Chapter XXXIV

12.2K 223 0
                                    

We, indeed enjoyed our honeymoon kahit na nangungulila ako sa kambal ay napawi naman ni Kyle ang lungkot na nararamdaman ko. Hindi kami nagaksaya ng oras na dalawa, tila kame teenager na ngayon lang nakapagdate. May ilang Pinoy at Pinay na nakakilala kay Kyle, minsan ay nagpapapicture pa ang mga ito rito.

We bought pasalubong for everyone and then toys for the twins. Nagpapahinga kame ngayon ni Kyle sa aming suite ng tumunog ang cellphone nito.

"Dustin!", bati nito at niloudspeaker ang cellphone.

"Dude, pasensya ka na sa abala pero may problema tayo!", anito nakita ko naman ang pagkabahala sa mukha ni Kyle. "Si Keij pare, dalawang araw ng nagwawala at nagiinom lang.", dagdag pa nito.

"Anong nangyare?", tanong ni Kyle rito. Batid ko ang sobrang pag-aalala ni Kyle para kay Keij.

"Mahabang storya pre, but she's back that caused a big trouble. Anyway binigyan lang kita ng balita, mag-enjoy kayo jan regards kay Cait. Nga pala lumabas kami kanina at kasama yung kambal. Dinaig ka ni Hunter dude, tatlong taon pa lang pero galawang breezy na.", tumatawang kwento nito, ni hindi na ako nakareact dahil nacut na ang tawag.

"What happened?", nag-aalang tanong ko kay Kyle.

"We will find out tommorow?", anito at tinapos na ang pag-aayos ng mga gamit namin.

It's been a long travel, thank God we landed safe at Terminal 2. I'm so excited to see my twins, kaya naman kahit pagod ay nagmamadali kami ni Kyle na magtungo sa Alabang.

They both sleeping peacefully, nagpalit lamang ako ng pantulog at tinabihan na ang mga ito. Maya-maya lamang ay tumabi narin si Kyle sa amin, napangiti ako bago makatulog dahil larawan kami ng isang masaya at buong pamilya.

Nagising ako dahil sa pag-bungisngis ng kambal, kasi naman ang daddy ng mga ito ay animo bata na nakaakap sa akin.

"Mister, wake-up na.", gising ko rito, pero umungol lamang ito. Kaya naman ang pilyo kong kambal ay dinaganan at kiniliti ang ama. Naka-alis ako sa pagka-akap nito at inawat ang kambal.

"We missed you mommy!", anang mga ito at yinakap ako. I just kissed the both of them, si Kyle na halatang puyat at pagod ay nakipagkulitan naman sa kambal.

"Are you guys ready?", tanong sa amin ni Kyle. I wonder where are we going right now.Kanina ng bumaba kami ay nagmamadaling umalis si Tita Ai.
Alas-tres na ng hapon at nangulit pa itong lumabas kame. Dahil excited ang kambal ay nagmadali na kame.

Tinatahak namin ang daan patungong Taguig, "Are we going home now daddy?", tanong ni Hunter rito.

"Later baby!", anito at niliko sa The Fort, I wonder kung sino ang bibisitahin namin rito.

Itinigil nito ang sasakyan sa tapat ng isang simple pero malaking bahay. "Kanino bahay to?", tanong ko rito, buhat nito si Samantha kaya ako na ang nagbuhat kay Hunter.

Dirediretso kaming pumasok, ni hindi man lang ito nag-doorbel.

Kahit ang pagpasok nito sa maindoor ay dirediretso, I was suprised when we finally entered the living room.






-Hope you guys will like it!! :)
Thanks po sa nagAdd sa Library nila, votes and comments :) Salamat po..

-Share your thoughts about my story :)
9 days to go Pasko na, I wish you guys a Merry and Wonderful Christmas with your whole Family..

Love Lots,
Lady Nezumi21 :*

The Twin's DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon