Chapter Five

19.1K 300 11
                                    

That Should Be Me - Chapter Five

Friends

Mula sa rearview mirror ay natanaw ko ang isa naming kasambahay na binuksan na ang gate. Sinuot ko na ang seatbelt at sinimulan ang sasakyan. Inalis ko muna sa isipan si Mark at nag focus sa magiging interview ko. Ilang minuto na akong nakalayo sa amin nang mapansin kong malapit na pala ako maubusan ng gas. Hindi ko alam kung aabot pa ito sa pupuntahan ko.

"Tangina naman," hindi ko naiwasang sambitin. Bakit ngayon pa? Siguro ay nalimutan ito pa-gas-an ng pinsan ko noong hiniram niya. Mabuti na lamang at may madadaanan akong gasolinahan. Laking pasasalamat ko nang makitang hindi masyado marami ang nagpapa-gas ngayon.

Habang hinihintay mapuno ay nahagip ng tingin ko ang isang lalaking naka white t-shirt. May kausap itong employee. Bahagya siyang tumagilid kaya naman tuluyan kong nakita ang kanyang mukha. Si Ivan pala 'yon. Ilang saglit lang ay natapos ang pinag-uusapan nila at tumalikod na siya upang maglakad papunta sa gawi ko. Ibinaba ko ang bintana para i-abot ang bayad ko.

"Ciara?" lumapit pa siya nang kaunti upang masilip ako. Nang magtama ang aming mga tingin ay tipid akong ngumiti.

"Hi, Ivan," bati ko sa kanya.

"Huwag ka na magbayad, ayos na 'yon," sabi niya sa akin at inutusang ibalik ang perang inabot ko kanina. Agad akong umiling para tumanggi.

"Okay lang, Ivan. Kaya ko namang magbayad."

Magsasalita pa sana siya ngunit nakarinig kami ng ingay. Sabay sabay kaming napatingin sa kalsada kung saan nagkaroon ng banggaan. Nakita kong bumaba ang mga pasahero ng isang jeep at nagpang-abot naman ang dalawang driver. Agad akong napatingin sa orasan.

"Shit!"

Bumaling ang tingin ni Ivan sa akin, "Ciara, okay ka lang?"

Hindi ako sumagot, bagkus ay binuksan ko ang pinto at bumaba. Naglakad ako papunta sa nagkakagulong mga tao. Bago tuluyang makalapit ay naramdaman ko ang pagpigil sa akin. Sumunod pala si Ivan at hinawakan ako sa braso.

"Huwag ka na lumapit, baka madamay ka pa," aniya.

Napupuno ng ingay ang paligid. Mula sa iba't ibang boses ng mga tao, ang dalawang driver na nagsasagutan, at ang mga busina ng kotse. Nagdulot na ng traffic ang banggaang ito. Bigla ako pinanghinaan ng loob. Napakaraming aberya naman ngayong araw.

"Hindi ako aabot..." hindi ko namalayang nabigkas ko ito nang malakas.

"Saan ka ba papunta?" tanong ni Ivan sa akin.

"Sa Katipunan, may interview ako ng 10," diretso kong sagot.

"Bakit kasi late ka umalis?" napatingin ako nang sabihin niya iyon.

"Kung sana sumipot ang kapatid mo at hindi ako pinaghintay, baka nandoon na ako kanina pa," hindi ko na napigilan ang aking bibig, "I'm sorry. Frustrated lang ako kaya ko nasabi 'yon," sabi ko nang mapansing tumahimik siya.

"It's okay. Nakita ko si Mark kanina bago ako umalis ng bahay. Nagkaroon ata ng gulo sa isa pa naming gasolinahan kaya inutusan siya ni daddy. Hindi niya ba nasabi sa 'yo?" tanong niya sa akin.

Umiling ako bilang sagot. Tila hindi na tinatanggap ng utak ko ang mga sinasabi niya at ang tangi kong iniisip ay kung aabot pa ba ako sa interview ko.

"Alipin talaga ng magaling niyang ama," rinig kong sabi ni Ivan ngunit may pait sa tono ng boses nito.

Nagsimula na akong maglakad pabalik sa kotse. Alam kong hindi ako makakaabot sa 10 a.m. schedule dahil paniguradong ilang minuto ang kakainin ng banggaang nangyari ngayon. Bago ko mabuksan ang pinto ng kotse ay muli kong naramdaman ang paghawak sa braso ko. Nilingon ko si Ivan dahil dito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 13 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

That Should Be Me (Editing) [Monterde Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon