KAIRA'S P.O.V
Napatayo kaming apat dahil sa nangyari. Agad kaming napatakbo sa labas ng HS FOOD COURT. Faculty room ang tawag namin pero actually ito ay isang maliit na building kung saan nandoon ang lahat ng teachers ng HS & Elementary.
Habang tumatakbo ang karamihan ng studyante ay napatingin ako sa rooftop ng kabilang building. Parang pigura ng isang tao. Hindi ko maaninag kung sino siya kung lalaki ba o babae dahil sa sikat ng araw pero siguradong akong nakatanaw siya sa aming mga studyanteng nagtatakbuhan papuntang Faculty Building. Hindi ko alam pero bigla nalang basta gumalaw ang mga paa ko at tumakbo papuntang building namin. Hindi na ako nakapagpaalam kina Ariana dahil nadala na sila sa flow ng tao.
Agad akong umakyat patungong rooftop. Sh*t bakit masama ang kutob ko sa taong 'yon. Feeling ko may masama siyang balak. Nagiging paranoid na ako. Malapit na ko sa pinto ng rooftop nang makarinig ako ng taong naglalakad palabas ng rooftop, sh*t anong gagawin ko?
Bigla akong nanghina ng may naramdaman akong panyo na tinakip sa bibig ko at at hinila ako papasok sa isang silid. Parang tumigil ang pagtibok ng puso, mamatay na ba ako?
Nakapikit parin ako pero wala akong naramdamang may tumusok na kahit ano man sa akin o baril na tumama, pero hindi parin nawala ang panyo. Napadilat ako, saka ko nalamang nandito ako ngayon sa Stock Room. Gusto kong magpumiglas kasi wala namang ginagawa ang taong humila sa akin dito, pero nakarinig ako ng pagsara ng pinto ng rooftop at bigla tumakbo ang nagsara nito. Sino kaya 'yon?
Tinanggal na noong humila sa akin ang panyong tinakip niya sa akin, kaya humarap agad ako sa kanya.
"I-ikaw?" Tinago niya ang panyo sa bulsa niya at tumango. Mahina lang ang pagkakasabi ko non.
"Tara na!'' bigla na naman niya akong hinila palabas at tumakbo, hindi ko alam kung saan kami papunta. Hilig niya ba ang panghihila?
"Saan tayo pupunta?"
Hindi ito sumagot, sa halip ay tinignan niya ang relo niya at mas binilisan pa ang pagtakbo. Nababaliw na ba ang lalaking to'?
Huminto na kami, hindi ko namalayang nakababa na kami, at nandito kami ngayon sa gilid ng building, napatingin kami sa gilid dahil biglang dumami ang tao sa harap ng building na kinatatayuan namin, dinig ko rin ang tunog ng fire truck.
"Anong ginagawa mo doon?"
"Hindi pa dapat ay magpasalamat ka sa akin dahil tinulungan kita?'' Aba! Ok rin 'tong lalaking to!
"Mister! Alam mo, hindi ko naman hiningi na tulungan mo ako, at saka bakit mo naman ako tinulungan?" Napansin kong nainis siya sa sinabi ko."Tsss -,- Anong ginagawa mo pala doon?" Tanong ko, hindi ko na siya hinintay sumagot , baka ano pang sabihin niya.
"Diba, ako dapat ang magtanong sa'yo?" Aba! Nakakarami na siya.
"Excuse me, pero ikaw 'tong nanghila bigla sa akin. Nacurious ako sa taong nakita ko mula sa baba kanina. So, tumakbo ako papunta doon sa rooftop."
"Pareho lang pala tayo, pero hindi ka dapat sumugod bigla, lalo't babae ka at mag-isa ka lang, nasisiraan ka na ba?''
Nakarinig kami ng ambulansya kaya napatakbo kami sa harap ng building at nagulat ako sa nakita ko, si Cheska, duguan ang kanyang ulo. Na halatang bumagsak ito. Napatingin ako sa rooftop.
Naalala niyo siya 'yong tatlong-BFF na nag-uusap kanina? Isa siya doon.
Nakadilat pa ang dalawa niyang mata na halatang nagulat o natakot. Anong nangyayari? Una si Melody pagkatapos siya?
BINABASA MO ANG
Hidden Agendas
Mystery / Thriller''It's funny how sometimes the people you'd take a bullet for, are the ones behind the trigger." Minsan may nagsabi sa akin kung bakit ang mga tao ay mas takot mamatay kaysa masaktan. Nakakapagtaka lang kung bakit mas takot ang mga taong mamatay. M...