Bente

75 3 2
                                    

Habang papauwi, nakakita ako ng bente sa kalsada. Bente na medyo lukot at nakatupi. Tumingin ako sa kaliwa't kanan. Wala namang tao. Sa likod at harap, sa taas pati na rin sa baba. Wala ring tao. Dahil feeling ko wala naman yatang may-ari nun, kinuha ko na. Binulsa ko sa jacket at patay-malisyang nagpatuloy sa paglalakad na parang walang nangyari.

Hanggang doon lang ang kwento ko. Gusto ko lang i-share baka kako may nawawalan ng bente sa inyo at sa inyo nga 'yung napulot ko.

Pero s'yempre kung kayo nga ang nagmamay-ari ng benteng iyon, 'wag na kayong umasa na maibabalik ko pa 'yon. Pinambili ko na kasi ng mais. Mais na hindi masarap, lasang bond paper. #11-26-16

MASHED POTATOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon