--Prologue--
Stacey's POV
"Pwe-pwede bang manligaw?" nauutal niyang sabi.
Ano?!
Nahihibang na ba 'tong abnormal na to? Nananaginip ata to ng gising eh!
"Pinagsasabi mo?" nagtatakang tanong ko.
"Hindi mo ba narinig yung sinabi ko? Tinatanong ko kung pwede bang manligaw?!" nahihibang na nga talaga siya. Kung hindi lang maganda yung mood ko ngayon baka nasapak ko na to!
"Tama ba yung narinig ko, bro? Liligawan mo 'tong si Stacey?" nagulat ako nung dumating si Kurt.
"Ku-kurt?" bakit ba ako nauutal? Letse kasi 'tong si Justin eh!
"Hi Stacey, totoo bang tinatanong ka nitong pinsan ko kung pwedeng manligaw?" sabi niya habang naka-akbay kay Justin.
"E-ewan ko ka-kay.... sa-sakanya." nauutal kong sabi sabay tingin ng masama sa abnormal na Justin na to!
"Totoo ba, bro?" tanong ni Kurt kay Justin habang naka-akbay parin sakanya.
"Oo, bakit?" pagtataray niya kay Kurt. Nilalagnat ba si Justin? Ano nanaman bang naiisip nang lalaking 'to? Alam kong nagbibiro lang 'to, aasarin nanaman niya ako.
"Liligawan ko rin sana si Stacey eh." sabi naman ni Kurt.
"Ano?!" sabay pa kaming nagulat ng mokong na to! Ano naman kung liligawan din ako ni Kurt?
Teka?! Anong sabi niya? Siya manliligaw sa akin? Nananaginip ba ako? O baka sila yung nanaginip ng gising?
Kinurot ko ng masakit yung braso ko para malaman kung nananaginip ba ako o hindi. Totoo ba ang lahat? Shocks magpinsan nga talaga sila pareho silang baliw, pero hindi naman masyadong baliw si Kurt, si Justin naman talaga yung 100% na baliw at hindi lang pala baliw abnormal din pala.
"Pinagsasabi nyo? Wag niyo nga akong pagtripan ngayon! Maganda pa mood ko, mamaya nalang kapag nasa mood akong sagot-sagutin kayo."sabi ko tska ako tumalikod pero hinawakan ni Justin yung braso ko kaya napaharap ako sa kanya tska ako napatingin sa mga mata niya. Napakaseryoso ng mukha nya kaya feeling ko parang totoo yung mga sinabi niyang liligawan nya ako. Ano ka ba Stacey?! Wag ka ngang feelingera, alam mo yung ugali ni Justin, matagal mo na siyang kilala, kahit anong bagay hindi niya siniseryoso.
"Sa ayaw at sa gusto mo liligawan at liligawan ka pa din namin. O kung ayaw mo mamili ka nalang papayagan mo kaming manligaw o papayagan mo kaming manligaw?" Nakangiti nyang sabi kaya napangiti na rin si Kurt sa sinabi niya. Shet! Ang pogi niya kapag nakangiti! Stacey! Wag mong pagpantasyahan ngayon 'yang mokong na 'yan! Back to the topic muna kayo.
"Abnormal ka ba? Anong pagpipilian ko dyan? Ligawan nyo nalang kaya yung isa't isa tutal pareho naman kayo ng ugali eh! Parehong mga abnormal! Bahala kayo sa buhay niyo!" Tumalikod na ako para tumakbo para hindi ko na makita ang pagmumukha nila.
Pagkatalikod ko ang dami palang taong nakatingin at nakikinig sa mga pinaguusapan namin, lahat sila napanganga, sino ba namang hindi magugulat sa sinabi ng mga abnormal na yon? Pati nga ako nagulat eh. Hindi ko man lang sila napansin kanina? Feeling ko kasi kaming tatlo lang yung naguusap doon. Teka? Baka mabalita 'to sa buong campus, sikat na sikat pa naman yung dalawa at mabilis kumalat ang mga kwento dito. Karamihan kasi sa mga babae dito mga chismosa, at palaging laman ng chismis nila itong dalawang magpinsan na 'to. Paano nalang kung magalit yung mga fangirl nya sa akin? Paano kung bullyhin nila ako palagi sa sinabi sa akin nung dalawang mokong na yun sa akin? Hay bawal pala feelingera dito, kasi alam kong pagpapanggap lang yang ginagawa nila.
Bwisit na bwisit na talaga ako sa magpinsan na to eh! Kung hindi ko lang crush si Kurt inupakan ko na tong dalawang to, kung si Justin lang kasi ang uupakan ko baka maging unfair at baka makahalata sila na may gusto ako kay Kurt, kaya wag nalang.
Teka si Justin liligawan ako? Repeat natin from the top, hindi ko parin kasi naiintindihan yung mga nangyayari, hanggang ngayon hindi pa nagsisink-in sa utak ko, pero hindi ko lang pinapahalata sa kanila, tska hindi naman ako naniniwala eh. Ok lang sana kung si Kurt lang. May lumabas pang asungot! Syempre kahit ganon ko kagusto si Kurt hindi naman ako katulad ng mga malalandi diyan na kapag sinabihan sila ng crush nila na gusto siya, agad magiging sila. At dahil crush lang nararamdaman ko kay Kurt di parin ako naniniwala sa salitang LOVE. Hay naku! Imbis na good mood ako nasira nanaman tuloy! Letse naman talaga! Bahala na si Batman sa mga susunod na araw!
♡♡____________________♡♡
Sino kayang sasagutin ni Stacey sa huli? Si Justin na laging nangungulit at nangaasar sa kanya o si Kurt na crush niya???
Paano kung si Kurt ang sagutin nya?
Eh paano naman si Justin?.
STORY CHARCTER:
IM YOON AH as STACEY RUTH SANCHEZ
OH SEHUN as JUSTIN REYES
KIM TAEHYUNG as KURT MIGUEL REYES
JUNG EUNJI as KEZZIA BIA MANUEL
KWON YURI as AEYA MIKY MONTES
LIM CHANGKYUN as JOHN RAMOS
LU HAN as LUKE PABELLIANO
BYUN BAEKHYUN as DREI GOMEZ
TIFFANY HWANG as KYLIE BETANIA
KIM TAEYEON as HANNA SOBERRANO
LEE MIN HYUNG as KEVIN REYES
KIM YOO BIN as NATALIA KATE SANCHEZSON SEUNG WAN as MIKA PAULINE SANCHEZ
KIM SEOK JIN as JIN SANCHEZ
.
BINABASA MO ANG
The Nerdy Girl Meets Her Enemy
Teen FictionThe Nerdy Girl Meets Her Enemy The girl named Stacey Ruth Sanchez is a CAMPUS NERD. Kapag sinabing NERD unang pumapasok sa isip natin na loner, panget, may malaking salamin sa mata, genius, etc... What if one day she met a guy who will became her EN...