Dear Y
MASAYA AKO. Masaya ako na nakilala kita. Masaya ako na naging parte ka ng buhay ko. Masaya ako dahil nakilala ko ang isang taong tulad mo. Alam mo yung pakiramdam mo na kapag nakakausap kita, pakiramdam ko safe na safe ako. Na parang wala akong problema. Pinagagaan mo ang lahat ng bagay sa buhay ko. Natuto akong ngumiti. Natuto akong tumawa kahit ba pakiramdam ko'y pasan ko ang mundo.
Kapag kausap kita parang okay ang lahat. Naiging positobo ako dahil ikaw na siguro ang pinakapositibong taong nakilala ko. Salamat at dumating ka sa buhay ko. Napakalaki ng sayang idinulot mo sa buhay ko. Hindi mo lang alam, lagi kong hinihintay ang mga oras na makakausap kita. Yung parang hindi ako makapaghintay na makakausap kita. Kasi alam ko, na sa oras na yun magiging masaya na ulit ako. Alam mo, nang dahil sa mga bagay na yun, napapamahal na ako sa'yo.
...
BAKIT? Bakit kapag kausap kita parang tumitigil ang mundo ko. Parang ang saya! Parang napakagaan ng pakiramdam ko. Bakit kapag nababasa ko yung pangalan mo sa chat box ko eh may kung ano'ng kiliti sa puso ko na hindi ko alam kung bakit o paano'ng nangyayari?
Bakit kapag nakikita ko ang picture mo biglang bumibibilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko rin maipaliwanag eh. Hindi ko maintindihan kung bakit. Kaibigan lang kita, ganun ka rin sa akin. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Hindi kaya... Ewan ko! Basta... Naguguluhan pa rin kasi ako. Ikaw kasi, nakaka-inlove ang smile mo. Lalo na pag nakikita ko yung dimple mo. Picture pa lang, nainlove na ako sa'yo. Paano pa kaya kung makita na kita sa personal? Baka dumugin na kita at paghahalikan. Hahah. Pero siguro, ako lang naman ang nakakaramdam nito eh. As if namang mapapansin mo ako o magugustuhan. Eh napipilitan ka lang atang kausap ako eh. Hahah. Pero parang hindi naman kasi kung makatawa ka kapag magkachat tayo eh parang parang ang saya-saya mo. Siya nga pala, salamat pala at nagustuhan mo yung voice message ko sa'yo. Hahah. Maganda ba talaga ang boses ko o sinabi mo lang yun para hindi ako mapahiya? Isa pa, bakit pala palaging may "<3A" sa mga gm mo? Ikaw ha! Sino yung "Mr. A" na 'yun? As if namang maging ako yun eh hindi pa nga tayo nagkikita? Hayyy.. Sana mag-december na para makita na kita. Tapos one time, may "all of me, loves all of you" ka pa sa mga texts mo? In love ka 'nu? Hahah.
...
SANA. Sana sa sandaling mabasa mo ito, hindi ka magalit sa akin. Sana hindi ka mailang na makipag-usap sa akin. Sana hindi ka mayamot o maasar. Kasi... Mahal na ata talaga kita. Mahal na kita Ms. K. Wala eh... Hindi ko na kaya pang itago ang nararamdaman ko. Hindi ko na kayang itanggi sa sarili ko na mahal na talaga kita. Hindi na maikakaila ng puso ko na pangalan mo lang ang isinisigaw ko. Sorry. Sorry kung nahulog ako sa'yo. Ikaw kasi! Masyado kang sweet. Napakasarap mong mahalin. Alam mo ba na kinikilig ako sa tuwing kausap kita? Alam ko nang masyadong corny pero yun na eh. Wala nang urungan 'to. Hindi ko na pipigilan pa ang sarili kong sabihin na MAHAL NA MAHAL KITA MS. K! Haha. Oh yan, nasabi ko na ha! Bahala na si Lord sa kung anuman ang mangyari. Mahalin mo man ako o hindi, okay lang sa akin. Tatanggapin ko ang desisyon mo. Pero sana, pagkatapos nito, sana maging ganun pa rin tayo sa dati ha. Yung magkaibigan na nagkukuwentuhan, nag-aasaran, at nagkukulitan.
Oh siya, next time na lang ulit. hahah. Masyado na akong madrama eh.
Pahabol. Siya nga pala, dalhan mo ako ng snow pag-uwi mo sa Pilipinas ha? Hahhah..
I love you bestfriend! <3K
-aeiouxz