Chapter 3

1M 10.6K 859
                                    


Tama nga ang Newton's third law noong highschool ako. "In every action there is an equivalent and balance reaction." Things weren't doing great the past few days. My parents immediately packed up their things, iyong iba naman ibinenta para pangdagdag sa mga kailangan nila sa probinsya. Kailangan din ibenta itong bahay dahil wala nanaman titira. Kaya kahit ayoko itong iwan, wala akong magagawa. It would never be the same without them. Malulungkot lang ako lalo.

"Ingatan mo sarili mo, anak ha," bilin ni daddy. "Kapag may problema ka, h'wag kang magdadalawang-isip tumawag saakin, okay?"

Niyakap ko siya at idinantay ang ulo sa dibdib niya. "Pwede ba ako tumawag kapag hindi ko kaya magluto, Daddy?"

Tumawa siya, halatang pinipigilan ang luha. "Pwdeng-pwede, anak." Niyakap niya ako ng mahigpit. "Mami-miss kita ng sobra."

Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Since birth ata, si Daddy iyong laging nakasuporta sa lahat ng ginagawa ko. Kahit lumaki kaming spoiled ni Anya sakanya, never niya ipinaranas ang hirap saamin magkapatid.

I sighed. It sucked to start from scratch again but I'd no choice, this was my reaility now.

"Papadala ko agad ang unang sahod ko para mabawas-bawasan ang utang niyo," sabi ko.

"Hindi na, anak. Kaya ko na ito. Kapag nabenta ko na iyong business natin, mababayaran ko na iyong mga pinagkakautangan ko."

Marahang tinapik ni Mama si Daddy sa balikat. "Nako, Romy. She should. It will help us. H'wag kana ma-pride dyan."

"It's not her responsibility, Joy," aniya ni Daddy.

"It is now," sabat ko bago pa sila mag-away nanaman. "Responsibilidad ko kayo. Para naman makabawi ako."

Humingang-malalim si Daddy. "Basta kumain ka on time, okay?"

I hugged them both for the last time. Life was so much easier having them around. Too bad, I became an adult. Kailangan ko na makabawi sa mga nagawa nila saakin.

"Hindi paba tayo aalis?" reklamo ni Anya sa loob ng sasakyan.

"Hindi mo ba ako mami-miss?" tanong ko sakanya.

"Hindi. Bakit kita mami-miss?"

Hinila ko ang buhok niya mula sa bintana ng sasakyan. Panay ang sigaw ni Anya, nginisan ko lang siya habang nagpapaalam na ulit sa mga magulang namin. Kumurap lang ang mata ko, pagkatingin ko wala na sila sa harapan ko. I was left alone infront of our house, watching our car moving far away from me. Parang nanghihina ang mga tuhod ko at hindi alam kung paano magsisimula. How to survive living alone? Wala kasing nagturo saakin. Pero parte naman ito ng buhay, hindi ba? You had to figure out everything on your own, too bad I wasn't ready.

Monday came, I was excited and nervous at the same time. Nahirapan talaga ako sa pagtulog dahil nalulungkot talaga ako sa pag-alis ng mga magulang ko. Dumadagdag pa iyong pag-iisip ko kung ano itsura ng workplace ko at mga magiging katrabaho ko.

Of course, kasama rin si Zach doon... Thinking of him, made my stomach flutter. Napatawad na niya kaya ako?

Inagahan ko ang pag-alis sa bahay, ayoko rin kasing ma-late. Iwas bad record nadin. Pero laking gulat ko nang makita ko kung gaano kahaba ang pila sa MRT.

"Shit," mura ko sa sarili. "Ayokong ma-late sa frist day ko!"

Tumakbo ako palabas at naisipan nalang mag-taxi. Kahit papaano naman gumagalaw iyong daloy pero nang makarating kami sa Guadalupe hindi na halos umaandar iyong sasakyan. Shit naman. Pagkatingin ko sa orasan 30 minutes nalang pala mage-eight na! Binayaran ko ang taxi driver at bumaba. Sinubukan ko mag-book online ng motorcycle pero ilan minute na puro fully booked sila.

Arranged Marriage To My Boss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon