CHAPTER 6
~Xia's POV~
Ang isang tulad kong maganda at mayaman ay may boyfriend din naman tingin niyo saakin? Kahit bitch ako may nagkakagusto pa rin saakin.
"Babe" sabi ni stev. Tapos kiniss ako sa noo.
"Eww. Don't call me babe. Hindi ako baboy. Ano tingin mo saakin babe in the city?" Inirapan ko lang siya at nauna maglakad.
May hampaslupang babae na hinatak ako at sinampal ako.
"Gusto ko lang sabihin na. Aagawin ko sa'yo si Stev. Asawa nga naagaw boyfriend pa kaya?"
"Baso nga nababasag mukha mo pa kaya? Gosh! How desperate you are? Kung gusto mo sa'yo na siya. Bigay ko pa ng buong-buo"
Aalis na sana ako ng may nakalimutan ako.
"*slap* para sa paghatak saakin ang gaspang ng kamay mo. *slap* para sa pagsampal saakin. Isang Aldama sinampal mo? At *slap* para sa pagsabing aagawin mo ang boyfriend ko. Last *slap* para pantay yang blush-on mo"
Nagmayamang-walk na ako. Nagulat naman ako na sumunod ang boyfriend ko.
"Hahaha! Grabe akala ko kailangan na ng ambulansya nung babae. Muntikan na ako tumawag"
Inirapan ko lang siya. Pilit niyang hinawakan ang kamay ko. In the end, nagpahawak naman ako. Holding Hands lang.
Kadiri! Hindi ko as in never ko inimagine na makikipag-HHWW ako kaya binitawan ko agad.
BINABASA MO ANG
Queen Bitch (2015)
Teen FictionXia stands for XENON ISABELLE ALDAMA. #XeRo #ZeNon #XiaZero babaeng_marupok | 2015