Kaira's P.O.V
Gusto ko pang mahiga sa kama ko pero nagulat ako ng biglang my yumugyog sa akin. Sh*t here we go again.
"Besshieeeeeee! Gising kanaaaaaaaaaa! Malalate na tayo sige kaaaaaaaaa!" sigaw niya, idinilat ko ang mga mata ko pero nakayakap parin ako sa unan ko. Psssh -,- Ang ingay!
"Wag kang o.a okay? Maaga pa kaya,"
"E naman! Dalian mo. Maligo kana," Lumabas na si Ajashta ng kwarto namin. Hays-,-
Wait nagpakilala naba ako? Mukhang hindi pa. Ako nga pala si Kaira Rei Ramos. A senior HS student. Nakatira kami ngayon sa isang apartment medyo malapit sa University.
Kami? Dahil 3 kaming magpipinsang nakatira dito. Actually madadagdagan pa nga kami ng 2. Sabi noong may-ari. Psssh -,- Whatever.
Sa aming 3 si Ariana Gran Mendez 'yong tipo ng babae na hindi mo pwedeng kalabanin. Para ka kasing nakikipagtalastasan sa isang abogado. At pang-fliptop battle ang peg niya. Kaya No.No.NOOO!
Ang isa naman ay si Ajashta Jean Alvarez. Siya naman ang pang-beauty queen ang peg. Maganda, matalino at talented. Nasa kanya na ang lahat. Pero ewan ko wala parin siya boyfriend. Hmmm? 'Di kaya tomboy siya? Ops! I need to take a bath na pala. Ciao!
Kendall's P.O.V
Hai. Ako nga pala si Kendall Nicole Bautista Papunta na kami ngayon ni Quir Isha Nepomuceno pinsan ko sa apartment naka-uniform narin kami kanina pa nga kami bumabyahe, para pagkatapos naming ilagay ang mga gamit doon at didiretso na kami sa school. Medyo kinakabahan na rin ako kasi first day namin sa bagong skwelahan na 'yon. Alam niyo 'yong feeling na may masamang mangyayari? 'Yon ang nararamdaman ko ngayon. *hingang malalim*
"Kendall, okay ka lang? Namumutla ka? Kumain naman tayo kanina, ng agahan, ah!"
"Okay lang, kinakabahan lang ako. Ba't ba kasi tayo lumipat ng school. Nakakainis!"
"Ok lang yan masasanay rin tayo, Oh nandito na pala tayo."
Napatingin ako sa labas. Nandito na kami sa harap ng isang magandang apartment. Umalis daw ang may-ari, sabi lang niya pwede na daw pumasok pag dumating na kami, alam na naman daw ng nakatira na dito na paparating kami. Tatlo raw sila, sana magkasundo kami. Yung isang part ng apartment ay, ang nakatira ay mag-asawa at dalawang anak, sabi ng may-ari, kamag-anak niya raw ito.
Binuksan na niya ang pinto. Grabe ang linis ng apartment, two storey lang siya pero ang ganda. Inilagay nalang namin sa baba ang maleta namin at nagpagdesisyonang umalis na. Baka late na kami.
Ajashta's P.O.V
Kararating lang naming dito sa school. Akala pa naman naming maabutan namin yung bago naming kasama sa bahay. Baka bukas pa sila dadating? Hmmm..
Mas pinili naming ang mabuhay na normal sa school. 'Yong hindi masydong sikat. Para mapanatiling tahimik ang identity naming 3.
Hinawakan ko ng mahigpit ang bag na dala namin, may nararamdaman kasi kaming hindi magandang mangyayari.
Pag pasok namin sa Star Section, napalibot ang tingin ko sa mga kaklase namin, hindi pamilyar ang mukha ng iba. Siguro lahat sila ay galing sa ibang section noong Grade 11 pa lang kami. Mas lalo tuloy akong kinabahan. Ba't ba ganito ang nararamdaman ko? Umupo kami sa may likurang bahagi. Isa-isa naming kinuha ang gadget namin. Napatingin ako sa kanila. Dating gawi, si Kaira makikinig ng music at si Ariana naman nagche-check sa lahat ng social media account niya at ako? Well, Let me take a selfie *click*!
BINABASA MO ANG
Hidden Agendas
Mystery / Thriller''It's funny how sometimes the people you'd take a bullet for, are the ones behind the trigger." Minsan may nagsabi sa akin kung bakit ang mga tao ay mas takot mamatay kaysa masaktan. Nakakapagtaka lang kung bakit mas takot ang mga taong mamatay. M...