MMIL 3: New Friend

29 2 0
                                    

Chapter 3
|Trinity's POV|

"√(56-4)(8+76) * √56........"

Grabe nagewang si Ma'am. Tapos parang may nakapatong sa mata ko na mabigat.

Nakakatamad talaga ang subject na 'to, tapos na tapat pa sa 1'oclock ng hapon edi kamusta ka naman nyan di ba? Isabay mo pa yung teacher mong parang nag papasyon habang nag tuturo. Tingnan ko lang kung hindi ka antukin. Hindi ko na talaga kaya.

Unti-unti ng bumigay ang mga mata ko at kasabay nito ang pag baksak ng ulo ko sa desk, dahilan para makuha ko ang atensyon ng lahat, na miski ako ay na gulat sa nangyari. 

"Miss Fajardo!!! What are you doing during my class??!!"

Grabe nakakahiya. Hindi ko sinasadya. Ay medyo sinasadya? Pero di ko naman ginusto, so baka nga di ko sadya? Nako ewan. --

So ayon nga, nasubsub ako sa desk ko sa sobrang kaantukan na sya naman kinaagaw pansin ng lahat. Anong isasagot ko dito? Alangan naman sabihin kong, Ma'am sorry inantok po kasi ako sa klase nyo. Hindi ko pwede sabihin iyon kahit pranka ako dahil sigurado akong katapusan ko na ditos sa paaralan na ito.

"M-ma'am ano po kasi..."

"What happen?"

"Inaabot ko po kasi yung ballpen ko eh bigla po kong na out balance he-he"

Gusto kong ihilamus sa mukha 'tong palad ko sa dahilan na ginawa ko. Nakakahiya. That ballpen saved me from trouble. Thank you ballpen.

Tumalsik kasi yung ballpen ko sa harap nang bumagsak ako sa desk ko. Buti na lang talaga Trinity kundi nako ewan ko na lang sayo.

"Ayon lang pala, sige kunin mo kasi ng maayos."

"Opo, Ma'am sorry po "

Buti na lang mabait si Ma'am. Bumalik na sya sa pag d-discuss. Ako naman tumayo para kunin yung ballpen ko sa unahan. Nang kukunin ko na yung ballpen bigla naman itong tinapakan. Argh. Pag-angat ko ng ulo, walang duda. Sya nga.

Unggoy talaga 'to nakakayamot. Pinaningkitan ko sya ng mata. At ngumiti lang siya sakin ng nakakaloko. Pinipilit kong kunin yung ballpen, pero mas lalo niyang dinidiinan ang pag kakaapak dito. Tiningnan ko sya ng masama. Pero iniwas nya lang ang tingin sakin at tinuon nya ang pansin sa harapan.

Ay talaga naman!

'Hoy peste umayos ka nga!' Bulong ko dito. Pero lintek wala man lang naging reaction ang mukha nya. Nakakainis baka mapagalitan na naman ako ni Ma'am pag nakita nyang di pa ko nakaupo.

'Hoy! Ano ba wag mo nga apakan ballpen ko.'

Pero wala pa din nang yari naiinis na ko ha. Humanda ka. Inangat ko ang tingin sa harap at nakita ko na may kausap si Ma'am sa labas. Yes pag kakataon ko na 'to, I'll give my full strength sa pag hila, akala mo ha. Nag bilang ako ng isa.. dalawa.. at pag dating sa tatlo hindi ko inaasahan na lalanding ako. 

"Oh hello Class may ipapakilala lang pala ako sa inyo. Pasok iha."

Syet ang sakit! Napangiwi ako sa sobrang sakit. Tumalsik ako sa katabi ng peste na ito, na sya namang kumuha ng pansin ng lahat.

'Yes, Ms. Fajardo? Is everything alright there?' Syet talaga lagot na naman ako.

Tiningnan ko nang asar na asar si Pesteng yabang, pano nag full force ako sa pag hila tapos bigla nyang tinanggal ang pag kakaapak nya. Nang-aasar ba talaga sya? Napipikon na ko sa mga nangyayari. Kinadagdag pa ng nainis ko nang makita ko na parang wala man lang syang naging reaction sa pag katalsik ko. Mukha pa syang tanga na nakatulala sa harapan.

Me and My Invisible LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon