Dear Y,
Nais ko lang sabihin sa'yo na masaya ako. Masayang-masaya ako na nakilala kita. Na may isang taong tulad mo na kaya akong pangitiin kahit na sobrang sama ng panlasa ko. Salamat, kasi nandiyan ka. Hinding-hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung wala ka. Siguro, sa dami ng problema, hindi ko na makakaya pang ngumiti. Pero ikaw, makita ko lang ang mga ngiti mo napapangiti na rin ako. Pakiramdam ko kumpleto na ang araw ko. Na wala na akong mahihiling pa. 'Wag kang magbabago ha?
Siyanga pala, matutuloy ka ba sa pag-uwi mo sa Pilipinas ngayong December? Hala, pabaunan mo naman ako ng snow. Para naman makagawa rin ako ng Snowman dito. Haha, biro lang. Pasalubong? Hmm kahit wag na. Sapat na iyong makarating ka ng ligtas. Para kapag magkikita na tayo, maganda ka pa rin. (Lagi ka namang maganda eh. Natural na 'yon sa'yo. :) )
Mr. A?
Sino ba kasi 'yang misteryosong Mr. A na 'yan? Ang sabi mo sa last message mo, "Someday, Mr. A"
anong ibig sabihin mo dun? Ako ba si Mr. A? Aeiouxz ang name ko di ba? <3 assumero ako masyado. huhu
Pero kahit sino man iyang Mr. A na iyan, napakaswerte nya kasi siya ang minahal mo. Sana talaga... Hindi na lang muna ako mag-iisip ng kung ano-ano. Ang mahalaga, masaya ka sa kanya.
Siya nga pala, nakita ko na ang wattpad account mo, ang ganda ng profile picture mo dun. :)
Pasensiya nga pala sa mga ka-corny-han ko. Sa mga pick-up line kong hindi naman nakakatawa. :( Wala eh, gusto ko lang namang mapasaya ka kahit papaano. :)
Ang cute mong tumawa. Letse. Para kang anghel. Yung boses mo nung kinantahan mo ako ng "Hello" ni Adele, alam mo bang hanggang ngayon ay nakangiti pa rin ako? Hindi mawala-wala sa mukha ko yung saya nang marinig ko yung boses mo. Sobrang gaan ng pakiramdam ko. Napagalitan pa nga ako ng matandang babae na kasabay ko sa jeep. Para raw akong timang kasi nakangiti ako. Ang sabi niya, matuto raw akong itago ang emosyon ko. 'Wag ko raw masyadong ipahalata na masaya ako at mapagkakamalan raw akong baliw.
Eh baliw naman talaga ako eh. Oo, baliw ako. Baliw na baliw sa'yo. :) Letse, umaatake na naman ang ka-cornyhan ko. haha.
Siya nga pala, okay ka lang ba? Para kasing malungkot ka sa huling text mo. Kung may problema ka, nandito lang ako. 'Wag mong solohin ang prolema mo. Para saan pa't nandito ako kung mag-isa mong haharapin ang problema mo? Hayaan mong kahit paano, mabawasan ko yung problema na dinadala mo.
Nagpapractice na ako. Masyado yatang mataas ang kantang "Thinking Out Loud". Seryoso ka ba na gusto mong makita na kinakanta ko ang kantang iyon? Ipagpatawad mo na lang sana kung hindi maganda ang pagkakagawa ko ng cover. :(
Sige, hanggang dito na lang muna. Inaantok na ako. Maaga pa ang pasok bukas. :)
Goodnight. saka... i... i... I Love You. :)
-aeiouxz