una at huli

4 0 0
                                    

Habang tinatahak ko ang pasilyong ito papunta sa Opis ni Ma'am Tod iniisip ko kung may patutunguhan ba ito. Minsan meron minsan wala parang normal lang. napansin ko

lang sobrang taas ng bawat baitang ng hagdan. Parang sya sa sobrang lutang ko sa nararamdaman ko sa kanya hindi ko na napapansin yung mga nasa paligid ko. ganun na ba

talaga ako kalutang para hindi ito mapansin sa ilang taon ko dito sa paaralan. buti na lang talaga kumain ako ng tanghalian kundi baka di ko to maakyat. exag ba? wala

ganyan ako. kaya madalas nam-misinterpret ako. Parang sa crush ko akala merong sparks namisinterpret ko lang pala. kaya ayun nagpakatanga na naman ako. parang nung

minsan sa sobrang kakatitig at kakatanga sa kanya eh nadapa ako...ayun bagsak sa floor. sinong sumalo? edi yung floor. Ito lang naman talaga yung handa kang saluhin

anytime. Naaninag ko na yung huling baitang...malapit na. Sana ganun din sa pagm-move on ko sa kanya..sana maaninag ko na yung huling baitang para makalaya na ako.

Kumatok ako gaya ng nakasanayan. pagpasok ko nanuot sa ilong ko ang pabango nya. nakaupo lamang sya gilid tila may inaantay, nakakunot ang noo. Naglulumikot ang mga

daliri nya sa kakapindot. Pagtapak ko sa silid ay syang pagangat ng ulo nya. isang mabilis na sulyap lang at binalik nya ang atensyon nya sa kanyang cellphone. Naalala

ko bigla noong kausap ko pa si crush noon mabilis lang kung magbigay sya ng atensyon at ibabaling din nya ito kagaad sa iba. pero ayos lang. saktong ngumiti ako ay

nakapokus na sya sa kanyang cellphone. dumiretso ako dun sa upuan na nasa harap nya. tahimik lang si Ma'am tod na nagbabasa. di na nya ako tinanong kung anong

kailangan ko dahil nasanay na sya sa presensya ko sa kanyang silid kada tanghalian. Subalit naisip ko sa sobrang sanay natin na ganun sya nakalimutan na nating

tanungin ang isang tao kung yun pa nga ba ang gusto nyang gawin o kailangan. Habang inaantay sya, naisipan ko mung kalikutin ang aking sariling cellphone. lumipas ang

sampung minuto ay wala pa ring nagsasalita, minsan ay kinakausap ni Ma'am Tod si Sir Levi. Hindi na siguro natiis ni Ma'am Tod; parang noon di ko na natiis at

nasasabi ko rin noong una pakiramdam ko malaya ako pero hindi mas lalo lang akong nakulong; kung kaya't tinanong nya kami kung di pa ba kami maguusap. Walang

nagsasalita ni isa sa amin. binaba nya ang kanyang cp kaya binaba ko na rin yung akin at nag-angat ng tingin. tinitigan ko sya sa mata pero sya hindi makatingin sa

akin. Hindi ko din alam kung bakit nandito na naman ko. Sabi ko ayaw ko muna syang makausap. Pero heto na naman ako kaharap sya...narinig ko ang mahinang tawa ni

Ma'am. May problema kami pero wala ni isa sa amin ang gustong pagusapan yun. Ako siguro ngayon kaya nandito ako. Ngunit mukhang wala syang balak maglabas ni isang

salita man lang. Naalala ko pa noon talagang hirap kami kapag kaming dalawa lang. kaya medyo nasanay na ako ngayon pero naasar pa rin ako. Tahimik pa rin ako kung dati

sa ganitong oras ay walang tigil ang bibig ko pero ngayon parang wala akong maisip sabihin. Dahil na rin siguro sa hiya ko kay Ma'am Tod. hindi ako sanay na ito ang

naoopen ko sa kanya. Parang kay crush lang hindi mo magawang makabuo ng matinong sentence kapag kaharap mo na sya naguunahan pa sa bilis ang tibok ng puso mo. Binalik

ko ang tingin ko sa kanya..tinitigan ko lang sya. Napakagwapo nya, yung mga mata nyang misteryoso, ilong na kay tangos, labing kay pula, kutis nyang mas maputi yata sa

akin, mukhang mas makinis pa sa akin at ang tangkad nyang pamatay kapag nagkakasama kami talaga naman nagmumukha akong unano. nakakainggit talaga sya konti na lang

magiging perpekto na sya. madalas ko syang binibiro na di kami bagay at may mas bagay sa kanyang iba pero ngingitian lang nya ako at sasabihan ng ang taba mo talaga.

kaya madalas uuwi syang puno ng kurot. isang bagay na kinaiinisan ko sa kanya ay yung pagngisi-ngisi nya para bang may ginawa syang kalokohan kagaya ngayon maya't maya

syang ngumingisi sa akin tas iiwas ng tingin. Minsan mas okay ng hindi ka nya titigan sa mata dahil madalas may mararamdaman kang kakaiba yung kakabahan ka bigla tas

sasabayan pa nya ng full smile. juicecolored. hindi ako nakatiis at inikutan ko sya ng mata...dahil don narinig ko syang tumawa ng mahina pero hindi dahil nadinig ko.

pinanlakihan ko lang sya ng mata pero alam ko walang epek dahil singkit ako at lalong sumisingkit sa kakahawak nya sabay hila sa opposite direction. tumikhim si Ma'am

tinanong kung may balak daw ba kaming magusap imbes na magsenyas lang. di ako sumagot at yumuko lang pero sya ay sumagot ng :Ma'am ang sunget nya po kasi eh paano

namin maaayos to haha. :ganun ako pa masunget Ma'am. :oo kaya Ma'am. :hephep tama na ano ba depenisyon mo ng maayos ha lalake?. :kung saan sya masaya Ma'am. :naku.

lumipas ang ilang minuto at naisipan kong humingi ng konting privacy kay Ma'am tod. natawa lang sya at sinabing yun lang naman hinihintay ko eh. paglabas ni Ma'am

tinanong ko na sya kung ayos na ba kami di sya sumagot ramdam kong ayus na kaso nagiinarte lang sya. dahil kanina pa sya ngisi ng ngisi eh ibig sabihin ayus na mood

nya. susme. ang gwapo pa rin nya maski na side view. naging maayos naman ang usapan namin kaya't saktong nagbell eh tapos na kami. ngayon alam ko na kung ano ang dapat

asahan. maski na di sinasadya may hinahanap ang mga mata ko sa mga kaklase kong nagdadaldalan. isa pang lingon baka makita ko na sya. pero wala kaya tinigil ko na

lang. at nakipagdaldalan na lang din kagaya ng nakagawian. nagulat na lamang ako ng may kumurot sa mga pisngi ko kaya napatili ako sa gulat. napatingin at tumahimik

tuloy silang lahat nakatingin sa amin. habang sya ay nakahawak pa rin sa pisngi ko. maya-maya puro ayiiiieee at nakakakilig naman ang narinig ko. pero ako hinihimas ko

yung pisngi kong panigurado ay namumula na. sinamaan ko sya ng tingin at sinabing lagi mo na lang akong sinasaktan. ohhh burn baby react nila. may nagsabi na hugot na naman si hugot queen. pero sa totoo lang hindi naman hugot yon although yung pananakit nya eh hindi naman sadya pero masakit pa rin eh. tanda ko pa noon kung paano natapos yun sa isang simpleng chat lang. iyak ako ng iyak noon. di ko alam kung bakit parang ang bigat ng dibdib ko. di ko malaman kung sinong kakausapin ko. kaya kapag nagkakausap kami ng personal hindi pwedeng walang bangayan. sa mga kaklase namen sweet daw pero sa akin bitterness na lang. ayaw ko na nagugulo lang puso ko kapag lumalapit sya kaya minsan iniiwasan ko na sya. pero di ko maiwasan na hanapin yung presensya minsan. hindi tama pero linalabanan ko. ayaw ko na. masyado ng masakit para umulit ako. ayaw ko ng umasa na naman. akala ko noong una may sparks kami ngayon pala ako lang ang nakaon ang kuryente yung sa kanya naman ay nakaoff. nakakaasar ka kupido ah minsan na nga lang ako mainlab sa taong di pa sure ang feelings...pero buti na lang andyan sya para saluhin ako eh ako kaya kaya ko syang saluhin?

                                                                                                                          ~maharot na President

****WAKAS****




RandomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon