"Ang ganda ganda mo anak." Bati ni mama.
Suot ko na ang dress na binili ko sa mall .. este binili ko kasama si Charlie. L
"Ngumiti ka naman, pipicturan lang kita." Pamimilit ni mama.
Pumeke ako ng ngiti.
"Oh ayan, ang ganda."
"Malungkot ka ba dahil wala kang partner?" tanong ni papa
Hindi na lang ako nagsalita.
Ok lang naman saken kahit wala eh, hindi ko lang kase talaga maintindihan si Charlie kung bakit bigla na lang siyang nagka ganun, alam ko may dahilan, alam ko mabuti siya, hindi talaga siya bad boy.
"Marami namang pumupunta sa Prom kahit walang partner." Saad ni mama.
"I'm sorry anak. Akala ko kase mas ok kung wala ka na lang partner kesa siya" sabat ni papa.
Haaaah ? anong sinasabi ni papa?
"Ano pong sinasabi niyo pa?"
"Si Charlie.. Kase anak .. akala ko .."
"shut up. I knew it. Kaya siya ganun saken. Its because of you."
"anak, kase .."
"What is the meaning of this Francis?"
"Akala ko ba parents will always do their best to make their children happy. Hindi pala. :'("
Lumabas na ako ng bahay at sumakay ng taxi.
Sinasabi ko na eh. May nangyari talaga. I have to apologize to Charlie.
----------
Bago ako pumunta sa School, dumaan muna ako sa bahay nina Charlie.
"Si Charlie po ?" tanong ko sa mama niya.
"Ah, hija ikaw pala. Ang ganda mo ah."
"Salamat po. Si Charlie po ba nanjan?"
" Wala si Charlie eh, umalis."
"Ah, ganun po ba, saan po kaya nagpunta?"
"Hindi ko lang alam, walng pasabi eh. Alam mo naman ang batang yun, masyadong masipag, ang daming trabaho, hindi ko na nga alam yung iba eh."
"ah, ganun ho ba, sige ho, mauna na ho ako."
"Sige"
---------
Nagpunta ako sa coffee shop na pinagtatrabahuhan niya pati na rin dun sa fast food sa mall pero wala siya. Nagtanong tanong na rin ako sa mga kasamahan niya pero hindi daw siya pumasok at hindi daw nila alam kung saan pa ang nagtatrabaho si Charlie.
[From: Jenna
Sis, san ka na ? Magsstart na. Hinahanap ka ni Mrs. Perez, sabi ko nasa C.R. ka lang. Punta ka na dito bago nila mapansin na wala ka pa.]
No choice ako kundi pumunta sa school ng hindi man lang nakakausap si Charlie.
-------
"Ang tagal mo huh, by the way ang ganda ng dress mo." Bati ni Chelsea
"Oo, kulang lang ng konting ngiti." Sabat naman ni Jenna.
"Bakit ba ang lungkot mo?" Tanong ni Jenna.
"Wala, hindi lang ako komportable sa suot ko." Palusot ko na lang.
Nagpaparty party na sila, pero ako nakaupo lang sa isang tabi, and guess what, lalong sumama ang loob ko ng makita ko si Harry kasama si karylle.
Nakita niya rin ako kaya lumapit siya saken.
"Hi. Meghan." Bati nito.
"Hi, I thought you can't make it. "
"I can explain. Kase si .."
"No, I don't want to hear it. You better stay out of my sight or else ibubuhos ko sayo tong juice na hawak ko. "
Bumalik na siya sa tabi ni Karylle. Di ko na lang tiningnan. Nakakainis lang, tang aba ako ? Bakit lagi na lang akong ginagawang option? :(
BINABASA MO ANG
The PROM [COMPLETED]
Short Storythis story is obviously derived form the music video of Charlie Puth's MARVIN GAYE with Meghan Trainor, so I used them as my story cover. The video was pretty amazing so I come up with this, I hope you like it. --Mhiixsteryhoso