Twenthy-one

5.3K 235 22
                                    

Nakasulyap ako mula dito sa bintana ng room namin habang pinagmamasdan ang mga naglalakad mula sa baba lalong lalo na si Light na kasama ang kanyang girlfriend. Napabuntong hininga na lang ako ng maalala ko ang huling naming pag-uusap.

' You need to pretend that we don't have any relationship and we're not close that too much '

Ngumiti ako ng mapait. Ayos na nga kaming dalawa pero hindi muna maibabalik ang dating kami. Kailangan ko uli maghintay na hindi ko alam kung hanggang kailan. Sabi nga nila, true love waits kaya maghihintay ako kasi mahal ko sya. Mahal na mahal higit pa sa pagkakaalam nya. Ang mahirap lang, paano ko maiiwasan ang magselos sa tuwing nakikita ko sila na magkasama ni Katherin.

" Hey Zach! Kanina ka pa dyan nakatulala. Sino bang tinitingnan mo dyan sa labas? " biglang sabi ni Maxim, classmate ko.

" Wala naman. Gusto ko lang lumanghap ng sariwang hangin " sagot ko.

Tumabi ito sa akin at sumalyap rin sa bintana. Nagkwento sya ng kung ano-ano at kahit papaano nag-eenjoy ako sa kadaldalan nya. Nakakatuwa rin kasi sya.

" Tingnan mo kumakaway dito si Kheil " napatingin ako sa tinitingnan ni Maxim at di nga ako nagkakamali dahil kumakaway nga si Keith kaya nginitian ko sya bago tuluyang makaalis patungo ata sa building nya.

Napatingin naman ako kay Maxim na halatang kinikilig. " Paano mo nakilala si Keith? " takhang tanong ko. Peymus ata si Kheil sa university na ito.

" Sya kasi ang nanalong Mr. Light noong nakaraang taon at bukod pa doon lagi syang sumasali sa mga flare at palagi syang champion. Hearthrob campus sya. Halata naman sa itsura nya eh " kinikilig pa nitong kwento sa akin.

Ang dami ko pang hindi alam kay Tisoy. Hindi naman kasi sya palakwento sa buhay nya. Hindi ko naman masabi na mysterious type syang tao kasi hindi naman nakakapagtaka ang itsura nya lalong lalo na ang katauhan nya. Hindi lang siguro ako nagtatanong kaya hindi ko rin alam.

" Ikaw Zach, close na kayo ni Kheil. Ano ba sikreto mo para mapalapit ka sa kanya? " biglang tanong ni Maxim.

" Sira! Kapitbahay kasi namin sya sa probinsya kaya kami naging malapit sa isa't-isa " sagot ko tsaka bumalik na sa upuan ko. Baka kasi dumating na ang professor namin ngayong oras. Hilig kasi magpalate.

-

Matapos ang klase namin kay Sir, niligpit ko na ang mga gamit ko sa subject nya. Mamaya pa kasi ang sunod na klase ko dahil three hours ang vacant namin. Hindi ko tuloy alam kung saan ko papalipasin ang oras na iyon. Wala na naman akong gagawin sa SO office. Gusto ko mang makasama si Light, naalala ko naman ang sinabi nya.

Bakit ba kailangan kong ilayo ang sarili ko sa kanya? Ilang beses kong tinanong sa sarili ko pero hindi ko masagot dahil wala akong alam. Tinanong ko sya nung gabing 'yon pero tikom ang bibig nya at ang tanging sabi lang nya ' Mas maganda kung hindi mo malalaman '

Napabuntong hininga na lang ako at lumabas ng room namin. Napag-isipan ko munang kumain bago ako tumungo sa library. Duon ko lang naman alam tumambay.

Nang makarating ako sa cafeteria, umorder na ako at naghanap ng mauupuan. Sa tago ako pumwesto upang hindi ako mailang sa mga tumitingin. Sinimulan ko ng kumain.

" Sabi na nandito ka lang " napatingin ako sa taong nagsalita. " Paupo ako " sabi nito at bigla na lang umupo.

" Bakit ka nandito? Himala at wala ka sa SO office " tanong sa akin ni Khiel.

" Wala na kasi akong gagawin doon. Nagampanan ko na ang pagiging treasurer ko " sagot ko sa kanya na ikinatango nya.

Umorder na rin sya ng makakain at nagsabay na kami. Hindi namin maiwasan magkwentuhan habang tumatawa. Ganito naman kami kapag nagsasamang dalawa.

His Alters (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon