Chapter XXX

13.4K 250 1
                                    

Happy Birthday!!

Bulong ko sa kambal na kasalukuyang mahimbing na natutulog, kakatapos ko lamang sa mga cupcakes na binake ko. Si Kyle ay nasa banyo at kasalukuyang naliligo, puro ito harina dahil sa pagtulong sa akin. Nag-suggest ito na maaari naman kaming mag-order but then I refused. Ever since ako na ang gumagawa ng cakes ng kambal everytime we celebrates their birthday.

"Maligo ka na babe!", anito at inabot sa akin ang malinis na bathrobe. Tumango na lamang ako at agad na tumalima rito.

Alas dyes pa lang ng umaga ay marami ng tao sa Fernbrook Gardens, we invited the twins classmate and friends. Mabuti na lamang at nakuha namin agad ang Great Print Photography to cover this special event.

Hindi man nakadalo si Lester ay pinadala pa rin nito ang mga gifts para sa kambal. Si Miguel at Irene ay nakapunta sa kabila ng honeymoon stage ng mga ito.

Kanya kanyang regalo ang natangap ng kambal, kita ko rin ang masinsinang pag-uusap ni Nanay at Tatay kasama si Tita Ai, ang dalawa kong kapatid at si DM. Hindi ko na sila maasikaso dahil na rin sa dami ng mga bisita.

Patapos na ang event, ng lapitan ako ni Dustin kasama ang kakambal nito.

"Cait, can I have a moment with you?", anito na malugod kong pinaunlakan.
"By the way, this is my twins Eclaire.", pakilala pa nito sa akin sa kakambal. Masiglang nakipagkamay ito sa akin.

"One thing in common that you guys have is a twins!", anas ko. "But I haven't met, Kyle twins sister."

"Well! Except kay Keij, kami lang nila Mike ang kakambal.", anang Dustin. Nagpaalam ito at iniwan kami ni Eclaire.

"We wanted to invite you and the twins, para sa new issue ng EMC at DMC." Anang Eclaire.

"Ha!",

"I already discuss it with Kyle, nasayo daw ang desisyon!", dagdag pa nito.

"Pero nakakahiya, saka hindi naman ako sanay sa mga ganyan.", paliwanag ko rito.

"Don't worry we will guide you, wedding theme yun actually. Next week na yung shoot, then kasabay kasi ng shoot nayun is yung pag-cover ng music video ng isa sa mga talent ng DMC. I hope mapagbigyan mo kami. Everything is settled actually, we planned it already hindi ka lang namin maabala since busy ka for the twins birthday.", paliwanag nito.

Wala naman akong nagawa kundi ang umoo. Tuwang-tuwa naman ito.
Masayang masaya ang kambal sa naging celebration ng birthday nila.

Kinabukasan ay naging abala na din kame, dahil mineeting kame ng EMC. Kasama rin nila ang Great Image para i-cover ang lahat ng preparation.

Pati nadin ang pagpunta namin sa salon kasama ang parents ko at si Mama Ai.

Kahit ang mga ginagawa ko ay kinukuhanan rin nila. Naguguluhan ako but then, they just told me to relax, be myself and enjoy.

Today is the day, umaga pa lamang ay inaayusan na kame para sa gaganaping pictorial, nasa Fernbrook Garden na kame kasama ang kambal. I find it odd, kasi naman bakit kailangan pang kami ang gawing model for their wedding cover. I remembered Zoren and Carmina's wedding here.

Naging abala sa pag-mamake-up sa akin, habang hinahantay namin ang gagawing shoot.

The Twin's DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon