--->Charice
Nakikinig ako ng music sa kwarto ko. Nakakatamad sa bahay. Walang magawa. Hindi ko naman kasi makausap si Mama. Ugh! Next song na nga lang.
''Charice?''
Speaking of!
Hindi ako tumingin sa pinto, pero alam kong nakasilip si Mama. " I'm going shopping,'' sabi niya na para bang nahihiya.
''And?'' tanong ko nang hindi nakatingin sa kanya dahil nakatutuk ako sa music playlist ng phone ko.
''May gusto ka bang ipabili?'' tanong niya sa'kin. Tumingin lang ako sa kanya at hindi nagsalita. Nung hindi ako sumagot, ang sabi lang niya, ''Okay, Cha,'' na para bang alam niyang hindi ko aiya sasagutin. Tapos sinara niya na lang ulit 'yung pinto.
Mayamaya, narinig ko 'ying pagsasara ng gate. Sumilip ako sa bintana at nakita kong nakaalis na siya.
Ang totoo, gusto ko ng ice cream, kaya lang nahihiya akong sabihin sa kanya. Hindi kasi kami close.
Pakilala ko nga pala muna ang sarili ko. Ako si Charice Eliza Mendoza, fourteen years old, incoming high school junior.
Pinanganak ako noong August 16. I'm pretty childish, but I have a different kind of personality. Alook? Poker face? Ewan. Sabi ng mga tao para daw akong yelo. Wala daw kasi akong pakialam. Siguro dahil lagi nila 'kong nakikitang nakatulala at parang may sariling mundo. Kaya minsan 'pag kumakausap sa akin, sasabihin nila na parang hindi daw ako nakikinig.
Tutal, 'yun rin lang ang sinasabi nila tungkol saakin. Eh 'di sige.
May naririndi akong ingay na naririnig.
Napabangon ako bigla sa hangin ko dahil tumutunog na 'yung alarm clock ko. Umaga na pala at may pasok na ulit. Oo, ulit , kasi ngayon ang first day of classes! Excited ba 'ko? Hindi, kasi wala naman akong pakialam sa school.
"O, Cha, good morning!" bati ng mama ko sa 'kin pagkababa ko.
Tumingin lang ako sa kanya, tapos nagsimula na 'kong kumain ng almusal. Oo,hindi man lang ako bumati ng good morning sa knaya.
May bumati naman siguro sa kanya ng good morning sa trabaho.
Pagkatapos kong kumain, inabutan ako ni Mama ng pera. "Cha, baon mo. Ingat," sabi niya habang nakangiti.