Chapter 4: Mall With Them (Part 1)

111 15 2
                                    

(AN): Dedicated to Ate Jellah_aquino... Sorry kung ngayon lang kita na-dedicate, ngayon lang ako nakapag-update eh... Pero thank you talaga ha... Kamsahamnida...

.

Chapter 4: Mall With Them (Part 1)

Picture: Kotse ni Justin (Black) at kotse ni Drei (White)

-

Stacey's POV

"Girls, nandyan na si Prince Justin. Mag-ayos kayo, dali. Papalapit na siya dito."

"Justin!!! Justin!!! Justin Reyes!!!!!"

"Teka kasama niya rin sila Luke at Drei... Huhu... Ang ga-gwapo nila..."

"Dreiiii!!!. Lukeee!!! Huhu, Drei! Luke!"

Sigawan nanaman yung mga babae dito. As expected, sila Justin nanaman yung dahilan niyan. Hindi ko pa pala nabanggit sa inyo na meron siyang barkada na kasing-ugali niya, tulad ni Justin tinitilian din sila ng maraming babae dito sa school. Well, sila lang naman si Drei at Luke. Si Drei ang mukhang pinaka makulit sa kanilang apat (actually lagi din nilang kasama si Kurt, pero mas close si Justin kay Kurt kasi nga para na silang magkapatid), maputi, babaero, sikat, matangos yung ilong, tambay sa bar, gwapo rin naman siya, mayaman, ewan ko lang kung matalino, sila daw yung may-ari ng pinaka-malaking hotel sa Zambales, meron din daw silang resort sa Batangas. Si Luke, maputi, gwapo, matangos yung ilong, tambay sa bar, tahimik minsan, sobrang kulit, cute (pero mas cute pa rin si Kurt, hehe...), babaero, mayaman, sikat, sila daw may-ari ng pinaka-malaking hospital na malapit sa village namin.

Bakit ko nalaman yung mga yan? Kasi nga, lahat ng babae dito sa school silang apat yung pinaguusapan, kaya kahit saan ako pumunta paulit-ulit kong naririnig 'yang mga 'yan. Nakakasawa na nga eh, di lang pala nakakasawa nakakarindi pa.

Dumaan nga lang yung apat sa harap nila, halos mahimatay na sa kilig eh, pano pa kaya kung nakasakay pa sa kotse nila?

Huhu, naalala ko nanaman tuloy yung nangyari kahapon. Yung hinatid ako ni Kurt sa bahay namin. Para nanaman tuloy akong tanga dito, nakangiti habang naglalakad palayo sa mga nagsisigawan na yun. Yieeee, kinikilig talaga ako.

Papunta na ko sa room ko ngayon. Maaga akong pumasok, kasi maaga akong nagising tska nakauwi na sila dad kagabi ng madaling araw galing sa Zambales nakipag-meeting daw si dad dun, may sarili siyang driver kaso lagi nalang niyang tinatanggal kasi hindi daw sumusunod sa mga inuutos niya tapos minsan naman ang bagal-bagal daw kumilos. Ang sungit talaga ni daddy, lagi talaga siyang masungit kapag pagod, kaya nga walang tumatagal na driver sa kanya eh.

5 years na siyang driver namin, Bakit tumagal si Manong Eddie? Hindi naman pwedeng tanggalin ni Daddy si manong Eddie (yung driver ni Stacey) kasi ayoko ng may iba pang driver maliban sa kanya. Mabait kasi si manong Eddie. Kasi kahit masungit sa kanya minsan si daddy, tinitiis niya parin, dahil meron siyang pamilyang tinataguyod. Kung ako nga lang nagse-sweldo kay manong Eddie, dadagdagan ko eh. Naaawa kasi ako sa kanya eh, kasi kaya niyang itaguyod yung tatlo niyang anak ng siya lang mag-isa. Eh kasi namatay daw yung asawa niya nung pinapanganak yung bunso niyang anak. Kaya ngayon, yung nagbabantay sa tatlo niyang anak eh yung kapatid niya which is tita nung tatlo niyang anak. Halos lahat ng sweldo ni manong Eddie pinapadala niya sa mga anak niya, wala nang natitirang pera para sa kanya. Sabi niya sa akin nun, kaya daw pinapadala niya na daw lahat sa mga anak niya yung lahat ng sweldo niya kasi hindi niya na daw kailangan ng pera, kasi meron naman daw siyang nakakain dito, tapos meron pa siyang tulugan, lahat na ng kailangan ni manong Eddie ay nandito kaya hindi niya na daw kailangan ng pera. Napaka-swerte nga ng mga anak niya eh, kasi meron silang tatay na nagtataguyod at nagmamahal sa kanila, yung tatay nilang gagawin ang lahat para lang maabot nila yung pangarap nila. Tama nga sila, lahat ng mga anak swerte dahil may nagmamalasakit at nagmamahal na magulang sa kanila. Kaya kahit hindi ko nakakasama sila Dad, Mom at yung dalawa kong kapatid, masaya na ako dahil alam kong kahit minsan ko lang sila nakakasama, mahal na mahal naman nila ako.

The Nerdy Girl Meets Her EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon