Alam niyo yung pakiramdam na, ang sweet sweet niya sa'yo pero nalaman mo na lang na pinapaasa ka lang pala niya?
Kasi ako, sawang-sawa na ako diyan.
Eh yung pakiramdam na sobra yung pagtitiwala mo sa kaniya pero isang araw, niloko ka na lang niya bigla?
Kasi ako, naranasan ko na yan.
Eh yung pakiramdam na lahat nabigay mo na sa kaniya pero sa bandang huli, ginagag* ka lang pala?
Kasi ako, pagod na pagod na ako sa ganyan.
Kaya napagdesisyunan kong magbago. Magbago para pagsisihan niya lahat ng ginawa niyang katarantad*han. Lahat ng mga araw na pinagmukha niya akong t*nga. Lahat ng oras na pinaramdam niya sa aking mahal niya ako, ngunit hindi pala.
"Pagsisisihan mo ang lahat ng 'to, Jirou."
'Coz this is what you call..
Revenge, Love.