Rian's POV
Kating-kati na akong umuwi kanina pa. Ang sakit na ng puwet ko sa kahihintay dito sa park. Usapan kasi namin ng mga ka- group mates ko na dito na magkita-kita since ito lang naman ang tanging accessible spot na puwede kaming gumawa ng project. Mahal pumunta sa mga café at hindi kami mga rich kids.
Linggo ngayon at malapit lang sa simbahan ang park kaya naman kitang-kita ko ang mga taong nagdadagsaan pauwi. Paniguradong sa palengke ang punta ng iba. May dala kasing nagsisilakihang basket ang karamihan sa mga babaeng hanggang paa na ang haba nang suot na palda.
Well, dito sa amin, conservative ang mga tao kaya halos pagtinginan na ako ng mga tsismosang ale na napapadaan malapit sa aking kinaroroonan. Dinig ko ang mga bulungan. If I know inggit lang sila sa kaseksihan ko. I'm just wearing a simple white dress showing my curves kaya hindi na ako nagtaka na marami sa mga lalaking napapadaan ang napatitig sa akin. Naiilang ako doon kasi hindi naman ako nagbibihis nang ganito. Ngayon lang kasi birthday ng bestfriend kong bakla at ultimate wish niyang ayusan ako. Birthday niya today pero parang ako pa yata ang nagmumukhang celebrant. I'm just sixteen pero dahil yata sa genes ng ama kong Italyano kaya parang nagmumukha akong mature pa kaysa sa tunay kong edad. Ebidensya nito ang height ko na namana ko rin sa kanya. Medyo may kalakihan rin ang hinaharap ko kompara sa ibang mga teenagers na ka-edad ko.
Naramdaman kong may nakatitig sa akin kaya naman napalingon ako sa kanan at tama nga ako. May nakatitig nga. Pero hindi lang simpleng titig kundi parang kakainin na ako nang buhay. Ngayon ko lang pinagsisihan na isinuot ko itong dress na nagpa-emphasize pang lalo sa cleavage ko. Ngiting-asong tinignan niya ang mukha ko nang saglit at agad ring itinuon sa aking dibdib.
Grrr... Ang sarap talaga sabunutan ng manyak na iyon. Nagmamadali akong lumakad. At sa kasamaang palad nadapa ako. Shit! Bakit ngayon pa ako naging ganito kalampa. Puwede naman sa ibang araw na lang basta huwag na ngayon. Hindi ko masisikmurang lantarang makikita ang pagnasaan ka ng isang lalaking wala na yatang ibang inisip kundi sex! I'm talking about Nigel Parks. He's one hell of a monster.
Kahit masakit ang paa ko kinaya ko paring tumayo. Pero maagap siya dahil bigla niyang inialalay ang mga braso niya sa beywang ko para hindi ako matumba.
"Don't try to avoid me sweetie. Baka mamaya ikaw naman ang maghahabol sa akin." Agad ko siyang sinamaan nang tingin. If looks could really kill.
I can't deny na he's freaking gorgeous but wala talaga siyang effect sa akin. Maybe para sa iba kapag ngitian ka lang ng isang Nigel Parks napakasuwerte mo na, iyong tipong parang malalaglag na ang panty mo sa sobrang kilig.
"If I like you sana hinabol na kita at nagpakita nang motive but then hindi ko iyon ginawa. You know me, if I really like somebody I would definitely shout my heart out. And please don't touch my butt," asik ko sa kanya nang maramdaman ko ang isa niyang kamay. Isang public place ang kinaroroonan namin for Pete's sake! Wala talagang alam na delikadesa ang lalaking ito. I can feel people's stare. And I know iniisip na nila kung nakuha na ba ako ni Nigel. What would they expect? He is a well-known womanizer in town. I don't meddle with somebody else' affair kaya hindi ko rin gusto kung pinakikialaman ako ng ibang tao.
"Someday you will beg for my presence." Nangilabot ako doon sa sinabi niya. Seryosong-seryo ang boses niya. At mas lalo pa akong nangilabot nang ipinakita niya sa akin ang kanyang signature smirk.
Akala ko mag-wawalk-out siya nang maramdaman kong lumuwag ang pagkakahawak niya sa beywang ko, pero mali ako dahil pilit niya akong hinila para maisakay sa kanyang kotse. Nagpumiglas ako pero patuloy pa rin siya sa pagkaladkad sa akin.
"Ss-saan ba tayo pupunta?" Bakit ba ako nauutal? Kasalukuyan niyang inaayos ang seat belt ko. Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Iba kasi siya kung mag-isip.
I can smell his musk scent brushing my nostrils. Why does he smells so good? Hindi ko mapigilang ipikit ang aking mga mata. He is literally driving me crazy! No wonder women voluntarily present themselves to him.
××××××××××××××××××××××××××××××××
Sana naman may makabasa nito. It is fulfilling to know na kahit papaano mayroong readers ang pinaghihirapan kong story. :-)
BINABASA MO ANG
Inevitable Temptation
RomansaHe is chasing her. She do nothing but to escape from him. Can she survive seeing him do his sexy tactics? Nobody ignores Nigel Parks. Well, she did. But until when?