MMIL 1: Blackmail

72 4 5
                                    

CHAPTER 1:

|Trinity's POV|

Nagising ako sa lugar na hindi pamilyar. Na saan na ba ko? Bakit ang dilim dito? Paano ako nakarating dito? Pero infairness, maganda itong lugar na 'to. May swing tapos yung mga puno may mga christmas lights. Hindi pa naman Christmas ah, siguro mayaman may gawa nan may pang bayad ng kuryente. Pero wag ka, napaka romantic ng lugar.

Nayakap ko ang sarili ko sa sobrang lamig. Isali mo pa itong outfit kung parang pang huli sa isda sa sobrang nipis. Pinagmasdan ko ang paligid, sobrang tahimik nito. Tunog lang ng hangin ang syang maririnig mo. Nakakatakot, ako lang mag isa dito. Wala man lang katao tao. Bakit ganto, parang may hindi akong magandang nararamdaman?

Nagulantang lahat ng cells ko sa katawan nang maaninag ko ang isang anino na papalapit sakin. Hindi ko makita masyado ang mukha niya dahil sa contrast ng ilaw sa kinaroroonan nya. Ngunit habang papalapit siya ng papalapit, halos mapaihi na ko. Ang OA mo!

Palapit na siya ng palapit sakin. Anong gagawin ko? Sabihin niyo!

Hinawakan nya ko sa mag kabilang balikad habang nakatingin sya sakin ng seryoso. Ang ganda ng mga mata niya, ang hot!

Landi ko grabe!

Pero hindi ko alam kong ano bang gusto nyang gawin o sabihin, walang kasing expression yung mukha nya eh. Hindi ako makatitig sa kanya gwaabee ang Fogee ba naman kasi, Feeling ko nangangamatis na ko. Tapos nung hinawakan nya ko, yung kaninang nan lalamig kong katawan napalitan ng init. Grabe pinapainit niya katawan ko, iba talaga ang epekto niya sakin.

SPG na itu.

NIYAKAP NYA KO!

"Nagustuhan mo ba?"

Alin ba ang tinatanong nya? Yung pag kakayakap nya o itong lugar? Kasi kung yung yakap, Grabe gustong gusto ko pa!

"Napaka ganda ano? Napaka romantic ng lugar." Ah so yung lugar nga, pa mali mali.

"Ah..ohh..O...O" Syet bakit nangangatal ako hindi na naman malamig?

"Sabi ko noon dadalhin ko dito ang babaeng pinakamamahal ko" Ah ganon pala.

ATFDHFS#%@JK... ANO RAW?

Ghad Trinity bulol ka na nga bingi ka pa! Sayang ang fes! Pero ano daw? Mahal? Mahal niya ako?

Kumalas sya sa pag kakayakap, at yan nakatitig nanaman sya sakin.

"Matagal na kitang gusto. Matagal na kong nahuhumalig sayo. Hindi ako makakuha ng lakas ng loob para sabihin ito sayo pero Trinity I like you. I really really like you"

Ano ba ito bakit na mamanhid ako? Anong sasabihin ko? I'm so Kinikiyig. Tama ba itong naririnig ko? Gusto nya din ako! Jusme!

"ah..eh ano.."

"Spill it Trinity..." Ohmygosh ayan na lord. "Say that you like me too."

Napalunok ako, di ko na alam gagawin ko. Palapit na sya ng palapit. "Say it Triny"

"I...I..."

"I..I like you too" Sa wakas nasabi ko din.

Pero ano ba ito one each na lang ang layo namin sa isa't isa. Halos na raramdaman ko na nga hininga nya. Napapikit na lang ako ng naramdaman kong...








Me and My Invisible LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon