CHAPTER 4 - Me and just Him

91 3 0
                                    

"Ok na. May date ka na. So.. dapat mag set na tayo ng date kung kelan tayo bibili ng damit for the event." Saad ni Chelsea.


"Uhmm.. sa Wednesday na lang kaya." Sagot ko.


"Uyy, Jenna. Kanina ka pa jan text ng text ah. Sino ba yang katext mo?" inagaw ni Chelsea ang cellphone ni Jenna.


"Sandali .." inaagaw naman ni Jenna.


"Ronnie. Sinong Ronnie naman yan. Ang cheap ng name huh."


To talagang si Chelsea grabe din minsan kung makapanlait.


"Boyfriend mo ?" tanong ko.


"Naku, hindi. Wala. Ano lang yan. Ahmmm.."


"Yung totoo." Pamimilit ni Chelsea.


"Hindi pa naman. nanliligaw pa lang." sagot ni Jenna.


"AHHHHH !" sabay na tili naming ni Chelsea.


"Edi may date ka na sa Prom?" tanong ni Chelsea.


"OO. Umoo na siya eh." Sagot ni Jenna.


"edi ok. Lahat tayo may date na sa prom."




-------

Dumating na yung araw ng miyerkules. Halfday lang kami. Ewan ko nga ba. Lilinisin yung school para sa inspection ng CHED bukas.


"Sis ano, tara na sa mall ?" aya ni Chelsea.


Sumama naman kami ni Jenna.



Sa Mall ..


Medyo kanina pa kami naglilibot pero wala pa rin kaming makitang magandang shop para bilhan ng damit.


"Grabe ha. Pagod na ko. 2 floors pa lang nalilibot natin, may 3 pa."



*krriiiiiiing*


Tumunog yung cellphone ni Jenna.


"HA? Sige po. Papunta na po ako."


Anong nangyari?


"Sinong tumawag?" tanong ko.


"Si mama. Naaksidente daw si Kean sa motor." Sagot ni Jenna.

The PROM [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon