point of View

" WALANG FOREVER "

16 likes 10 comments

Bumungad sakin pagka bukas ko ng Fb account ko. Paulit ulit naman tong Walang Forever na to. Meron po.. Meron..

Nag scroll nalang ako ng nag scroll ng mahinto ako sa post nya

"chat nyo ko ♡"
75 likes 15 comments

Nagpanic naman ako sa nabasa ko. Kinakalma ko ang sarili ko pero di ko maiwasang kiligin. Hindi ako yung tipo na nag hi hysterical kapag may nakitang tungkol sa crush nya. Bumibilis lang tibok ng puso ko. Ge corny.

David Ian Chua. That's all. Wala nang ekek sa pagpapakilala sa kanya.
One word. PERFECT. Joke haha. Bestfriend ko sya since I don't know. Ang alam ko, alam nyang crush ko sya pero, kahit na ganun. Hindi ako na awkwardan pag kaming dalawa yung magkasama. Halos di nga kami mapag hiwalay dati. Pero dati yun.

Nag scroll lang ako ng nag scroll hanggang sa nag pop yung pangalan nya..

David....
Tiffanget!! XD

Aba loko to ah.

You
Oh? Davidnot?

David...
Wala lang.. Miss na kita eh. Yie kilig si Tiffanget hahaha.

Oo na kinikilig na. Haha..

You
Asa ka! Ang panget mo e. Mukha kang unggoy. Hahahaha

*David is typing...*

David...
Aba loko ka ah. Ako? Unggoy? Over my deadly handsome face and body. Baka lumuhod ang unggoy sa kapogian ko.

You
Luh? Onting respeto naman sa sarili mo. Wag ka namang lumuhod sa salamin XD

Sabi ko habang nakangiti ng parang tanga dito. Kahit kelan talaga ko. Hahaha...

David..
Ayaw mo pang sabihin na pogi talaga ko.. Ge na Tiffanget. Ilabyu :*

You
Lul ./.

David...
Hahaha. Joke lang. Kilig ka namang panget ka. Ge goodnight.

Di na ko nag reply at nagpatuloy nalang sa pag scroll down. Ng makita ko nanaman ang post nya

David Chua
She made my day again. I wish that she know it .

35 likes

Di ko maiwasan na mag assume na ako yung pinupunto nya pero ayokong masaktan. Chos.

Tiffany Lopez: Ang drama mo Davidnot. Tulog ka na. Di ka mahal nun. Hahaha

Pagka comment ko nun ay nag scroll nalang ulit ako.

*David Chua replied to your comment on his status*

Viniew ko kaagad at tiningnan ang comment ng abnormal na to.

David Chua: Grabe naman Tiffanget. Palibhasa walang nagmamahal sayo. Hahaha. Matulog ka na din. Hindi ka rin mahal nun.

Sus. Hahahaha. Kunwari pa to. E crush din ako. Hahaha joke.

Nilike ko yung comment nya at di na nagreply kasi pag mag reply pa ko dun, hahaba lang yung usapan.Nagstatus din ako bago ako matulog.

Tiffany Lopez
Never been in love like this before.

Pagka post ko, nag scroll nanaman ako.. Kung anong tuwa ko kanina, syang bwisit ko ngayon.

Danny De Leon
See you tomorrow babes :* *with David Chua*

5 likes

Kawawa. 5 likes lang e 1 hour na. Feeling famous kasi tong gunggong na to. Trying hard.

Danny De Leon, one Word. EPAL

Dahil sa nabwisit nga ako e nag log out muna ako at kumuha ng pag kain sa kusina. Pagkakuha ko, yung twitter ko naman ang binuksan ko. Yah. Want to know what's my bio?

Stop shitness bitch. He's.MINE.Alone.

Simple but very figurative. Ako kasi yung tipo ng tao na napaka misteryoso. Magegets mo lang ang mga sinasabi ko kapag kilalang kilala mo ko.

Nagpatugtog muna ako at tsaka nag tweet.

@Tiff***
Listening to music while reminiscing the memories of us.

Wala akong magawa sa twitter kaya nag log in ulit ako sa facebook. Pagkabukas ko, bumungad sakin yung message ni David.

David...
Tiffanget..

At dahil inaantok na ko, di ko na nareplyan..pero bago ako matulog, naisip ko lang..

Paano kaya kapag dumating na yung time na ako na mismo yung magsasabi sa kanyang gusto ko sya? Pero di ko naman gagawin yun. Ayoko sa rejection.

♡♡♡♡♡♡♡
Short update ʕ•ﻌ•ʔ.

Fall For You ( SHORT STORY )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon