[MPG2>34-Oxygen]

5.5K 85 9
                                    


Eri:

"kumusta na kaya si Mino?" Eri

"okay lang yun"

"eh diba hindi natuloy yung kasal niya kanina?"

"oo. Pero kasi hindi niya naman mahal yung babae."

"aaaahhh..kaya pala.."

"huwag mo nang isipin ang ibang tao. Kung puede ako muna isipin mo ngayon. Namiss kita ng husto Eri."

O///////O

Tumingin na lang ako sa bintana ng sasakyan.

"saan ba tayo pupunta Uno? Nakabihis pa tayo"

"basta...relax ka lang dyan"

Hindi na ako nagtanong ulit.

Maya maya pa ay pumasok kami sa isang gate.

Malaki yung loob niya tsaka ang ganda..

May malaking garden.

May swimming pool din.

May mansion.

Ang ganda ng pagkakagawa nung bahay..

Yun lang masasabi ko..

Bumaba kami ni Uno sa sasakyan.

Pumunta siya sa tabi ko at sabay naming tinignan yung bahay..

"dito daw kami nakatira dati pero hindi kasama sila Angkong(lolo) at yung iba pa. basta sila mommy lang at mga kapatid ko."

May dinukot si Uno sa loob ng polo niya.

Isang necklace na may susi..

"ito yung susi na binigay ni Angkong nung birthday ko. Hinanap ko kung para saan ito at dinala ako ng susi na ito dito. Ito ang bahay na nagsisilbing pinakaalaala ni daddy sa kanya."

"si daddy ang architect at engineer ng bahay na ito. Sabi ni angkong talagang pinaghirapan niya at pinag-ipunan ang bahay na ito. Gusto niya daw kasing ibigay ang lahat sa aming pamilya niya kaya nakalimutan niya na ang sarili niya at nagkasakit siya.."

"hindi ko nakilala ang daddy ko. Nakikita ko lang siya sa pictures at nakikilala ko lang siya sa mga kwento.."

Nakikita ko ang lungkot sa mga mata ni Uno..

Gusto ko siyang yakapin..

"ang alam nila ibinenta ito at napunta na sa iba pero ang totoo, si lolo ang bumili nito.."

"ginawa ng daddy ko ang lahat para sa taong mahal niya kahit na sarili niya pa ang mapahamak.."

Humarap sa akin si Uno..

"at ganun din ako sayo Eri..gagawin ko ang lahat para sayo.."

Dahan dahan niyang inilalapit ang labi niya sa akin..

Konti na lang..

As in konti na lang talaga..

"young master Uno!!!"

Bumukas ang pinto..

Agad kaming nagsilayo.

"manang"

"nako sir, hindi kayo nagsabing dadating kayo. Hindi ako nakapaghanda."

"okay lang yun manang. Ito nga pala si Eri"

"aaahh..nako tama ang kwento ninyo sir..kagandang dilag!!! Ay pasok ho kayo...tara.."

Nauna na si manang papasok.

Mr. Perfect Gangster: The Return (Editing) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon