Fourteen

5.2K 234 2
                                    

Hindi pa rin ako makapaniwala na ito ang unang araw na kami na ni Light. Parang nananaginip lang ako ng gising.

" Good morning " bigla akong napatingin sa may pintuan ng kwarto ko. Nag-aayos ako ng gamit sa school ng pumasok sya.

" Ah eh go..good morning " nahihiya ko pang sabi sa kanya.

Narinig ko ang mahinang pagtawa nya dahil sa nahihiya ako. Pasensya naman di ko lang talaga mapigilan ang damdamin ko.

Minadali ko ng ipinasok sa bag ko ang mga gamit ko para hindi na sya maghintay pa. Sabay na rin kaming bumaba upang tumungo sa may kotse nya. Pumasok kami kaagad sa kotse nya.

Isusuot ko na sana ang seatbelt ng bigla syang lumapit sa akin at sya na mismo ang naglagay para sa akin. Nakatingin lang ako sa kanya ng bigla syang tumingin sa akin kaya napaiwas ako ng tingin.

" May problema ba? " tanong nya at narinig ko ang pagstart ng engine ng kotse.

" Wa..wala naman " sagot ko.

Hindi ko na narinig pa na nagsalita sya kaya nanahimik na lang ako at tumingin na lang sa bintana. Tahimik ang buong byahe namin hanggang sa makarating kami sa school. Sya ang unang bumaba kaya lumabas na rin ako pero nagulat na naman ako ng sya ang nagbukas ng pinto para sa akin. Nakasmile sya sa akin kaya yumuko na lang ako at lumabas.

Sa totoo nyan mamaya pa ang klase ko kaso itong si Light may klase na. Hindi ko pa rin naman nakakalimutan na tagapag-alaga nya ako. Kaya dumiretso muna kami sa may SO office habang naghihintay ng klase si Light at ako.

" Gusto mo bang maiinom or makakain? " tanong ni Light ng makaupo kami sa sofa ng office nya.

" Busog pa ako " sagot ko tsaka nilabas ang cellphone ko

" Naiilang ka ba sa akin? " napatingin ako kay Light

" Hindi. Bakit mo naman naitanong? "

" Dahil sa tuwing titingin ako sa'yo, umiiwas ka sa akin ng tingin. At sa tuwing lalapitako  sayo feeling ko gusto mo akong layuan. Napilitan ka lang ba na sagutin ako ng tinanong kita? " malungkot nitong sabi.

" Hindi sa ganun iyon Light. Mahal talaga kita kaya wag kang magduda sa nararamdaman ko. Sadyang hindi lang ako sanay na sweet ka sa akin, I mean sweet ka naman pero hindi ko alam. Basta hindi ko maipaliwanag! " naguguluhan kong sabi.

Lumapit si Light sa tabi ko. Hinawakan nya ang kamay nya at itinapat sa bandang puso nya. Ang lakas ng tibok ng puso nya katulad ng sa akin.

" Nararamdaman ko rin ang nararamdaman mo. Kaninang umaga pa 'yan dahil sa'yo " sabi nito sa akin.

Bigla naman nya akong niyakap. Ramdam ko ang paghaplos nya sa buhok ko kaya niyakap ko rin sya ng mahigpit. Kahit ganito lang ang pwesto naming dalawa hindi ako magrereklamo. Ang sarap nya kayang yakapin at ang bango-bango pa.

Ilang sandali pa naghiwalay na kami. Nagpaalam na sya na papasok na sya sa klase kaya ako nag-stay ako dito hanggang sa ako naman ang mayroong klase.

-

Tapos na ang buong klase naming dalawa ni Light kaya sabay na kaming umuwi.

" Oh saan tayo pupunta? Akala ko ba uuwi na tayo? " takhang tanong ko sa kanya ng ibang direksyon ang pupuntahan namin.

" Basta. Sure akong mag-eenjoy ka sa pupuntahan natin " nakangiti nitong sabi kaya sumang-ayon na lang ako.

Bumyahe pa kami ng kalahating oras hanggang sa makarating kami sa isang theme park.

" Wag mong sasabihin na gusto mong pumunta dyan "turo ko pa sa malaking welcome signage ng theme park.

" Matagal ko ng gustong pumunta dito at ang gusto ko ikaw ang kasama ko " sabi nya sa akin at hinawakan nya ako sa kamay.

Maraming taong masasaya na naglilibot at mga nakasakay sa rides. Isa na kami ni Light sa mga iyon. Para ngang bata si Light na nakarating rito. Ang ganda pa ng lugar dahil sa ilaw ng mga rides dahil sa gabi na ng pumunta kami dito.

Sumakay kami sa iba't-ibang rides. Kumain kami sa mga stall na nakikita namin. Pumasok rin kami sa isang souvenir shop para bumili.

" Eto maganda " pakita ko sa kanya ng maliit na rose na gawa sa kahoy na pwedeng gawing keychain.

Kinuha nya ito sa akin at pinagmasdan. Kumuha pa sya ng isa at binayaran na sa counter. Naglakad-lakad pa kami hanggang sa mapagod na kami kaya napagpasyahan muna na naming umupo sa may bench.

" Here " inabot nya sa akin ang isang rose keychain.

" Sa akin ito? " tanong ko.

" Yes " nakangiti nitong sabi.

" Thank you "

Kinuha ko ang cellphone ko at nilagay kaagad bilang palawit. Ganon rin ang ginawa ni Light kaya pareho kami. Couple keychain lang ang peg namin. Official na talaga ito.

" Halika na umuwi na tayo " aya nya kaya sumang-ayon na ako.

-

Nakahiga na ako sa kama ko habang pinagmamasdan ang palawit sa cellphone ko tsaka ito niyakap. Kinilig ako ng mahina habang inaalala ang nangyari sa may theme park. Date ba 'yon? Ang saya lang.

Tok. Tok. Tok.

Napaupo ako ng maayos sa kama ko. Lumapit ako sa pinto dahil isa lang naman ang kakatok sa kwarto ko kaya agad ko iyon binuksan. Bumungad sa akin si Light na namumutla na agad akong niyakap

" Anong nangyari sa'yo? " nag-aalalang tanong ko sa kanya.

Pinaupo ko sya sa kama ko para makapagusap kami ng maayos. Kita ko sa katawan nya ang panginginig at pamumutla ng mukha nya kaya hinawakan ko ang magkabilang pisngi nya para itapat ko ang mukha nya sa akin.

" Light ano bang nangyari? " tanong ko uli sa kanya.

Hindi sya umimik pero kita ko sa mata nya yung takot. Parang kanina lang ang saya naming dalawa pero ano namang nangyari sa kanya. Pagkauwi namin dito, nagkwentuhan pa kami ng saglit bago pumunta sa kanya-kanyang kwarto.

" Light ako kinakabahan sa inaasta mo. " reklamo ko sa kanya.

Bigla syang tumingin sa akin at parang ultimatong bumalik ang wisyo nya. Takot ang nangungunang emosyon sa mata nya.

" Call Mom. I need my mom now " sabi nito sa akin.

Gusto kong tanungin kung bakit si Tita Lena ang kailangan nya dahil nandito naman ako. Pero sinunod ko na lang ang gusto nya. Tinawagan ko si Tita Lena at sinabi sa kanya ang nangyayari kay Light. Pupunta naman sya daw kaagad.

Bumalik naman ako sa kwarto ko ng may marinig akong ibang boses.

" Sabi ko kasi sa inyo wag kayong maingay " boses yun ni Janjan.

" Hindi natin kasalanan 'yon. Alam naman natin kailangan tayo ngayon ni Light " si Kian 'yon.

" Aking minamahal wag kang matatakot. Kami ang bahala sa'yo " si Margaret.

" Tama. Tama. " si Devin.

Napasandal naman ako sa pader. Bakit lumabas silang lahat? Ano ang dahilan at bakit na lang ganon ang takot ni Light?





-

Woah! Napatagal ang pag-ud ko nito. Mianhe! Sorry!

Enjoy sa pagbabasa. Vote and comment kayo :)

_junjouheart_

His Alters (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon