--->Charice
Kinuha ko 'yung pera at tumingin sa kanya. Tapos umalis na 'ko. Pagdating ko sa school, nandoon na si Bianca, kaibigan ko. Actually, siya lang ang kaisa-isa kong kaibigan.
"Good morning, Cha!" sabi niya.
"Tss, can you stoo calling me Cha 'pag nandito tayo?" sabi ko. Tuloy-tuloy lang ako patungo sa bulletin board kung saan nakalagay ang listahan ng sections. Kahit hindi ako lumingon, aam kong nakasunod lang siya sa akin habang ako nakanguso.
"How cold of you. Fine! Oh my god!" Sigaw ni Bianca kaya napatingin ako sa kanya. "Is this for real? Kaklase natin 'yung wafu!" sabi niya habang nakaturo sa buletin board.
"Wafu? Pangit naman ng name niya," sagot ko habang hinahanap 'yung pangalan ko sa listahan kung saan siya nakaturo para i-double check kung magkaklase ulit kami ni Bianca. Hmmm. Magkakalse nga ulit kami.
"Ano ka ba?Wafu is gwapo kaya!" sabi niya na may halo pang kilig.
Nandiri naman ako sa sinabi niya. "Eh bakit wafu? Dapat gagu." Narinig kong may natawa sa sinabi ko. Ang babaw naman nila.
"Ang KJ mo talaga, alam mo 'yun? Kaya ka NBSB eh," sabi niya sa akin at lumabi na naman. Hindi na lang ako nagsalita kasi siguro . . . totoo?
Unti-unting umalis 'yung mga tao sa paligid namin, kaya tumuloy na rin kami sa bagong classroom namin-room 203, section B. Yes, thrid year na rin ako! Kaya ko naman pala ang tahimik na buhay eh! 'Di bale,sisiguraduhin kong makakapagtapos akong high school at college nang walang aberya!Pagpasok namin,agad kong tinignan kung bakante ang upuan sa may dulo. Gusto ko kasi laging sa likod umuupo. Kaya lang, may kumpulan na nagaganap doon. Nagpunta nalang kami sa first row, sa may bintana, at doon naupo. No choice eh.
Pagka-upong pagka-upo ko, lumapit si Bianca sa'kin na parang kinakabahan. Ano kayang nangyari dito?"Wag na tayo dito," bulong niya, sabay turo sa taong nakaupo sa may likuran ko.
Tumingin ako at nakita kong may nakaupong lalaking magulo ang at parang puno ng gel 'yung buhok. Parang isang jar yata ng gel ang nilagay niya sa ulo niya, pero maybe I'm just exaggerating.