CHAPTER 5 - The Other Charlie

91 3 1
                                    

"So, saan mo balak pumunta?" pag oopen niya ng topic, nagsisimula na kase kaming maglakad.


"ah, ok lang naman. kaya ko na ang sarili ko." Sagot ko. Hindi ako makatingin. Bat' parang iba na siya. Hindi na siya yung maangas na Charlie na nakilala ko.


"Hindi. Binilin ka saken, ayoko namang mapahamak ka pa dahil lang iniwan kita." Saad niya.



O di ba. Bakit biglang nag iba?


"Bakit parang ang bait mo yata?" Shiiit. Bat ko sinabi?


"Ano pa bang maipagmamayabang ko sayo? Alam mo na yung isang sikreto ko." Sagot niya.


"sikreto?"


"Oo, na nagtatrabaho ako sa isang maliit na fast food chain. Hindi talaga ako mayaman."


"So, Edi it's a tie. Nalaman mo rin naman yung isang sikreto ko."


"Na ano?"


"Na kumakain ako sa isang maliit na Fast food chain na sinasabi mo."


Napatawa naman siya.


Infairness cute nga siya kapag naka smile.


Medyo gumaan yung vibe saming dalawa. Medyo joker siya kahit waley yung iba, bentang benta saken. :)




Sa 4th floor nakakita kami ng isang boutique. I think this is the perfect shop.


Pumasok kami sa loob.


"Hi ma'am, welcome" bati ng saleslady.


"Hi. Naghahanap kase ako ng gown or something formal dress para sa prom, may ma I-re recommend ka ba?" tanong ko.


"Ahm. This way po ma'am."


Dinala kami ng isang saleslady sa part ng shop na puro gowns and cocktail dresses.


Namili na kami. Oo pati siya namimili din, HAHA. Nakakatuwa naman tong lalaking to.



--------

"Ok na ba to?" tanong ko. Kanina pa ako palabas pasok sa sa dressing room. Kanina pa rin siya nakaupo sa couch at pinagmamasdan kung bagay na ba sakin ang mga damit.


"Uhmm .. J" ngumti muna siya saka umiling. Nakakainis yung ngiti niya. Hmmm.. sabagay kahit ako, parang ayoko nitong mermaid cut na gown na to.


Pumasok ulit ako sa loob ng dressing room at sinukat ang huling napili namin.


The PROM [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon