Not all ending is happy.

13 0 0
                                    

Jasper Krish

Antagal niya talaga grabe. Ang naisip ko sana pagdating niya dito nagigitara at kinakantahan ko siya. Andito na rin sila tita't tito. Alam nilang ngayon ko liligawan si Gela, napagpaalam ko na rin sakanila at pumayag naman sila.

"Tita!" Nabangga ni Tita ung vase namin.

"Hala sorry! Ako na magpupu-- aray" nasugatan pa si tita sa pagpulot niya nung mga nabasag na piece ng vase.

"Tita okay lang. Mom can you hand me the first aid kit?" At binigay naman agad saakin ni Mommy yung first aid kit. Habang ginagamot ko ang malaking sugat na natamo ni tita may nasabi naman siyang kinabahan ako.

"Hindi ba pag may nabasag may malas na mangyayare? Magbasag pa kayo ng isang babasagin ng hindi tayo malasin please yung anak ko" sabi ni tita.

"Kalma tita. Tiwala nothing bad happens to Gela"

"I know I'm trying" pati ako binalot ng kaba.

Anong oras na 6:00 na pero wala pa siya. Mas lalo akong kinabahan kasi gabi na. Nakailang tawag ako pero out of coverage area daw. Hindi ko alam ang gagawin ko kanina ko pa siya inaantay pero wala siya. Maya maya biglang nagring yung phone ni tita.

"Hello?" Sagot ni tita

Hindi ko marinig ang sinasabi pero may naramdaman na akong sobrang sakit ng maluha si tita.

"Sabihin niyong hindi totoo yan! Dammit!" Sigaw ni tita. Kalungkutan ang nadama ko.
Bakit ganun? Maayos na diba? Anu toh?! Niloko nila ako? Bakit ngayon pa! Inagaw ko ang phone kay tita.

"Hello sino toh? Sumagot ka!" Sigaw ko

"I'm a doctor sir and I am the one who manage Gela. I'm sorry sir but--"

"But what ha?!! Asan yung hospital na yan?! Asan?!?"

"Maybe you should go here and find out what happen. I can't judge if you even dont know and see the patient" sinabi niya kung saan yung ospital at pinatay niya yung telepono at simula nang tumulo ang mga nagpipigil kong luha.

"Maybe we should go and see her that she's fine. Right?" I tried to smile but I can't. Menaneho ko ang kotse ko kasama sila tito. Mabilis ang pagpaandar ko hanggang sa makarating kami sa hospital.

Akala ko sa emergency room kami papapuntahin pero hindi. Nakikita na namin siya. Pero ayaw kong lumapit anu toh iiwanan nanaman ako? Nakita ko ang dati kong sarili ng namatay si Ate sobra ang sakit na naramdaman ko. Hindi ko nga alam kung buhay pa ako nun oh hindi eh. Kapit na kapit parin ako sakanya.

"I'm sorry s--"

"I'm sorry?!? Sa tingin mo may magagawa yang sorry mo ha? Wala namang mangyayare diba?!? Anjan na siya hindi na humihinga! Bakit ha!? bakit!?"

"I'm sorry sir, we try our best but we failed" sabi ng doctor

Tumakbo ako at hindi ko alam kung saan na ako napadpad pero nakita ko siya
"Gela!" Tumatakbo siya ang bilis ng takbo niya "Gela teka lang please kausapin mo naman ako" napaupo nalang ako sa lupa. Maya maya may biglang tumabi saakin.

"Gela!" Yayakapin ko sana siya munit lumayo siya.

"Jk! Bestfriend! Ang gwapo mo pa rin talaga!"

"Bakit mo ko iiwan bestfriend?! Diba hindi mo pa ako sinasagot? Ang unfair mo naman bigla ka nalang mangiiwan eh" Lumabas lahat ng luha sa mata ko. Hindi ko alam pero kusa siyang lumalabas.

"Anu ba Jk wag kang umiyak hindi kita iiwan lagi naman akong nanjan (turo sa puso ko) diba?" Sabi niya sabay ngiti. Yung ngiting minahal ko. "Jk wag mo pababayaan sila mama ha? Sila kuya wag turuan mong maging goodboy katulad mo at Yung Ate mo nakita ko na ang ganda niya rin talaga" hindi ko alam pero wala akong masabi puro iyak ang nakuha kong gawin.

"Jasper Krish Alcantara I trust you and I love you. But I'm letting you go. Marami pang babae jan bestfriend kaya sana mapatawad mo ako sa pagiwan sayo. Mahal na mahal kita bestfriend tatandaan mo yan ha? Mahal na mahal kita"

"Jk sorry pero kailangan ko nang mauna. Tinatawag na ako ni Ate Trinity oh. Bye Jk I love you so much" muli niyang sambit. At napayuko nalang ako't umiyak iyak.

"Tengena mo namang tadhana ka!? Kinuha mo na si Ate diba?! Di ka ba nakuntento?! Mahal ko siya bakit mo siya kinuha! Bakit hindi ako nalang?! Sabihin mo ha, anu silbi ko kung wala na siya! Hindi mo na akong hinayaang maging masaya puta." Wala na akong nagawa kundi lumuha "mahal ko kasi siya eh. Mahal na mahal"

"Akala ko akin na siya akala ko siya na ang makakasama ko habang buhay akala ko hindi niya akong kayang iwan. Akala ko di na niya ako iiwan. Akala ko lahat ng narinig ko kanina panaginip lang. Lord gawin mo nalang panaginip toh. Hindi ko na talaga kaya. Masyado na akong nasasaktan bakit hindi nalang ako?"

Pumasok ako ng kotse. "Hindi ko siya kayang makita ng ganun" hindi ko kakayanin

~~~~~~~~~~~~~~~•~~~~~~~~~~~~~

6 years later.

"Bestfriend! Kamusta ka na jan? Magkasama ba kayo ni Ate? Namiss na kita bestfriend!" Nasa harap ako ng puntod niya ngayon.

"Alam mo ba hanggang ngayon hindi ko pa binubuksan tong regalo mo saakin? Eh paano kasi ang sakit eh." Humiga ako sa tabi ng puntod niya "Pwede ko na bang buksan? Bubuksan ko ngayon para makita mo, pero promise mo hindi mo ako papaiyakin dito ha? Nakakabading na eh"

Binuksan ko ang box nung blue magic at alam kong stuff toy ang laman nun alam niyo kung bakit alam ko? Common sense guys blue magic syempre stuff toy noh. Pagbukas ko nakakita ako ng baboy na may nakalagay sa leeg niya na 'I love you Bestfriend'

"Wow bestfriend mahal na mahal mo talaga ako noh? Denifined mo pang baboy tayo Haha patay na patay ka talaga saakin bestfriend hahaha" Iloloob ko na sana ulit yung baboy na stuff toy nang may makita akong card. Kinuha ko ito at sinimulan kong buksan.

{Hi bestfriend kong panget pero gwapo hays ewan
Alam kong alam mong gwapo ka, galing mong kumanta, galing mong maggitara, Heartrob at patay na patay saakin pero sorry *insert alam kong walang relate* kasi hindi ako maaga ha? Hindi ko nga alam kong makakapunta pa ako jan kasi gabi na. Binili ko pala yung baboy na yun para sayo kasi naisip ko na baka nagtatampo ka na saakin. Alam mo naman na ayaw ko na ng ganun diba? Ang hirap kayang hindi ka pansinin. Atsaka baboy talaga ang naiisip kong ibigay kasi patay gutom ka haha at same as me kaya baboy para lagi mo akong maaalala. Bestfriend thank you gift ko na rin toh ha? Thank you for loving me back, thank you for making me part of your life and thank you for always there to make me happy. Hindi lang ata yan ang nagawa mo para saakin eh andami at hindi ko mabilang. Parang mga bituin sa langit, okay sorry corny uwe haha bestfriend anu mang mangyare nandito lang tayo sa isa't isa ha? Kung may mangiwan sapakan na lang oh. Tandaan mo akong mahal mo wag kang titingin sa iba kasi mahal kita (wala ulit relate) basta un. Bestfriend no matter what I love you so much, and no one can break us. And maybe someday tayo rin ang magkatuluyan Jk para ngang bagay saakin apelyido mo eh Angelica Mae F. Alcantara. Oh diba omg landi ko na hahaha so yun. I love you once more.

P.S Ang poor poor ko tapos yang gift mo grabe -.- minsan lang ako gumastos ng ganyan kaya pasalamat ka mahal kita. So ilang events kita hindi reregaluhan dahil nga masama parin loob ko kasi mahal regalo mo. Huhu kdot lol. Iloveyou!}

"Anu ba sabi ko sayo Gela ha?! Sabi ko wag mo akong papaiyakin?! Alam mo bang nakakabading kadiri kaya grabe. Hays hindi na lahat ng sinulat mo Gela magagawa pa natin eh. Mapapatawad ko naman talaga yung pagkalate mo eh siraulo ka lang kasi patay na patay ka talaga saakin nakailang I love you ka oh. Oo first and last gift mo nga toh saakin eh. I really appreciate I promise. 6 years passed but still inlove with you bestfriend bakit? Oo walang iwanan noh? Magpakita ka para masapak kita asap. I'll never forget everything we had Angelica Mae F Alcantara. I love you and I'll be forever waiting for you"

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
A/N oh end of the story na anu ngay? Haha share your opinions and kung nagustuhan niyo po libre lang naman magvote sulitin niyo na. Actually ako naiyak sa chapter na toh eh kayo ngay? Hahaha lol kdot.

Juan Karlos Labajo Fanfiction
@KarlosLabajo
@LabajoForever

Di ka man lang nagpaalam.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon