LDR *1

1 0 0
                                    

"I'm letting you go nicolle but it doesn't mean Im giving up".Nandito kami ngayon ni acky sa terminal aalis na kasi sya pupunta sya sa baguio. 

"Nicolle this is my way of saying how much iloveyou"He added. hindi parin ako nagsasalita kahit gusto kong sabihin lahat ng nararamdaman ko. nasasaktan ako at patuloy akong masasaktan dahil aalis na siya sa tabi ko. wala naman akong magagawa para pigilan ko siya, siguro nga dito na lang kami. hindi na kami magkikita! "Now i want to break up" naiiyak kong sabi sa kanya habang yakap siya.

"Hindi tayo magbe-break! mahal natin ang isa't isa diba? aalis lang ako para sa trabaho ko at para makatulong ako sa pamilya ko. hindi ako aalis para iwan ka, akala ko ba naman maiintindihan mo ako?"

"babalik kapa ba?" tanong ko sa kanya habang yakap ko parin siya. kung pwede lang pahintuin ang oras nagawa ko na e, kaso tao lang ako,

"Oo naman babalik ako para sa pamilya ko. At lalong lalo na para sayo, Sige na sasakay na ako sa sa bus. baka maabutan kapa ng gabi ayokong may mangyaring masama sa future wife ko," natatawa niyang sabi sa akin. nagpaalam na kami sa isat isa, hanggang yakap lang muna kami dahil sabi ko sa kanya ibibigay ko lang yung kiss kapag mag-asawa na kami. tumayo na ako para makapaglakad kaso biglang may yumakap sa likod ko kaya napa hinto ako sa paglalakad at humarap kay acky."May kailangan ka paba?" tanong ko sa kanya. "mami-miss kita" naiiyak nyang saad sa akin.

"Boss! Aalis na po" sigaw nung driver ng bus. tinanggal ko na ang kamay ko sa pagkakayap sa kanya. at hanggang sa tuluyan ng umalis ang bus sa harapan ko at sumakay na ako ng jeep para makauwi.

"para manong" tamlay kong sabi sa driver ng jeep. bumaba na ako ng jeep at pumasok sa loob ng bahay, dumiretso ako sa loob ng kwarto at umiyak. masakit sa pakiramdam kapag nalayo ang isang taong pinakamamahal mo. hindi ko alam nakatulog na pala ako sa pagi-iyak.

*kinabukasan*

nagising ako ng 7am tinignan ko yung cellphone ko kung may text ni acky. At hindi ako nagkamali nag tx nga siya."Hoy! babaeng maganda at nagi-isang babae na minahal ko at mamahalin ko. nandito na ako sa baguio kamusta kana? miss na kita, kumain kana ba? lagi kang magiingat ha?" Yung nararamdaman ko habang binabasa yung text nya. Malungkot na masaya, malungkot ako kasi matagal ko pa sya bago makita at masaya ako kasi nakarating siya ng maayos at ligtas sa tinahak niyang landas.

"Ok lang ako. ikaw ang mag-ingat diyan! basta yung promise natin ha? sige babay na magpahinga kana muna.iloveyou:-*" *message sent*

pumunta na ako ng kitchen para kumain. "Umuwi po ba si mommy?" tanong ko duon sa kasambahay namin. "Hindi eh" sagot nung kasambahay sa akin. kumuha na ako ng plato at nagsimulang kumain.

LDR *1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon