Monthsary

32 0 0
                                    

Jasper Krish

First monthsary namin ngayon ni Pat. Ewan pero parang wala akong nararamdaman sa kanya. Bakit ko niligawan? Eh kasi nahuhulog na ang loob ko kay Gela. Natatakot akong baka hindi niya ako mahalin pabalik. Oo ang sama ko kasi nanggamit ako ng iba para mapigilan tong nararamdaman ko. Eh kasi mahirap maging one-sided love. Kay Gela kasi komportable ako. Kay Gela kasi naeexperience ko ang pagmamahal na hindi nabigay ng ate ko at siya ang nagparealize saakin na, hindi lang ako ang naiwanan. Nung una Bestfriend lang talaga ang turing ko sakanya. Pero habang tumatagal mas lalo akong napapalapit at naiinlove sa kanya. Pero Isang buwan na niya ako hindi pinapansin simula nung naging kami ni Pat. Eh kasi nawala ung phone ko kaya hindi ko man lang mabalita sa kanya na kami na. Kakabili ko lang ng phone ko nung isang linggo. Hindi ko rin memorize number niya kaya gusto ko sanang hingiin pero hindi niya ako talaga pinapansin. Ang hirap ng ganito.

Nasa classroom na ako ngayon at nakita ko naman na kakapasok palang ni Gela kaya lalapitan ko na sana siya pero

"Happy Monthsary babe!" Sabi saakin ni Pat. Tinignan ko si Gela ang sama ng tingin saamin at ayun nagbasa nalang ng libro para hindi kami makita sa harap niya. "Babe anu hindi ka ba babati?" Natauhan ako ng pagkakataong iyon.

Babatiin ko kaya siya? Hindi ko alam. Anu gagawin ko? Tutunganga nalang ba?

"Anu babe? Hays. Heto gift ko oh maganda yan babe" sabi saakin ni Pat sabay abot ng isang regalo.

Ibinalik ko sa kanya yung regalo.
"Pat sorry." Na sambit ko nalang ang mga salitang yan.

"Bakit babe? Wala kang gift? Okay lang babe makakaan--"

"Hindi Pat, sorry. Wala talaga akong maramdaman sayo eh. Sorry" nasabi ko nalang ng nakayuko

"Sabihin mo hindi totoo yan! Andaming tao babe please ang daming nakakarinig. Sabihin mong mahal mo ako. Sabihin mong hindi ka bibitaw!" Umiling nalang ako. Sinampal niya ako. "Bakit ha?! Ano pagkukulang ko? Bakit kailangan mo akong pahiyain sa lahat ng tao?! Pinapalabas mo na ako pa ang magisang umibig? Babe sabihin mo minahal mo naman ako diba?" Sabi niya saakin habang nagmamakaawa.

"Pat sorry."

"Sorry?! Bakit dahil mas mahal mo ung bestfriend mo kaysa saakin? Oh c'mon that fucking girl? Sakanya pa? Di hamak mas maganda pa ako jan. babe konting respeto naman! Monthsary natin oh"

"Teka lang ha! Pero away natin toh bat mo dinadamay si Gela?! Oo mas maganda ka pero para sabihin ko siya ang buhay ko hindi ikaw dahil hindi kayo magkaparehas. Magkaibang makaiba kayo." Napikon ako sa sinabi niya.

Hinigit ko si Gela palabas at pinapasok ko siya sa kotse ko.

"Gelo bakit?" Sambit niya.

"Anung bakit?"

"Bakit mo nasabi yung mga yun?" Hindi ko alam kung anung sasabihin ko.

"Mahal kita." Tipid na sagot ko.

Natahimik siya sa sinabi ko. "Alam mo ba kung gaano kahirap ang mahiwalay sayo ng isang buwan? Sobrang hirap." Nasabi ko.

"Hindi lang naman kasi ikaw yung nahirapan eh"

"Huh?"

"Mahal din kasi kita. Noon pa lang"

Lahat ng lungkot sa loob ko ay sumaya. I expect that I'm the only one who love her I expect na one sided love ito. Pero hindi. Mahal niya rin ako. Ang saya ko. More than word can explain how I'm feeling right now. Tinigil ko ang kotse.

"Talaga?!"

"Hindi promise. Hindi" pamimilosopo niyang sabi. Napangiti ako ng sobra at hinawakan ko ang kamay niya.

"So tayo na?"

"Anong tayo na!? Kabrebreak niyo lang loko! At hoy laking dalagang pilipina ito tas di mo liligawan? Kung sapakin kaya kita?!" Beastmode na

"Haha opo liligawan at aantayin kita kasi mahal kita" sabi ko "kinilig ka naman? Haha"

"Kapal ng mukha mo! San ba tayo pupunta? Ang aga aga pa oh! May mga projects pa tayo eh"

"Kung saan tayo mapadpad. Magantay k lang" ngumiti siya

"I trust you Jasper Krishnan Alcantara" sabi niya at ngumiti ulit. Ang ganda niya. Naku po jan sa ngiting yan ako mas lalong nainlove eh. Oo nakakabading nga eh. Kinikilig ako sa ganun.

Sa haba ng byahe nakadating din kami sa pupuntahan namin. Nakatulog na siya. Hindi ko na ginising kasi baka maisturbo ko pa ung panaginip niyan sayang baka wala pa ako dun haha. Naglakad ako papunta sa harap ng kotse kung saan ang talagang pakay ko.

"Hi ate! Alam mo namimiss na kita! Langya ka kasi eh iiwan mo ko magisa dito? Si Bastyboy? Haha ayun nililigawan na si Claire yung bestfriend mo. Accept mo naman yun diba? Tapos si Papa heto may oras na lagi saamin si Mama naman parang may topak rin sa utak kagaya mo. Haha oo kagaya pala natin. Alam mo yung teddy bear mo na bigay ni Basty? Nginatngat ni Cuddlepagpasensyahan mo na nagmana talaga saatin eh"

"Sino siya?" Tanong niya.

"Gising ka na pala" nginitian ko siya. "Ah siya? Ate ko siya. Siya si ate Trinity. Hindi mo na ata nakilala eh kasi nawala na agad siya."

"By the way, Ate alam mo yung lagi kong kwenikwento? Siya yun. Siya yung bestfriend ko" tinignan ko si Gela at mukhang nadisappoint siya sa sinabi kong bestfriend haha "bestfriend ko na future girlfriend ko at magiging wifey ko" sabi ko ulit at nginitian si Gela at ganun din naman ang ginawa niya.

Umupo din siya sa tabi ko.

"Hello po! Opo ako po yung bestfriend ni Jk. Ate may topak din pala talaga sa utak itong kapatid mo noh? Tapos alam mo ate nagkakaraoke yan paggabi. Hindi niya nga kami pinapatulog eh diba kaasar? Tapos alam mo po ba na nanonood ako ng favorite tv show tapos ililipat niya bigla? Hindi ba kabastusan? Haha pero alam mo ate ang bait sobra netong kapatid mo. Alam mo ba nung naging close kami noon. Yung mga nangbubully saakin tatakutin niya? Palibhasa gwapo kapatid mo. Tapos alam mo ate nung gabing may pinanood kami eh saktong nakadress pa ako, natural malalamigan ka alam mo bang binigay niya saakin yung jacket niya kahit labag sa loob niya. Haha Alam mo ate hindi lang gentlemen tong kapatid mo. Sobrang makadiyos niya, saan ka pa noh? Wala ka na atang mahahanap pang iba dito sa kapatid mo eh." Sabi niya at naamaze nman daw ako sa dami ng sinabi niya, hidi lang kasi madami, may kwento rin.

"Grabe noh? Bakit close kayo? Andami dami mong paninirang sinabi" sambat ko "pero ang dami ring pagpupuri. Thank you!" Pabitin ko "I love you"

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

JUAN KARLOS LABAJO FANFICTION
@KarlosLabajo
@LabajoForever

Di ka man lang nagpaalam.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon