CHAPTER 3

35 0 0
                                    

---> Charice

  Natulog lang naman siya, kaya hindi ko alam kung bakit kinakabahan si Bianca.

   "Hindi naman siguro masamang umupo sa harap ng natutulog?" tanong ko.

    "Pero siya kasi 'yung haring laging natutulog! Napapansin tayo lagi ng teacher 'pag malapit tayo sa kanya, Charice!" sagot ni Bianca.

     Magsasalita pa sana ako pero may nauuna sa akin. "Fuck! May Charice dito?"

      Napatingin kami ni Bianca sa lalaking kani-kanina lang ay natutulog. Mukhang naalimpungatan siya habang 'yung mga kaklase namin ay napatigil sa ginagawa nila at tumingin lang sa 'min.

      "Shit, hindi ba kayo magsasalita? Narinig ko 'yung pangalang 'yun eh. Asan ba 'yon?" tanong ng lalaki.

       What the hell is wrong with this guy? Fourteen lang siya, pero gan'on na lang kung makapagmura! Akala ba niya cool siya sa lagay na 'yon?

      Tumingin ulit ang mga kaklasw ko sa akin na kulang na lang ay magmakaawa sulang umamin ako na ako 'yon.
       Fine. 'Yun ang gusto nila eh.
       Humarap ako sa lalaki. "Ako 'yon. Bakit?"
        Pagkasabi ko n'on, parang nag-iba 'yung tingin niya. 'Yung para lang bang gusto niyang itanong, "Ikaw ba talaga 'yon?" Tatanong-tanong siya pero hindi maniniwala 'pag may sumagot?

         Nagtitigan muna kami. Walang kurapan yata gusto nito eh. Wala ring gumalaw sa mga kaklase ko. 'Di nagtagal,bumukas ang pinto ng classroom namin; dumating na 'yung teacher namin. Tumingin ulit ako sa nasa likod ko, pero nakita kong bumalik ulit 'yung lalaki sa pwesto niya. Matutulog na naman yata. As always, nanalo na naman ako sa staring contset!

      Nagpakilala ang teacher namin, tapos napunta ang topic sa anak niya. Nakakagulat na first day pa lang, nag-share na siya ng gabito, pero nakinig lang kami. Sinabi niya na malamig daw ang trato ng anak niya sa kanya, at pakiramdam daw niya hindi siya nito mahal. Natigilan naman ako doon. Napaisip lana ako: Malungkot din kaya ang mama ko?

     Habang nag-iisip ako, nagsimula na palang magpakilala ang mga kaklase ko. Tapos umabot na sa 'kin, pero maikli lang 'yung sinabi ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 04, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HE'S DATING THE ICE PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon