[MPG2>49- John and Kimmy]

3.1K 78 6
                                    

John:

So lahat sila inexpect na makakapag-usap kami ni Kimmy eeh nagsilipat sila ng table na malapit sa amin

para marinig kami.

Paano kami mag-uusap?

Isa pa..

Hindi rin naman nagsasalita si Kimmy.

Ano nga ba ang dapat naming pag-usapan?

Haaay..

Si author ginagawang komplikado ang buhay ko.

...

...

...

...

Ten minutes na ang lumipas pero wala paring nagsasalita sa aming dalawa.

Pareho lang kaming nakayuko at kung saan-saan nakatingin.

..

..

..

..

Pero ako ang lalake.

Ako dapat ang maunang magsalita hindi ba?

.

.

.

.

.

"Kimmy"

"hmm."

"kumusta?"

"aah okay naman. Ikaw?"

"ganun din."

"hmm..ilang araw din tayong hindi nagkita."

"oo nga."

"ibibigay ko na yung resignation ko next week."

"hindi mo naman kailangan gawin yun"

"pero hindi ka na masyadong nagpupunta sa bar tsaka.."

"hindi. Naging busy lang ako. Alam mo namang maraming ibang ginagawa ang pamilya ko."

Tsk. Ang hirap naman nito.

"pero yun naman ang dapat na gawin.."

".."

Magsasalita pa sana ako pero..

Ano ba ang dapat kong sabihin?

===============


Kimmy:

Waaaah bakit mo ba sinasabi lahat ng ito?

Bakit hindi mo sabihin sa kanya ang totoo.

Kung bakit ka nagkakaganyan.

Kung bakit hindi puedeng kayo..

Kung bakit..

Haaaayy Kimmy!!!!

Magiging unfair ka kung aalis ka na at hindi niya alam kung bakit kayo naghiwalay.

Kimmy!!

Pero kaya ko nga ba talagang magresign?

Hindi ko na siya makikita kapag ginawa ko yun.

"uhmm..John"

"hmm? Bakit?"

"uuh kasi.."

Hingang malalim Kimmy..

Malay mo umayos pa ang lahat kapag sinabi mo.

"uhmm..kasi gusto kong malaman mo.. I mean gusto kong uhmm"

"sabihin mo na Kimmy"

"gusto ko lang sabihin sayo kung bakit ako..tayo nagkaganito"

Napatingin sa akin si John.

Ngumiti at yumuko.

"bakit nga ba?"

"John tignan mo naman ako. Anak mahirap, wala akong maipagmamalaki. Di hamak na empleyado mo lang ako."

"akala ko ba okay na to? Napag-usapan na natin yan"

"pero hindi ko kaya ang sinasabi nila sayo John. Nasisisra ka dahil sa akin."

"nasisira? Anong ibig mong sabihin?"

"ayoko lang naman yung sinasabi ng ibang tao.'

"wala akong pakialam sa kanila."

"pero John yung reputasyon mo, yung pagkatao mo.."

"mga salita lang yun Kimmy. Lilipas din yun. Bakit napakadali mong magpaapekto sa ibang tao?

Nakipaghiwalay ka dahil sa sinasabi nila? Hindi ba ang unfair nun?"

"iniisip lang naman kiita"

"kung talagang iniisip mo ako, alam mong hindi ko kayang mawala ka. Alam mong kailangan kita sa

buhay ko pero sa ginagawamo, mas lalo mo lang pinapakitang hindi ako mahalaga sayo"

"intindihin mo naman John. Nasasaktan din ako kapag sinasabi nila lahat ng yon"

"at nasaktan din ako nung iwan mo ko"

Hindi ko na alam ang sasabihin.

Nagsimula nang tumulo ang mga luha ko.

"lahat kaya nating lampasan ng magkasama. Lahat lahat. Pero kung ayaw mo na dahil sa kanila o sige ibibigay ko ang gusto mo. You are fired."

Bigla nang tumayo si John at umalis.

Mas lalong lumakas ang iyak ko sa mga sinabi niya.

Isa lang naman talaga ang ibig niyang sabihin..

Tapos na kami..

Wala na talagang kami.

=====

Super ikli -___-

Sorry

Mr. Perfect Gangster: The Return (Editing) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon