Chapter 2

29 0 0
                                    

Chapter 2

[new me]

Napagdesisyunan kong baguhin ang sarili ko nang makapaghiganti ako sa kanila. Sabihin niyo na ang lahat. Masama, hindi marunong magpatawad at walang awa. Pero bakit? Sabihin niyo nga, nagawa ba nilang maawa sa akin nung mga oras na pinagmukha nila akong tanga?

Sakto naman pagkatapos nung nangyari na yun, tumawag yung ate ko from States. Gusto niyang tumira muna ako dun for the whole summer para makapag-bonding naman kami since, namimiss niya na raw ako. Saka pumasok sa utak ko ang pagpapaganda.

My sister is way different from me, physically. I admire her because of having the looks as well as the brain! Saan ka pa, di ba? Pagkadating na pagkadating ko naman ng States, kinwento ko lahat ng nangyari sa akin and she said that she's willing to help me. 

Buong summer, puro pagpapaganda at pagbago lang sa sarili ko ang inisip ko. Wala ng ibang sumagi sa isip ko kung hindi ang paghihiganti. Hanggang sa isang araw pagkatingin ko sa salamin, wala na yung dating Abi.

*Present*

Napagalaman kong lumipat sila parehas ng school para umiwas sa gulo. Pero, akala lang nila makakaiwas sila sa gulo. Kasi ang hindi nila alam, ang gulo na ang bahalang maningil sa mga ginawa nila sa akin.

Pumasok ako sa bago naming school na nakataas ang noo. Ano pa nga bang dapat kong ikahiya sa itsura kong to? Well, I already have everything. 

except from lovelife.

Pero kung tutuusin, madali na lang para sa akin ang humanap niyan. But that's not my priority for now, I have my mission. At hindi ko hahayaan na ako pa ang matalo.

Tinignan ko na yung sections na nakapost sa bulletin board para tignan yung sa akin. At kung siniswerte ka nga naman! We're on the same section and different from her girlfriend na mang-aagaw. Pinapadali naman nila masyado itong misyon ko. 

Dumiretso na ako sa classroom namin at nahanap kaagad siya ng mata ko. Napa-evil smile naman ako bigla nung nakakita ako ng empty seat sa tabi niya. Mukhang in favor yata sa akin ang tadhana?

"Excuse me, meron na bang nakaupo dito?" I said while flashing my killer smile.

"Wala pa naman."

"Okay lang ba kung tumabi ako sayo?"

"Yeah, sure."

Dumating na rin yung adviser namin at nagsimula na siyang mag-discuss about sa rules and regulations ng school. Hindi naman ako nakikinig pati na rin yung katabi ko kasi naguusap lang kami tungkol sa kung ano-ano, hanggang sa dumating na sa love ang usapan.

"May girlfriend ka na ba?"

"Meron na eh. Sana inagahan mo yung dating." Sabi niya ng mahina sa huli na may halong disappointment yung mukha. 

Gusto ko sanang sabihin sa kaniya na, "Buti nga sayo, ngayon magsisi ka! G*go." Mukhang umpisa pa lang, mission accomplished na kaagad. Walang thrill. Pero hindi pa ako satisfied na pagsisihan niya lang ang lahat. Gusto ko, masaktan rin siya. Gusto ko madurog rin yung puso niya ng pinong-pino.

"Ha? Anong sabi mo?"

"Hindi, wala. Sabi ko, meron na akong girlfriend."

Tumahimik lang naman ako pagkatapos nun. Anong akala niya, hindi ko narinig? Tss. Akala lang niya yun, pero narinig ko. Rinig na rinig kong umpisa pa lang, gusto mo na ako.

After nung discussion ng adviser namin, pinag-recess na agad kami. Lumabas naman ako kaagad at sinundan siya. Hindi ko pa pala napapakilala ang bagong ako.

"Teka, Jirou!" Sabay hatak ko sa braso niya.

"Sorry, hindi pa pala ako nagpapakilala. Ako nga pala si Katey Gonzales." Sabay abot ko ng kamay ko.

"Alam mo, parang pamilyar yung sir name mo. Kaso hindi ko na maalala."

Hindi ko alam pero parang may kirot akong naramdaman. Nakakainis. Pati ba naman apelido ko, nakalimutan na niya. Okay lang kung yung first name ko, since hindi naman ako nagpapakilala as Katey. Pero bakit ko pa nga ba pinoproblema yun? Paghihiganti na lang naman ang pakay ko sa kaniya.

Paglingon ko, papalapit na pala si Tish. Si Tish na mang-aagaw ng boyfriend. Napansin ko rin na magkahawak pa rin yung mga kamay namin from the shake hands kanina. So, hinigpitan ko pa lalo.

"Oh, nandiyan na pala girlfriend mo."

Pagkadating na pagkadating ni Tish sa tabi namin, biglang hinatak ni Jirou yung kamay niya mula sa shake hands namin. Napansin ko naman na biglang tumaas ang kilay nitong si Tish. 

"Who is she?" Mapapansin mo naman sa tono ng pananalita niya yung pagkaasar.

"Seatmate ko siya sa classroom."

"Oh, does she know na may girlfriend ka na?" Tumingin naman siya sa akin.

"In case you don't know, Miss. He's mine, so stay away from my boyfriend."

Bigla namang hinatak ni Tish sa leeg si Jirou then she kissed him on the lips. Punyemas, di man lang alam ang salitang privacy. Palibhasa, puro kalandian lang ang alam! Tngna, pero bakit ganun? Ramdam ko na naman yung naramdaman ko nung mga oras na yun..

Napatakbo ako bigla at dinala na lang ako ng mga paa ko sa rooftop. Napansin ko rin na isa-isang nagsilabasan yung mga patak ng luha ko. Bakit nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon? 

"G*go, tngna mo! Hayup ka! *sobs* Hindi ko alam kung bakit *sobs* kung.. bakit pa rin ako nasasaktan hanggang ngayon. Pero isa lang ang alam ko, wa.. *sobs* wala kang kwenta! Tandaan mo to, wala kang *sobs* ka-karapatang paiyakin ang isang Katey Abigail Gonzales. Wala! Go to hell! Mamatay ka na!"

Napatigil ako sa pag-eemote ko pati na rin sa pag-iyak ko nung may biglang nagsalita.

"Napakaingay mo naman."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 13, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Revenge, Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon