AJASHTA'S P.O.V
Mga limang minuto kung tinitigan ang screen ng laptop ko, hindi kasi ma-absorb ng utak ko ang nabasa ko ngayon sa website ng school namin.
"Okay ka lang?" Tanong ni Ariana. Umiling ako kaya lumapit siya na may halong pagtataka. Umupo siya sa tabi ko.
Nasa kwarto nga pala kami ngayon.
Napanganga rin siya.
"Gals, lapit nga kayo dito," kaya lumapit na rin sina Kaira, Kendall & Quir.
BREAKING NEWS:
'PRINCE SALVADOR NATAGPUANG PATAY SA ISANG PARK NG SIKAT NA SUBDIVISION'
Maraming nag-comment. May nilagay pang description kung paano siya pinatay.
"Di na ito, joke. Tatlo na ang namatay, totohanan na talaga." Sabi ni Kendall. Totohanan na nga talaga.
"Kai, gagawa na ba tayo ng paraan?" Tanong ko kay Kaira.
"No, hindi. Hanggang sa maari hindi tayo gagawa ng kahit anong hakbang," tumango nalang ako. Hindi pa pala alam nina Quir & Kendall. Nakalimutan namin sabihin noong vow of silence. Kasi akala namin hindi na namin, gagamitin.
Hindi ito biro pero na-eexcite ako.
Kadadating lang namin sa classroom pero ang ingay na dahil sa pagkamatay ni Prince. Ng makaupo kami ay nagulat nalang kami nang bigla may nagbukas ng pinto at may babaeng halos halikan na ang sahig, naka-sobsob na siya dahil may sumipa dito. Kasunod na pumasok sina Danielle & Jessica na nakangisi pa.
Unti-unting tumayo 'yong nasubsub sa floor ng classroom namin. Gusot-gusot na ang uniform nito at magulo ang buhok. Agad niyang isinuot ang glasses niya.
Si Faye ang nerd ng klase.
"Sorry po Ms.Danielle & Ms.Jessica hindi ko po nagawa ang essay, patawarin niyo po ako," yumuko pa ito. Napatingin sandali ang mga kaklase namin, tapos binaling na nila muli ang kanilang atensyon sa kanya-kanyang ginagawa.
Sanay na ang mga kaklase namin kina Danielle & Jessica, bully sila. Pero ewan ko kung bakit kay Faye sila mas nagfofocus.
Napatingin sa akin sina Quir & Kendall.
"Sino 'yong dalawang girl na bully? Kilala ko na 'yong nerd kasi siya 'yong kasama mo na nagtopscore kahapon," tanong ni Quir.
"Sina Danielle & Jessica." Sagot ko.
"Kawawa naman siya," sabi ni Kendall at umiling-iling pa. At binaling ulit ang tingin sa harapan.
BINABASA MO ANG
Hidden Agendas
Mistério / Suspense''It's funny how sometimes the people you'd take a bullet for, are the ones behind the trigger." Minsan may nagsabi sa akin kung bakit ang mga tao ay mas takot mamatay kaysa masaktan. Nakakapagtaka lang kung bakit mas takot ang mga taong mamatay. M...