[MPG2>46- Francisco II]

3.7K 73 4
                                    

Cisco:

"Kyaaaahhhh..si papa Cisco kyyaaahhh"

"ang gwapo talaga"

"yuhu ako ba hinahannap mo?"

=___=

Mga babaeng to nakakabingi sa pagtili!

Asan na ba yung classroom niya.

Ayun.

Papasok na sana ako sa pintuan nang marinig ko ang boses ni John.

"Teka absent si Yumi?!!??! Hinatid ko dito yun kanina!!!"

"Oo John hindi siya pumasok eh"

Nabigla ako nang lumabas si John at nagkaharap kami.

Halatang siya din ay nagulat nang makita ako dun.

"pasalamat ka talaga Cisco kaibigan kita kung hindi binasag ko na yang mukha mo."

"teka John.."

"sagutin mo nga kasi ng maayos Cisco, mahal mo ba kapatid ko? Kung hindi huwag mong paasahin!"

"John.."

"pakshet bro! Humanda ka sa akin kapag may nangyari sa kapatid ko."

Agad nang umalis si John.

Kailangan kong mahanap si Yumi.

===========

Uno:

pagdating ko sa tambayan ay nadatnan ko ang lahat na naglalaro ng poker.

Napakaunsual na lahat sila magkakasamang naglalaro.

Ano kayang nakain ng mga to.

Nakisali na ako sa kanila at naupo.

Pero teka parang kulang.

"asan si John at Cisco?"

"hinahanap si Yumi" Caleb

"Yumi? Anong meron?"

"LQ kagabi sila Ni Cisco"

"Hmmm..oo nga pala Benj"

"Oh bakit boss?" Benj

"Yung pinapagawa ko?"

"nasa mesa mo."

Pagtingin ko sa mesa ay may brown enveloope na nakapatong.

Iniwan ko muna sila at kinuha yung envelope.

Napalunok ako ng makita ko ang nasa loob.

3 weeks

.......

3 weeks na lang ang meron ako para ayusin ang lahat.

Eri..

======================

Cisco:

Nagsisimula nanamang dumilim at hindi ko parin mahanap si Yumi.

Saan ba puedeng pumunta yung babaeng yun.

Teka.

Hindi kaya..

Inikot ko na yung motor ko at pumunta sa lugar na yun.

Pagdating ko dun ay hindi nga ako nagkakamali.

Nakaupo si Yumi sa isang sulok.

Agad akong bumaba ng motor ko at naglakad papalapit sa kanya.

Ilang hakbang pa ang pagitan namin nang bigla akong tignan ni Yumi.

Mr. Perfect Gangster: The Return (Editing) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon