Five

6.8K 307 14
                                    

" Dito na lang po manong. Eto po ang bayad " saboy abot ko ng singkwenta sa tricycle driver.

Bumaba na kami ni Light sa tapat ng isang bahay which is bahay namin. May gate kami na gawa sa kahoy at may mga puno kami ng mangga kaya malilim sa lugar namin.

" Halika pasok ka " aya ko kay Light.

Binuksan ko ang gate namin at tumuloy sa loob. Nakita ko kaagad ang magaling kong kapatid na ubod ng tamad na nakaduyan sa pagitan ng mga puno. Sarap talaga ng buhay nito kapag wala ako dito. Wala syang kusa sa pagtulong kay Mama sa bukid. May mga tanim kasi kaming gulay sa likod bahay namin. Kahit papaano malawak ang lugar namin.

Lumapit ako kay Zen tsaka sya sinipi dahilan para mapatumba sya sa sahig.

" Puto naman oh! Sino bang hinayupak ang nagtu...lak... Hi Kuya! " biglang ngiti nito sa akin habang pinapagpag ang short nya.

" Nasan si Mama? " tanong ko kaagad.

" Nasa bayan. Bumibili ng karne kasi uuwi ka daw " sagot nito. " Sino pala 'yang kasama mo? Boyfriend mo? " walang pasubali nitong sabi.

" Hi..hindi " nahihiya kong sabi tsaka sya pinanlakihan sya ng mata para balaan sya.

" Hehehe sabi ko nga. " nagkamot pa ito sa ulo.

" Light, sya ang pangalawa kong kapatid, si Zen. At Zen sya naman ang anak ng amo ko si Light kaya umayos ka lang " pagbabanta ko sa kanya.

" Hi Kuya Light. Bagay kayo ni Kuya "

" Ikaw! " hahablutin ko na sana ang buhok nya ng makatakbo sya. Bumuntong hininga naman ako dahil sa kahihiyan. " Pagpasensyahan mo na ang kapatid ko. Malakas talaga syang mangtrip " sabi ko.

" Okay lang. Ang cute nga ng kapatid mo. " nakangiti nitong sabi na ikinanuot ng noo ko. Hindi kaya may gusto sya sa kapatid ko.

" Ahh " sagot ko na lang.

Inaya ko na syang pumasok sa loob ng bahay namin. Halos gawa sa kawayan ang gamit namin. Yung sofa, lamesa, cabinet tsaka upuan. Maaliwalas tingnan ang bahay namin.

" Pagpasensyahan mo ang bahay namin. Hindi kasing laki ng sa inyo " sabi ko sa kanya.

" Ayos lang. Ang ganda nga ng bahay nyo " sabi nya habang inililibot ang paningin sa paligid.

Ilang sandali lang dumating na rin si Mama kasama si Zane, ang six years old kong lalaking kapatid na malaki ang galit sa mundo. Lagi kasing nakasimangot pero mabait yan.

" Magandang tanghali po " bati ni Light sabay mano nya sa Mama ko.

" Kay galang na bata. Magandang tanghali rin sa'yo " sabi naman ni Mama.

Ngkwentuhan pa sila ni Mama hanggang sa mapagpasyahan nyang umalis na upang magluto ng ulam kaya hinatid ko muna sya sa magiging kwarto nya which is kwarto ko.

" Sure ka bang dito mo ako papatulugin? Paano ka? " tanong ni Light.

" Asus okay lang. Duon ako matutulog kila Zen. " sagot ko.

" Magtabi na lang kaya tayo. Malaki naman itong papag mo " sabi nya.

Magtatabi kami? Tapos may mngyayari sa amin paggising namin. Chos lang! Malawak ang imagination ko.

" Okay " sang-ayon ko kaagad. Chochoosy pa ba ako eh sya naman ang nag-alok. Swerti!

~

" Matapos naming kumain, tumambay kami sa may bakuran namin kung saan ay may maliit na papag na pwedeng paghigain or upuan. Masarap kasi ng simoy ng hangin dito sa labas. Lasang mangga. Jowk!

His Alters (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon