It's all my Fault (one shot)

560 16 18
                                    

Hayy hindi mo alam kung gaano kita namimiss.

Hindi mo alam kung gaano ako kadesperado na maging sayo

Kaso umiiwas ka naman.

Kasi kasalanan ko.

Bakit ba kasi naging papansin pa ako nun sayo?

Bakit ba kasi nagseselos ako sa mga kasama mo?

Bakit ba kasi tinago ko pa na gustong-gustong talaga kita?

Bakit ba kasi mali ang nagging desisyon ko

Antanga ko GRABE naiinis ako sa sarili ko.

Naalala ko pa nung una kitang beses nakilala. May umaaway sakin nun mga lalaking walang maggawa sa buhay nila kundi ang asarin ako. Buti nalang andyan ka. Buti nalang iniligtas mo ako sa mga yun.

"Ok kana? wag mo ng intindihin yung mga yun andito naman ako"

Nginitian kita nun.

"Bestfriends?" Hindi nako nagdalawang isip na tumanggi sa gusto mo.

Ginawa ko yun kasi gusto gusto kong magkaroon ng bestfriend na lalaki na sa mga nababasa at napapanood ko lang nakikita. 

 "Yup Bestfriends" sobrang saya ko nun kasi may bestfriend na ako na lalaki.

And after that day birthday mo pala imbis na ikaw ang isusurprise ko ako ang sinurprise mo. Natuwa ako nun kasi binusog mo ako. Binusog mo ako ng pagmamahal ng isang kaibigan ng isang bestfriend. At nafeel ko sa sarili ko na Im so lucky to have you.

Naalala ko kung paano tayo magbiruan, magkwentuhan naiinis ka pa nga sa mga corny kong jokes at dahil dun binabara mo pa ako. Hindi ako naiinis sayo pag-ginagawa mo yun sakin.

Naalala ko nun kung paano mo ako tinuturuan sa mga assignments at projects ko. Naging inspiration kita nung fourth-year highschool ako. Sabi ko sa sarili ko gagalingan ko gusto kong makakuha ng award para maging proud ka sakin. 

Naalala ko nung may sakit si daddy sabi mo pa nga okay lang na ikaw ang magkasakit basta wag lang siya. Parang narealize ko sa sarili ko na na mahalaga pala ako sayo kasi ayaw mo akong nagiging malungkot.

Naalala ko din yung mga kinukwento mo sakin na ikinasasakit ng puso.

Yung mga girlfriends mo.

Yung mga babaeng nagkakandarapa sayo. Medyo naiinis ako sayo nun, gusto kita pagsabihan kasi mali yung ginagawa mo e hindi dapat pinaglalaruan ang feelings ng isang babae. Pero ito lang ang sagot mo

“Wag kang mag-alala hindi ko naman yun gagawin sayo e masyado kang importante sakin”

Medyo natuwa ako na may halong lungkot.

Isa lang kasi ang ibig sabihin nun

Wala ng pag-asa na maging tayo.:(

Pagnaiisip ko yun sinasabi ko nalang sa sarili ko na bawal, bawal MA-FALL. Bawal ma-fall sa pinakamamahal kong si Ej Alonzo.

Tinatak ko yun sa isip at puso ko, pero hindi ko padin kaya e. Nafafall pa din ako sayo. Di-neny ko yun lahat na ng pagtatago ng feelings ko para sayo.

Medyo naging busy nako nun sa school graduating kasi madame requirements at ikaw din naman ganoon, medyo hindi na tayo nagkikita o nagkakatext man lang.

Siguro mga 1 month din tayong walang communication. Naisipan kong itext kita noon wala din naman akong ginagawa miss na miss na kita na din kasi kita..

“Best? Musta na? busy ka? Labas naman tayo o” text ko sayo

Pero ito lang ang sagot mo sakin

It's all my Fault (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon