Chapter 3: Meet Kurt Miguel Reyes

145 17 3
                                    

Chapter 3: Meet Kurt Miguel Reyes

Picture: Kurt Miguel Reyes

-

Stacey's POV

Grabe ang pogi niya talaga, hindi mo maiwasang titigan siya ng matagal. Shet! nalang masasabi ko. Perfect guy na siya eh, matangos na ilong, red lips, brown eyes, tapos yung buhok niya bagay na bagay sa kanya. Hay! Kahit gaano ko katagal titigan 'tong si Kurt hindi ako magsasawa. Whaha!!! Ang gwapo niya talaga.

"ATE RUTH!!!" Bigla akong natauhan sa napakalakas na sigaw ni Kevin. Yung totoo, nakalunok ba siya ng megaphone?

"Huh? Bakit? Anong nangyari? May sunog ba? Nasan? Nasan?"

"Huh? Anong sunog?" Tanong niya.

"Wala bang sunog? Eh bakit ka ba kasi sumigaw. Ang lakas lakas ng boses mo."

"Kanina ka pa kasi nakatunganga kay kuya Kurt eh. Ano bang nangyari?"

"Ako nakatunganga kay kuya Kurt mo? Hindi ah." Sabi ko sa kanya. Hay! Busit naman, baka anong isipin nitong si Kevin eh.

"Weh? Nakita ko kaya yun ate Ruth. Pinagpapantasyahan mo ba si kuya Kevin?" Sabi ni Kevin. Patay kang bata ka. Anong idadahilan ko sa batang 'to.

Bigla nalang akong napatingin kay kuya Kurt niya. Nakakunot yung noo niya habang natingin sa akin, agad ko namang inalis yung tingin ko. Baka makahalata na crush ko siya. Oo crush ko na siya, crush lang naman eh, crush means idol lang. Wala sa bokabularyo ko 'yang 'love' na 'yan.

"Kasi may kamukha yang si kuya Kurt mo. Parang kamukha niya yung cousin kong si Oliver." Haha ganda ng dahilan ko noh? Actually may pinsan talaga akong Oliver pero bakla nga lang. Wala akong maisip na dahil eh hehe.

"Ah. Akala ko kasi pinagpapantasyahan mo si kuya Kurt eh." Talino ng batang 'to.

"Hindi ah!"

"Ahm. Tapos na ba kayong mag-usap? May tao po kasi dito oh." OMG. Ganda ng boses ni Kurt. Hindi katulad nung Justin na yun, boses palaka.

"Ay sorry kuya. Eto kasing si Ate Ruth eh, pinagpapantasyahan ka." Sabi nang hindi eh! Konti lang. Hehe...

"Hindi no!" Sabi ko sa kanya.

"Wag ka kasing masyadong pahalata ate Ruth. Halatang-halata kasi eh, halos matunaw na nga si kuya Kurt sa kakatitig mo eh." Bulong sa akin ni Kevin. Letseng bata 'to, ang talino. Lumapit siya kay Kurt. "By the way, kuya Kurt this is ate Ruth siya yung nag-gamot sa sugat ko kasi may practice si kuya ngayon. Actually she's my friend na." Pinakilala niya ako kay Kurt tapos tumingin sa akin si Kurt tapos... tapos... Waaaah!!! Nag-smile siya sa akin. Kung wala lang talaga dito sila Kevin at Kurt sumigaw-sigaw na 'ko sa kilig, paano ba naman yung ngiti niya nakakamatay. Tapos lumapit naman sa 'kin si Kevin. Anung balak neto?

"Ate Ruth siya nga pala si kuya Kurt, yung sinasabi ko kaninang pinsan ko na kaugali ni kuya Justin." Magsasalita na sana ako pero biglang nagsalita si Kurt.

"Ako? Kaugali ng kuya mo? Hindi kaya. Mas mabait naman ako dun. Hi Ruth." Sabi niya sabay kindat sa akin. Waaaah!! Busit 'to. Pinapakilig niya ako. Huhu.

"Hi din Kurt." Bati ko sa kanya. Syempre hindi ako magpapahalata na kinikilig ako, hindi naman ako katulad ng mga malalandi diyan, laging nagpapa-cute sa crush nila. Ang lalandi ka-bwisit. Lagi kasi akong nakakakita nang ganyan sa school eh, lalo na yung mga nagkaka-crush kay Justin Reyes. Sarap isaksak kay Justin eh. Parang linta lang, dikit ng dikit.

"Ahm. Kevin uwi na tayo, pinapauwi ka na nang ugok mong kuya sa akin." Sabi ni Kurt kay Kevin. Natawa naman ako sa sinabi ni Kurt. Hahaha ugok talaga tawag niya kay Justin, siguro siya lang nakakatawag kay Justin nang ugok. Mukhang kapatid na nga ang turingan nitong tatlo. Hahaha.

The Nerdy Girl Meets Her EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon