That Should Be Me - Chapter Two
Get along
"Ciara! Nandito na si Mara. Aalis na raw kayo," rinig kong sigaw ni Lola mula sa ibaba.
"Bababa na po ako," sagot ko.
Sa bahay ni lola ako nakatira ngayon. Mukhang matatagalan pa umuwi ang magulang ko. Mayroon kasing inaasikaso ang tatay ko kaya naman sinamahan siya ni mama. Ayoko naman mag-isa kaya minabuti kong dito na lang muna tumuloy sa bahay ni lola para masamahan na rin siya.
Muli kong pinasadahan ng tingin ang sarili sa salamin. Naka puting polo shirt ako na naka tuck in sa suot kong denim jeans. Inayos ko ang aking belt at sinuot ang relo. Pagkatapos ay kinuha ang sling bag na nakapatong sa kama at saka lumabas ng kwarto.
Pagbaba ko'y naabutan ko si Mara na nakaupo sa sofa. Tumayo siya nang makita ako, "Tara na, naghihintay sina Kerth sa labas," aniya.
Nagpaalam lang ako kay lola bago tuluyang lumabas. Nakita ko si Kerth at Christian na nag-uusap sa tapat ng kotse habang naghihintay. Nang makita kami ni Mara ay tumigil na sila at pinagbuksan kami ng pinto. Sumakay ako sa likod ng kotse at ngiti ni Jacool ang bumungad sa akin, "Good morning, Ciara!" bati niya sa akin. Ngumiti ako at bumati pabalik.
Si Christian ang nag da-drive at nasa tabi naman niya si Kerth. Habang napapagitnaan naman ako nina Mara at Jacool dito sa likod.
"Pasensya ka na noong nakaraan kung hindi kita nabati ha, medyo nahihiya pa kasi ako saka hindi ko alam ano sasabihin," sabi ni Jacool at bahagyang kumamot sa sintido.
Umiling iling ako, "Nako, okay lang 'yon. Hindi naman big deal," I answered and smiled.
"May nahanap na ba kayong lugar, guys?" tanong ni Mara. Lumingon sa amin si Kerth at nakita ko ang pagsilip ni Christian sa rearview mirror.
"Oo nga, saka ano ba ang plano niyo?" dagdag kong tanong. Nagulat ako nang bigla akong akbayan ni Jacool.
"Ang iniisip kasi namin, simpleng surprise dinner lang. Pamilya niya saka close friends lang ang invited," sagot ni Jacool, "Also, favorite color ni Ivan ang blue," he added and laughed.
"Gago! Ano'ng connect ng favorite color ni Ivan?" binato ni Kerth si Jacool ng tissue.
Mas lalong tumawa si Jacool, "Additional information lang, 'tol. Malay mo naman makatulong lalo na sa decorations," anito.
Nagpatuloy sila sa asaran kaya hindi ko na rin napigilan mapangiti. Si Mara naman ay naglabas ng cellphone upang tumingin ng magandang lugar. Muli kong naisip ang sinabi ni Jacool na favorite color ni Ivan. Blue.
"Nasubukan niyo na ba i-check ang Blue Garden?" tanong ko sa kanila.
"Saan 'yon? Malapit lang ba?" tanong ni Christian at sinilip ako sa salamin.
"Around Katipunan lang. Nag shoot kami ro'n before. The place is nice. May maliit silang area for small gathering and mayroon ding malaking venue para sa mga magarbong party or event," sagot ko.
"Ayun pala, edi i-check na natin kung available sila sa 27," ani Mara at binaba ang cellphone. Tumango si Christian at nagpatuloy sa pagmamaneho.
Habang nasa biyahe ay nakipagkwentuhan si Jacool sa akin. Nalaman kong sa iisang paaralan lang sila nag-aral nina Kerth mula elementary kaya naman sobrang malapit sila sa isa't isa. Ivan and Christian majored in business administration in college, while Jacool and Kerth both graduated with degrees in communication. Natigil lang ang pag-uusap namin nang makarating kami sa Blue Garden.
"Ganda pala rito, paniguradong mahal," naiiling na sabi ni Jacool pagkababa niya ng kotse.
Binatukan siya ni Kerth, "Akala mo naman ikaw magbabayad ng lahat," natatawa nitong sabi.
BINABASA MO ANG
That Should Be Me (Editing) [Monterde Series #1]
General FictionIn a world where everything seems certain, Ciara lives in a happy, peaceful, and stable relationship. That is, until she meets someone who makes her question the certainty of her current love. As she grapples with her feelings and newfound uncertain...