Ang daming tumatakbo sa pagka-Presidente. Kaliwa't kanan, taas-babang mga isyu para lang maging matunog ang pangalan.
May mga pinagpipilitang Pilipino sila, meron din namang humakot na ng award sa best in commercial sa dami ng tvc. At meron pang kumuha ng sikat na labtim para lang i-endorse sila. Magkano kaya binayad doon? Kung pinangkain na lang sana niya sa mga nagugutom matutuwa pa ako.
Hay nako. Sa darating na Mayo hindi ko na alam kung sino ang iboboto. Malamang wala sa kanila. Maiboto na lang ang kapitbahay ko. At least siya namimigay ng food. LOL