" Blue Rose, kapag ikaw ay nakatanggap nito ay maaring katapusan na ng iyong buhay, maari 'ring pag-papaalam ng isang importanteng tao at maaring 'iyon na ang huling pagkikita ng taong nagbigay sayo n'on... Eh? Ang Oa naman ng definition mo. " Hinarap ko siya at nagtatanong ang aking mukha sakanya.
Bumuntong-hininga lang siya.
" Sabi mo, isulat ko ang definition para sa akin ang blue Rose. That's my definition. " kibit-balikat ito.
Tumayo ako sa kinau-upuan ko sa bench. Tinignan ko ang lugar kung saan kami ngayon nagpapahinga.
Napangiti ako ng maraming mga bata ang naglalaro malapit sa kinaroroonan namin ni Alexander Rose Blue. Nakakatuwa ang pangalan niya alisin mo lang ang 'Alexander' ay isa na itong bulaklak. Ang Blue Rose na hinihingi ko ang definition niya dito.
" We should go Megan, you need to go home. " napasimangot ako at hinarap siya.
" Maaga pa. Tsaka ang sarap kaya ng hangin dito sa playground, At tignan mo ang mga bata nagsasaya sila. " Ani ko.
Nakaupo lamang siya sa bench at nakakrus ang mga kamay nito sa dibdib niya. Wala itong makikitang reaction sa kanya. Maski ang ngumiti ay hindi niya magawa. Pero minsan ko nang nakita si Alexander na ngumiti. Iyong araw na tinulungan niya ko sa mga nambubully sakin sa School. Yung araw na inalo niya ko. Yung araw na naging kaibigan ko siya. Simula n'on ay hindi na siya ngumiti. Ang sabi naman niya sakin ay wala naman daw siyang dahilan para ngumiti.
" You're not a kid anymore, Megan and you have a class tomorrow. " pagkasabi niya n'on ay saktong dumating ang service ko.
Tumayo siya at kinuha ang bag ko. Binuhat niya iyon papunta sa sundo ko. Binuksan niya ang pintuan ng kotse at inilagay niya doon ang bag ko. Tsaka ito humarap sakin. " Come. " wala akong nagawa kundi ang lumapit sakanya. Pagkalapit ko ay niluwagan niya ang pagbukas ng pinto ng kotse.
" Pumasok ka na. "
Hindi ko mapigilan malungkot.
" Magkikita pa naman tayo bukas hindi ba? Susunduin mo ulit ako sa school? " hindi ko mapigilan ang konting hikbi ko.
Bumuntong hininga muli siya.
" I'll try pero hindi ako nangangako. " napayuko na lamang ako. " Pumasok ka na. " at yun nga ang ginawa ko. Pumasok na ko sa kotse.
Hinarap ko siya na nakatingin lamang sa akin. " Sunduin mo ko ulit ha? " nagmamakaawa ang tingin ko sakanya. Hinihintay ko ang pagtango niya pero nalungkot lang ako ng sinarado niya lamang ang pintuan at umandar na ang kotse.
Napahinga ako ng malalim. Sa totoo lang siya lang ang kaibigan ko. Wala naman kasing gustong makipag kaibigan sa akin dahil mahina daw akong tignan. Aaminin ko, Oo mahina talaga ako. Physically and emotionally. Si Alexander lang ang nakakatiis sakin kaya masaya ako na naging kaibigan ko siya. Kaya lang hindi naman siya nag-aaral dahil tapos na ito. Ang layo din ng agwat namin. I'm 18 and She's 24. Wala akong halos alam sa kanya dahil madalang lang kami nagkikita dahil may inaasikaso daw ito. Ayaw naman niyang sabihin kung ano 'iyon.
I fist my hand at napansin ko ang papel na nandito. Ah, yung papel na sinulatan ni Alexander. Yung definition niya sa Blue Rose. Napangiti ako ng binasa ko muli ito. Ang weird ng definition niya pero nakakatuwa. Binulsa ko ito. At nakangiti na akong tumingin sa bintana.
--
Nandito ako ngayon sa Gym ng School na pinapasukan ko. P.E namin ngayon at ito na 'rin ang last subject namin ngayon. Tatlong araw na 'rin nang nagkita kami ni Alexander. Nalulungkot ako dahil hindi siya dumating at hindi ako sinundo noong nakaraang araw. Sa tingin ko maghihintay na naman ako ng ilang araw para magkita kaming dalawa. Kamusta na kaya siya? Namimiss ko na siya.
" Miss Megan Brewster? Are you listening? " Nabalik ako sa realidad ng tinawag ako ng prof ko. Nakatingin na pala halos lahat ng kaklase ko sa akin at naweweirduhan.
" S-sorry po. " napayuko ako dahil sa kahihiyan.
" It's ok. Next time pay attention ok? "
" Opo. "
" Ok. So naexplain ko na ang gagawin niyo. Girls maglalaro kayo ng volleyball at ang boys ay basket ball. Exception si Megan dahil hindi siya pwede maglaro. " napangiti ako ng mapakla.
May sakit ako sa puso kaya hindi ako pwede magpagod. Nakakainis nga 'e bakit may sakit pa 'ko. Hindi tuloy ako pwede sa sports. Nakakaiingit.
Ilang sandali nga lang ay masaya ng naglalaro ang mga kaklase ko samantalang ako ay nakaupo lamang at inaaral ang mga notes na binigay sakin ng prof ko sa P.E. umalis na 'rin si prof, any minute nalang kasi ay matatapos na ang time niya.
Tahimik lamang ako nagbabasa ng notes nang may bumangga sa paa ko. Tinignan ko naman ito at ito ang bola sa volleyball. Kinuha ko naman ito.
" Hoy lampa pakitapon nga yung bola dito. " sigaw ng isa kong babaeng kaklase na kinatingin ko. Tumango naman ako at iniatsa ang bola.
Nabato ko nga 'iyon pero mahina lamang. 'iyon lang ang kinaya ng powers ko. Natawa naman ang mga kaklase ko na nakatingin samin.
" Lampa talaga. " umiling-iling pa ito habang tumatawa.
Hindi ko na lamang pinansin 'iyon at bumalik na lamang ako sa pagbabasa. Sanay na 'rin naman akong tinatawag na lampa. Totoo naman kase. Ilang minuto 'rin akong nagbabasa at nakakaramdam na 'ko ng pagkabagot kaya tumayo na ako at inayos ang gamit ko.
" Megan! Umilag ka yung bola! " sigaw ng isa. Napatingin ako don at nanlalaki ang mata ko dahil mabilis na papunta sa akin ang bola. Tila naestatwa ako at hindi alam ang gagawin. Napapikit na lamang ako at handang saluhin ng mukha ko ang bola
Isang malakas na tunog ang umalingaw-ngaw sa buong gym at katahimikan ang namayani ilang sandali. Pinakiramdaman ko ang sarili ko kung may masakit ba pero wala. Pagdilat ko ay nanlalaki ang mata ko ng may isang kamay na nakahawak sa bola. Tinignan ko ang may-ari ng kamay na 'iyon at gan'on na lamang ang tuwa ko kung sino 'iyon. Nakakunot ang noo nitong nakatingin sa akin. Ang isang kamay niya ay nasa bulsa ng pantalon niya at ang isa ay nakahawak sa bola na dapat ay tatama sa mukha ko.
" You okay? " kunot noo pa'rin itong nagtanong. Hindi ako makapagsalita kaya tumango na lamang ako. Tinignan naman nito ang kaklase kong lalaki at sinamaan ito ng tingin. Nabigla na lang ako ng pumutok ang bola na hawak niya. Hindi ko alam kung paano niya ginawa iyon pero nakaramdam ako ng kaba ng naglakad papalayo sa akin si Alexander at papunta sa mga lalaki kong kaklase.
" A-alexander Sandali! "