That Should Be Me - Chapter One
Surprise
"Nasaan sila Marvin?" tanong ko sa boyfriend ko nang mapansing mag-isa lang siya kumakain. Pinuntahan ko siya rito sa restaurant ng kaibigan niya upang makasabay siyang umuwi.
Uminom muna siya ng tubig bago ako sinagot, "Papunta pa lang sila, hinintay pa raw si Jordan eh. Ikaw, bakit ka mag-isa? Akala ko kasama mo si Mara?" pinunasan ko naman ang labi niya, pagkatapos ay ngumiti siya sa akin.
"Nasa baguio eh," sagot ko.
Umupo ako sa tabi niya at sinabayan siya kumain. Marami naman 'yon kaya naghati na lang kami. Bumaling ang tingin ko sa kanya nang bigla siyang magsalita.
"Babalik na siya," aniya. Kumunot naman ang noo ko, "Sino?" tanong ko.
"Kapatid ko," matipid niyang sagot. Napatango naman ako, "Kailan siya uuwi?"
"Next week."
"Okay na ba kayo?" tanong ko ulit.
Ang kwento niya kasi sa akin noon, hindi maayos ang relasyon nilang magkapatid. Kahit simpleng bagay ay pinagtatalunan nila. Hindi na niya sinabi sa akin kung anong pinagmulan at hangga't maaari ay iniiwasan ko rin namang mapunta roon ang usapan. Hindi ko pa nakikilala ang kapatid niya dahil noong naging kami ay nasa ibang bansa na.
"Hindi naman kami gaano nag-uusap kahit noong nandito pa siya. Paniguradong kahit pag-uwi niya, ganoon pa rin, " sagot niya.
"Hayaan mo na lang. Kung may gawin, 'wag mo na patulan. Ikaw na ang umiwas sa gulo," sabi ko sa kanya.
"Gano'n na nga. Pero titingnan ko pa rin, nakiusap kasi si Mommy sa akin na kung pwede raw ay magkasundo na kami. It's been years, ito lang naman ang hinihingi sa amin. Huwag lang siguro siya gagawa ng kagaguhan, tipong idadamay ka," aniya sa pabirong tono.
Napailing ako, "Loko ka talaga. Hindi naman ako kilala ng kapatid mo, walang gagawin 'yon," paniniguro ko sa kanya. Inusog niya ang upuan upang mapalapit sa akin sabay akbay at halik sa aking ulo.
"I love you," bulong niya.
Napangiti ako, "I love you."
Dalawang araw ang lumipas bago kami nagkita ng bestfriend kong si Mara. Inabot niya sa akin ang pasalubong mula sa Baguio. Inilabas ko sa paper bag ang strawberry at ube jam pati na rin ang peanut brittle na kasama nito.
"Balita ko uuwi na si Ivan, ah? 'Yong kapatid ni Mark? Pinag-uusapan kasi nina Kerth kanina," sabi ni Mara sabay upo sa gilid ng aking kama.
"Bakit naman nila pinag-uusapan?" umayos ako ng upo at humarap sa kanya.
"Kabarkada nila, eh. Bata pa lang, magkakasama na ang mga 'yon," she answered. Bahagyang tumaas ang isang kilay ko.
Hindi ko kasi alam na kaibigan pala ni Kerth ang kapatid ni Mark. Ilang buwan na rin nanliligaw si Kerth sa bestfriend ko, ewan ko ba kung bakit hindi pa niya sinasagot, o baka naman sinagot na pero ayaw lang nila ipaalam.
"Narinig ko rin mula sa grupo nina Chelsea na gwapo 'yong Ivan. Ang hot daw, eh. Ayun nga lang, playboy. Mahilig sa mga babae. Ibang-iba sa boyfriend mo," sabi niya sa akin.
"Paano mo naman nalaman ang mga 'yan?" umusog siya palapit sa akin. Hindi ko maiwasang matawa. Ganito kasi si Mara kapag interesado sa pinag-uusapan.
"Kinuwento kasi ni Jacool," sagot niya.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niyang pangalan. Ano raw?
"Sino naman 'yon?"
"Kaibigan din nina Kerth. Kung tama ang pagkakaalala ko, apat silang magkakaibigan. Nakilala ko na sina Jacool, maliban na lang siyempre kay Ivan dahil wala pa 'yon dito sa Pilipinas," aniya't bahagyang natawa sa huli niyang sinabi.
"So anong latest update sa inyo ng manliligaw mo? Kayo na 'no?" panghuhuli ko.
Kitang kita ko ang pag iwas niya ng tingin at ang takas nitong ngiti. Halatang kinilig pa. Tinapik ko siya upang paharapin sa akin.
"Para naman akong others nito, spill mo na!" natatawa kong sabi.
"Ipakikilala ba 'ko sa mga tropa kung hindi?" sagot niya at inipit ang takas na buhok sa tenga.
Kinuha ko ang unan at ibinato sa kanya, "Ang arte mo!" nagtawanan kami.
Nagkuwentuhan lang kami ni Mara maghapon, masaya naman ako dahil kita kong mahal niya at mahal din siya ni Kerth. Ikinuwento niya sa akin kung saan, kailan, at paano niya sinagot hanggang sa hindi na ulit namin napag-usapan ang kapatid ni Mark.
Bandang alas sais ay nagpaalam na siyang umuwi. Inaya ko pa siyang dito na sa bahay maghapunan ngunit may lakad pa raw sila ng pamilya niya. Hinatid ko siya sa aming gate at hinintay makasakay ng tricycle bago ako dumiretso sa malapit na tindahan. Inutusan kasi ako ni lola bumili ng rekados para sa lulutuin niyang adobo.
"Hi, Ciara!" bumaling ako sa lalaking tumawag sa akin. Umayos siya ng tayo mula sa pagkakasandal sa kanyang kotse. Sinubukan kong alalahanin kung nagkita na ba kami o nagkakilala noon dahil hindi siya familiar sa akin. Lumipat ang tingin ko sa dalawa niya pang kasama.
Nakita ko si Kerth na nakaupo malapit sa tindahan. Kumaway siya kaya naman ngumiti ako. 'Yong isa naman, nakatayo lang at naninigarilyo.
"Hello! Sorry, hindi ka familiar sa akin. You are?" tanong ko at tipid na ngumiti.
"My bad. By the way, I'm Christian. Kaibigan ako ni Ivan," pakilala niya.
Tumango ako at tinanggap ang nakalahad niyang kamay. Tiningnan ko 'yong lalaking naninigarilyo.
"Siya nga pala si Jacool," sabi ni Christian na tila nabasa ang tanong sa isip ko.
Ngumiti ako. Siya pala 'yong binabanggit sa akin ni Mara kanina. Infairness, ang gu-gwapo ng mga ito. Mas lalo tuloy akong na-curious kung anong hitsura ni Ivan. Gwapo rin kaya? Well, I think he's good looking, too.
Tumayo si Kerth at lumapit sa amin, "Hello, Ciara! Kumusta?" tanong niya pagkatapos bumeso sa akin.
"Mabuti naman. Ikaw ba? Nabanggit ba sa 'yo ni Mara na magkasama kami kanina? Actually kaaalis niya lang," sabi ko.
"Oo, nasabi niya. Sayang nga at hindi kami nag abot, may dinaanan pa kasi kami."
"Bakit nga pala kayo nandito?" I couldn't help but ask. Kerth and I are not really close, kaya anong pakay nila sa akin?
"Gusto ka sana namin makausap," si Christian ang sumagot.
"Tungkol saan?" kinain na naman ako ng curiosity.
"Since kaibigan ka ni Mara at kailangan talaga namin ng tulong para sa surprise namin kay Ivan, nagbabakasakali lang kami na libre ka," anito habang tinitingnan ang reaksyon ko.
"Hmm, I see. Alam ba 'to ni Mark?"
Nagkatinginan sila ni Kerth bago siya muling bumaling sa akin at umiling, "Hindi pa, pero kakausapin din namin siya pagkatapos nito. Ikaw kasi 'yong malapit kaya ikaw na muna ang sinabihan namin."
Tumango tango ako. At least sasabihan nila si Mark. Siguro pagkakataon na rin ito para magkaayos silang dalawa, "Sige, tutulong ako," I answered and smiled at them.
"Ayos! Susunduin ka namin sa Saturday, ha? Salamat," malaking ngiti rin ang iginawad niya sa akin. Nagpasalamat din si Kerth sa akin bago sila nagpaalam.
Tinawag nila si Jacool na kanina pa naghihintay sa gilid. Nang tingnan ko siya ay tipid na ngiti at marahang tango lamang ang ibinigay niya.
Pinagmasdan kong umalis ang kotse ni Christian bago ako tuluyang pumunta sa tindahan upang makabili ng kailangan. Habang bumibili ay hindi na nawala sa isip ko ang surprise na gagawin nila.
Sana sa pag-uwi ni Ivan ay magkaayos na sila ni Mark.
BINABASA MO ANG
That Should Be Me (Editing) [Monterde Series #1]
General FictionIn a world where everything seems certain, Ciara lives in a happy, peaceful, and stable relationship. That is, until she meets someone who makes her question the certainty of her current love. As she grapples with her feelings and newfound uncertain...